Tahimik pa rin ang buong mansyon. Tila baga ang bawat bahagi ng bahay ay nahahawa sa lungkot na nararamdaman ng iisang ilaw na siyang puso ng tahanan. Nasa ikalawang araw na ng pamamalagi ni Romina sa kanyang silid. Naka-lock and silid, ayaw humarap kanino man, ipinapaiwan niya lang ang mga pagkain sa pinto, kung minsan ay may bawas, madalas ay wala. Namumukmok siya doon, walang nais tanggapin na sino man, nais niyang mapagisa. Ngunit hindi iyon naging hadlang sa mga kasambahay na patuloy na nag-aalala sa kanya. "Senyorita Romina..." mahinang tawag ni Liza habang kumakatok. Walang sagot. Hindi na siya nagtaka. Ilang ulit na rin niya itong ginawa. Pero sa araw na iyon, hindi na siya umalis agad sa pintuan. Bitbit niya ang isang tray na may mainit na sabaw, kanin, at ilang hiniwang prutas.

