Tahimik ang buong silid, tanging ang marahang tunog ng kanilang paghinga ang maririnig. Kapwa sila nakahiga sa kama, nakabalot sa manipis na kumot. Ang katawan ni Romina ay mainit pa rin mula sa matinding pagniniig nila ni Alessandro—isang bagay na hindi niya pa rin lubusang matanggap sa sarili niyang isipan. Sa tuwing nasa ilalim siya ng katawan ng asawa, nagiging ibang tao siya. Ang mahinhin at tahimik na si Romina ay naglalaho, napapalitan ng isang babaeng hindi natatakot ipakita ang kanyang pagnanasa. At ang mas nakakagulat, hindi niya ito pinipigilan. Alam niyang aalis na ito. Ganoon naman palagi. Kaya nakapikit lang siya, hinintay ang pagbukas ng pinto—ang hudyat ng kanyang muling pag-iisa. Ngunit hindi. Tahimik pa rin. Ramdam niya ang presensiya ni Alessandro sa tabi niya. Hin

