Para bang tumigil ang mundo ni Romina nang maramdaman niyang muling lumapit si Alessandro. Wala siyang makita, pero dama niya ang bawat paggalaw nito—ang init ng kanyang katawan, ang bigat ng presensya nito, at ang banayad ngunit mariing paghinga na tila nagpapahiwatig ng kung anong hindi nito kayang ipahayag sa salita. Nang dumampi ang labi nito sa kanya, nagdilim ang lahat sa kanyang isipan. Hindi niya alam kung bakit, pero hindi siya nag-atubili. Walang pag-aalinlangan. Sa halip, parang may pumipilit sa kanyang katawan upang tumugon. Bago pa man niya napagtanto ang kanyang ginagawa, mabilis niyang sinuklian ang halik nito. "Hmmpp" "Mmm" Mainit. Madiin. Mapusok. "Alessandro.." Kung ang unang gabi nila ay puno ng kalituhan at kawalan ng emosyon, ngayon ay may kung anong nagbabagan

