Pagkaalis ni Manang Ising sa silid, muling bumalik ang katahimikan. Si Alessandro ay nanatiling nakatayo sa harap ng kama, ngunit ang kanyang isip ay puno ng katanungan. Hindi niya maintindihan kung bakit may bigat sa kanyang dibdib. Dapat ay wala siyang maramdaman—iyon ang plano niya. Ito ang kasal na itinakda ng pagkakataon, hindi ng damdamin. Ngunit bakit tila hindi siya mapakali? Huminga siya nang malalim bago lumabas ng silid. Kailangan niyang bumalik sa trabaho, sa normal niyang buhay—ang buhay na wala dapat damdamin para kay Romina. — Sa kabilang banda, si Romina ay nakaupo sa gilid ng kama, suot ang maluwag na damit na ipinakuha ni Liza para sa kanya. Bagama't wala siyang nakikitang repleksyon sa salamin, ramdam niya ang bahagyang panghihina ng kanyang katawan. Ang bawat paggal

