40 - BREADWINNER

1531 Words

KELAI'S POV "Love, pwede mo ba akong samahan mamaya. Mamimili lang ako ng ipapa-package ko," nakangiting sabi ko kay Ryan habang naglalakad kami papunta ng service cab. Alas tres na kasi ng hapon at oras na ng uwian. Buong duty ko ay lumilipad ang isipan ko pero nagawa ko namang tapusin ang lahat ng reports ko. Gano'n na yata talaga kapag ilang taon ko nang ginagawa ang trabaho ko, kahit absent-minded ay nagagawa ko pa rin ng maayos. Hindi nga lang siya kasing-bilis ng trabaho ko kapag naka-focus ako. "Sure," sagot naman sa akin ni Ryan. Araw kasi ng sweldo namin ngayon kaya may budget ako para mamili ng mga gamit na pwedeng ilagay sa balikbayan box. Balak ko na kasing punuin ang box ko para maipadala ko na sa Pilipinas. Medyo matagal tagal kasi ang pagdating no'n, minsan ay inaabot pa

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD