Sa loob ng kusina, ang tila tahimik na umaga ay napuno ng maiinit na bulungan. Habang abala ang mga kasambahay sa paghahanda ng agahan, hindi maiwasan ang pag-uusap tungkol sa mga nagaganap sa loob ng mansyon—lalo na tungkol sa kanilang mga amo. Isang dalagang kasambahay ang unang naglakas-loob na magsalita. “Ate, totoo po bang madalas nang magkasama sa gabi sina Senyorito Alessandro at Senyorita Romina?” Isang halakhak ang umalingawngaw mula sa isa pang kasambahay. “Nakita ko nga kagabi, si Senyoraito Alessandro mismo ang lumabas mula sa kwarto ni Senyorita. Diyos ko, hindi ko alam kung ano’ng iisipin ko.” “Naku, ‘day,” isang matandang kasambahay ang sumingit sa usapan. “Kung ako sa’yo, huwag ka nang magtanong. Alam mo naman kung ano ang ibig sabihin niyan. Mag-asawa sila, hindi ba? no

