KELAI’S POV Pagkatapos kong magluto ay kumain na kami ng dinner ni Ryan. Niyaya niya rin kasi akong mag-beer after naming kumain ng dinner. Mabuti na lamang pala na may stock ako ng alak dito. Alam ko naman kasing apektado si Ryan sa paghihiwalay nila ni Lany. Ayaw niya lang ipakita sa akin ang totoong nararamdaman niya. Ayos lang naman sa akin iyon kung hindi niya kayang mag-open sa akin. Kasalukuyan akong naghuhugas ng pinggan habang si Ryan ay nanonood ng movie sa laptop ko. May hawak na rin siyang isang lata ng beer. Paminsan-minsan ay sinusulyapan ko siya at sa totoo lang ay hindi ko maintindihan kung anong iniisip niya. Halata naman kasing wala ang atensyon niya sa pinapanood niya. Pagkatapos kong maghugas ng pinggan ay kumuha rin ako ng beer ko at tinabihan siya. Horror ang pina

