Chapter 9

1057 Words
"Liza? may gagawin ka ba?" tanong ni Romina sa kanyang tagapag-alaga. "Kung wala kang gagawin, Senorita ay wala po. May nais ka bang ipa-utos?" tanong nya pabalik sa kanya. Pansin naman nya ang pag-aalangan nito. "Caregiver mo ako, Senoria Romina. Kahit anong ipautos mo ay ayos lang." . Napabuntong-hininga si Romina, "Maari mo bang itanong kay Manang Ising kung aalis pa ba si Alessandro ngayon o hindi na." Agad naman na tumango si Liza kahit pa hindi siya nito kita. "Sige po, iiwan muna pala kita hintayin mo ako saglit lang ha?" "Sige." Ilang saglit lang naman naghintay si Romina bago niya naramdaman ang yabag nito papalapit sa kanya. Ilang araw pa lamang s'ya sa mansion pero tila nasasaulo na nya kung sino ang kaharap base sa tunog ng yabag ng mga yapak ng mga ito. Parang si Liza, saulo na nya kung ano ang tunog ng lakad nito. "Senorita, ayon kay Manang Ising ay wala na raw po lakad si Senorito at sa silid lang ito maglalagi maghapon." balita nito sa kanya kaya agad na napatango si Romina. "Ganon ba, Liza? pwede mo ba akong samahan sa silid nya?" "Sige po, Senorita." Sa mahihinang hakbang, dahan-dahang inalalayan ni Liza si Romina patungo sa silid ni Alessandro. Tahimik lamang si Romina habang hawak ang braso ng kasambahay, ngunit ramdam ni Liza ang pag-aalalang bumabalot sa kanyang senorita. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla itong nagpasya na puntahan ang kanyang asawa, lalo na't halata namang iniiwasan siya nito. Subalit, hindi na siya nagtanong pa at nagpatuloy lamang sa pag-akay kay Romina hanggang sa marating nila ang harapan ng silid ng asawa ni Romina na si Alessandro. Kumatok si Liza nang marahan. "Senorito, si Senorita Romina po ay narito." Walang tugon mula sa loob. Napatingin si Liza kay Romina, na tila ba nag-aalangan. Ngunit sa halip na umurong, mas hinigpitan pa ni Romina ang hawak sa braso ni Liza. Napansin ito ng kasambahay kaya nagpasya siyang muling kumatok, ngunit mas malakas na ngayon. "Senorito, nandito po si Senorita Romina. Gusto po niyang makausap kayo." Muli, katahimikan. Nang akmang magsasalita na si Liza upang sabihin kay Romina na baka hindi pa ito handang kausapin ni Alessandro, biglang bumukas ang pinto. Bumungad sa kanila ang malamig na ekspresyon ng lalaki. Nakasuot ito ng puting dress shirt, bahagyang naka-unbutton ang itaas, at halatang kagagaling lang sa isang mahaba at nakakapagod na araw. "Ano'ng ginagawa mo rito?" malamig na tanong ni Alessandro habang nakatitig kay Romina. Nagdalawang-isip si Romina kung dapat ba siyang umatras, ngunit pinilit niyang hindi magpakita ng panghihina. Sa halip, mahina niyang sinabi, "Gusto kitang makausap." Saglit na nagtagpo ang kanilang mga tingin—si Alessandro, na puno ng pagtitimpi, at si Romina, na bagamat hindi nakakakita, ay puno ng determinasyon sa kanyang tinig. Tumikhim si Alessandro bago tuluyang lumayo mula sa pinto, hudyat na pinapayagan niyang pumasok si Romina. "Liza, maiwan mo na kami, tatawagan na lang kita kapag tapos na kami mag-usap," mahigpit na utos ni Alessandro bago pa makapasok si Romina. Saglit na nag-alinlangan si Liza. Gusto niyang tiyakin ang kalagayan ng kanyang senorita, ngunit hindi niya kayang suwayin ang utos ni Alessandro, lalo pa at ito ang asawa ni Romina na siya ring amo. Kaya