Tahimik ang gabi, ngunit hindi ang puso ni Romina. Sa loob ng silid, naupo siya sa gilid ng kama, hawak-hawak ang kanyang tiyan na ngayo'y may bahagyang umbok na. Sariwa pa sa alaala niya ang tunog ng pintig ng munting puso na narinig niya sa klinika. Sa mga saglit na iyon, buo na ang kanyang desisyon—sabihin na kay Alessandro ang lahat. Ngunit ang gabing iyon ay nagdala ng ibang balita. "I wanted our relationship to work out, dahil napagtanto ko na sa sandali na nandito ka ay nagbago lahat ng nararamdaman ko, na I realized that I love you, Romina. Kaya nakipaghiwalay ako sa kaniya. Tinapos ko ang lahat, sa pagitan namin dahil alam kong mali yung pinasok naming dalawa, pero higit sa lahat, ang pagbabago ng nararamdaman ko." ani ni Alessandro, sunod non ang pagpatak ng kaniyang luha. "Sin

