Tahimik si Romina habang binabagtas ang daan pauwi mula sa clinic. Sa tabi niya sa upuan ng sasakyan ay si Liza, tahimik ding nakatingin sa labas ng bintana. Ngunit kahit walang salitang namamagitan sa kanila, ramdam ang kabigatan sa dibdib ni Romina—ngunit hindi ito dahil sa lungkot. Kabaligtaran. Kanina lang ay narinig niya ang pintig ng munting buhay sa kanyang sinapupunan. Hindi man niya ito nakita, ngunit sa bawat t***k ng puso nito na ipinarinig ng doktor, dama niya ang matinding damdamin niya bilang bagong iba, parang binigyan siya ng bagong layunin, bagong lakas sa lahat ng mga pinagdadaanan niya. "Very strong ang heartbeat," ani ng doktor kanina habang itinuturo ang imahe sa ultrasound. "First trimester pa lang pero napakaaktibo na, that's a good sign." Naging emosyonal ang t

