Mainit ang hapon, ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit pawis na pawis si Alessandro habang papunta sa kinaroroonan ni Candy. Matapos sabihin nito sa kaniya sa telepono ang tungkol sa pagbubuntis nito ay dali-dali niyang pinuntahan ito. Bumabagabag pa rin sa isipan niya ang huling tagpo nila ni Candy at ang mga salitang binitawan nito sa telepono. Parang mas naging kumplikado pa ang lahat. Ito na ata ang pinakamabilis na kalahating oras sa talambuhay niya. Hindi niya napansin na nakarating na siya sa condominium kung saan sila lagi nagkikita ni Candy. Mabilis ang mga hakbang niya, at agad na narating ang tapat ng unit. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto. "Alessandro," may halong pananabik ang tinig ni Candy. Nakasuot ito ng dress at naka-makeup na mukhang may pinuntahan din.