naman, dahan-dahan siyang lumayo, iniwan ang dalawa sa loob ng silid. Nang magsara ang pinto, naramdaman ni Romina ang pag-iiba ng hangin sa loob ng silid. Tahimik. Hindi niya alam kung paano sisimulan ang nais niyang sabihin, ngunit kailangang may lumabas mula sa kanyang bibig. "Bakit mo ako iniiwasan?" mahina ngunit may determinasyong tanong ni Romina. Napailing si Alessandro at marahang humugot ng hininga. "Hindi kita iniiwasan." "Hindi ka na bumaba para kumain kasama ko, hindi mo ako kinakausap, at hindi mo ako tinitingnan nang matagal. Kung hindi iyon pag-iwas, ano?" Muli, katahimikan. "Ang sabi mo mag-uusap tayo? Paguusapan natin kung bakit narito ako?" Lumapit si Romina, halos maramdaman na niya ang init ng katawan ni Alessandro sa pagitan nilang espasyo. Hindi niya kita ang ekspresyon ng lalaki, ngunit nararamdaman niya ang tensyon sa paligid nila. "Alessandro..." mahinang tawag niya sa pangalan nito. Napabuntong-hininga ang lalaki bago tuluyang nagsalita. "Ano'ng gusto mong marinig, Romina? Hindi ka pa ba masaya na pinakasalan kita at kinuha sa miserable mong buhay kasama ang pamilya mo?" Napapitlag si Romina sa tinig nito. "Hindi..." mahina niyang tugon. "Paano ako magiging masaya kung wala akong alam sa tunay na plano mo? Nais kong malaman ang lahat, Alessandro. Papaano ako gagalaw sa mundong hindi ko nakikita, kung maski ang dahilan mo ay palaisipan?" Sa wakas, umupo si Alessandro sa gilid ng kama at marahang tinakpan ng kamay ang kanyang mukha. Ramdam ni Romina ang bigat ng kanyang hininga, na tila may kinikimkim itong bumabagabag sa kanya. "Huwag mo akong pilitin, Romina," bulong nito. "Dahil kung pipilitin mo ako, baka hindi mo magustuhan ang sagot ko." Pinilit ni Romina na manatiling matatag. "Gusto kong marinig. Karapatan ko bilang asawa mo na malaman ang totoo." Napatawa nang mapait si Alessandro. "Asawa? Alam mo ba kung anong klaseng kasal ang meron tayo, Romina? Hindi ito tulad ng mga pangkaraniwang kasal. Hindi ito isang kasal na puno ng pagmamahal. Ikaw, alam mo ba kung bakit kita pinakasalan?" Nanlaki ang mga mata ni Romina sa narinig. Para bang isang dagok sa kanyang dibdib ang sinabi ni Alessandro. Ngunit sa kabila noon, hindi siya sumuko. "Kung ganoon... bakit mo ako pinili?" Tumayo si Alessandro at marahang lumapit sa kanya. Ramdam ni Romina ang presensya nito sa harapan niya. Marahan nitong kinuha ang kamay niya at idinikit sa matibay nitong dibdib. "Ramdam mo ba ang t***k ng puso ko?" mahina ngunit malalim ang tinig ni Alessandro. Tumango si Romina. "Ito ang dahilan kung bakit kita pinakasalan. Dahil sa isang bagay na hindi mo pa nauunawaan." Napalunok si Romina. Nais niyang maunawaan ang lahat, ngunit tila napakaraming bagay ang nakabalot sa misteryo. Hindi niya alam kung ano pa ang kaya niyang matuklasan. At sa puntong iyon, ramdam niyang hindi pa niya lubos na kilala si Alessandro—ang lalaking kanyang pinakasalan. "Hindi kita maintindihan." Sagot ni Romina. "Huwag kang magpaligoy-ligoy pa. Bakit hindi mo na lang ako diretsohin sa iyong dahilan?" "Wala akong oras magmahal." Mabilis na sagot ni Alessandro. "Pinili kita kasi alam ko na hindi ko mamahalin ang tulad mo, higit sa lahat, hindi ka rin mahuhulog sa akin dahil hindi mo ako nakikita."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD