THIRD POV Pagkatapos na makausap ni Lany si Maya at malaman ang kalokohan ng boyfriend niya ay agad niya itong tinawagan. Hindi pa nga ito sumasagot kaya mabilis siyang umuwi sa apartment nila. Medyo maaga pa naman at may oras pa siya para kausapin si Ryan. Ngunit kung sakaling hindi siya makaabot sa duty niya ay hindi na lang muna siya papasok. Ang mahalaga ay ang makausap niya si Ryan. Pagkauwi niya sa apartment nila ay wala pa doon si Ryan. Naikuyom niya ang kaniyang mga kamay dahil sa galit. Kung wala siya dito, malamang ay nandoon siya sa babae niya, sa isip ng dalaga. Lany : Uuwi ka o pupuntahan kita sa babae mo? Pagka-send niya ng text na iyon kay Ryan ay umupo muna siya sa kusina. Panay ang sulyap niya sa cellphone niya kung nag-reply na ba ang binata. Ngunit lumipas ang ka

