Ilang saglit silang tahimik. Nakahiga pa rin si Romina habang si Alessandro naman ay nakasandal sa headboard. Ngunit may kakaibang tensyon sa pagitan nila, isang bagay na hindi na bago, ngunit tila mas mabigat ngayong gabi. Hindi niya inaasahan na magkakaroon sila ng ganitong pag-uusap. Hindi niya inaasahan na maririnig niya mismo kay Alessandro ang pag-aalinlangan nito sa lahat ng nangyayari sa kanila. Ngunit ang hindi niya rin inaasahan ay ang sumunod na nangyari. Narinig niya ang pagbuntong-hininga ni Alessandro, saka naramdaman ang paggalaw nito sa tabi niya. Hindi niya inakalang dadapa ito at ipapatong ang isang braso sa kanyang tiyan. “Alessandro…” “Huwag kang magsalita,” bulong nito. Napalunok si Romina. Ramdam niya ang init ng katawan nito sa kanyang tabi, ang marahang pagh

