Chapter 6

1293 Words
Nanatiling tahimik si Alessandro habang nakatitig kay Romina. Alam niyang hindi niya dapat ipakita ang kahit anong reaksyon, ngunit hindi niya rin maikakaila ang katotohanang nasa harapan niya—ang perpektong hubog ng katawan nito, ang kakinisan ng balat, at ang ganda nitong bumabalot sa bawat galaw. Ngunit higit pa roon, mas nakapukaw sa kanya ang ekspresyon sa mukha ng babae. Hindi ito isang mapanuksong kilos. Hindi ito isang alok mula sa isang babaeng nag-aasam ng pagmamahal. Sa halip, tila isang sakripisyo ang ginagawa nito—isang tungkuling ginagampanan nang walang damdamin. Hindi niya kailangang marinig ang sinasabi nito upang malaman na may laban itong isinisigaw sa loob ng puso nito. Napatingin siya sa mata ni Romina, na bagaman hindi na nakakakita, tila may hinahanap pa rin sa kanya. Isang katiyakan? Isang sagot? O baka naman isang paraan upang iligtas ang sarili sa anuman ang pinagdaraanan nito ngayon? "Bakit mo ito ginagawa, para saan?" tanong ni Alessandro, nananatiling kalmado. Bahagyang napapitlag si Romina, ngunit agad itong nagbalik sa kanyang matigas na pananalita. "Hindi ba ito ang isa sa mga tungkulin ko bilang asawa mo? Maaari mo nang gawin kahit ano man ang nais mo. Huwag kang mag-alala, hindi ako pipiglas, kahit anong nais mo, anong posisyon, kung gaano karamig beses mo akong angkinin, kahit sa anong parte ng silid na ito, ayos lang." Sa loob ng ilang segundo, naramdaman ni Alessandro ang bigat ng mga salitang iyon. Alam niyang hindi galing sa puso ni Romina ang sinabi nito. Hindi ito isang babae na buong pusong nag-aalay ng sarili. Hindi niya maaaring kunin ang isang bagay na hindi kusa o may kasamang damdamin. Lumapit siya kay Romina. Hindi upang tanggapin ang alok nito, kundi upang iparamdam na naiintindihan niya ito. Hinawakan niya ang robe sa sahig at marahang ipinatong sa balikat nito. "Wala akong balak gawin ito ngayong gabi," mahinahong sabi ni Alessandro. "Magbihis ka na." Halos hindi gumalaw si Romina. Tila nagulat ito sa kanyang sinabi. "Bakit?" tanong nito, bahagyang nag-aalinlangan. "Bakit hindi mo ako angkinin? asawa mo na ako, maari mong gawin ang nais mo sa katawan ko." Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Alessandro bago sumagot. "Pagod ako. Nais ko na lamang magpahinga." Hindi iyon ang tunay na dahilan, ngunit ayaw niyang ipaliwanag pa. Ayaw niyang iparamdam kay Romina na alam niyang hindi ito handa. Alam niyang kung pipilitin niya ito, lalo lamang niyang itutulak ito sa mas malalim na kawalan. Tahimik na tumango si Romina at kinuha ang robe mula sa kanyang balikat. Isinuot niya ito at muling itinali, na parang muling binabalot ang sarili mula sa isang kahubaran na hindi lamang pisikal, kundi emosyonal din. Sa kabila ng kanyang pagkabulag, alam niyang sinusuri siya ni Alessandro, sinusukat ang bawat galaw niya. "Kung wala ka nang ibang kailangan, matutulog na ako," aniya, pilit na ginagawang matatag ang kanyang tinig. "Sigurado ka bang hindi mo gusto na makipagtalik sa akin ngayong gabi?" "Wala akong plano." sagot ulit nito. "Kung ganoon, sige. Kahit naguguluhan ako, Alessandro. Kung bakit nasa harapan mo na ako, hubad at pwede mong angkinin ay tumanggi ka pa rin." tila walang emosyon na sabi pa rin ni Romina. "Bakit ka naguguluhan? hindi mo ba inaasahan na tatanggi ako?" "Hindi ba s*x ang gusto lang ng mga lalaki?" Napatahimik si Alessandro, pinakatitigan si Romina bago ulit muling nagsalita. "Tama ka naman, s*x ang gusto ng mga lalaki, pero hindi sa lahat ng pagkakataon." Natahimik si Romina, mas lalong naging misteryoso ang lalaking napangasawa nya. Gusto niyang huminga ng maluwag. Napagtanto na hindi naman pala n'ya kailangan na pagdaanan ang bagay na iyon sa gabing ito. Subalit hindi niya iyon nais iparamdam sa lalaki. "Ganoon ba, sige. Kung hindi mo naman pala nais ay magpapahinga na ako." aniya sabay hawak ng mahigpit sa kanyang damit. Tumango si Alessandro, kahit na alam niyang hindi ito makikita ni Romina. "Sige, magpahinga ka. Bukas, pag-usapan natin ang lahat." Muli siyang lumingon bago tuluyang lumabas ng silid. Nang isara niya ang pinto sa likod niya, napabuntong-hininga si Romina. Hindi niya alam kung anong eksaktong naramdaman niya sa gabing iyon—awa ba? Inis? O may kung anong bumabangon sa loob niya na hindi pa niya matukoy? Ngunit isa lang ang sigurado siya. Hindi niya kailanman hahayaang ituring ni Romina ang sarili bilang isang tungkulin lamang. Hindi niya kailanman kukunin ang isang bagay na hindi niya sigurado kung nais nga nitong ibigay. --- Habang nakahiga si Romina sa malambot na kama, hindi niya magawang ipikit ang kanyang mga mata. Sa katahimikan ng silid, tanging ang mahinang tunog ng orasan ang maririnig. Pinilit niyang itulog ang bumabagabag sa kanyang isipan, ngunit kahit anong pilit niya, hindi siya dalawin ng antok. Bumalik sa kanyang isipan ang bawat saglit ng kanyang naging pag-uusap kay Alessandro. Ang pagtanggi nito sa kanyang alok ay tila isang dagok sa kanyang pagkatao. Akala niya, bilang asawa, iyon ang kanyang tungkulin. Iyon ang dapat niyang gawin. Subalit, bakit siya tinanggihan nito? Anong klaseng lalaki ang hindi gagawa ng kahit anong hakbang sa gabing iyon? Bakit hindi siya hinawakan ni Alessandro tulad ng inaasahan niya? Dahil ba sa awa? Dahil ba sa tingin nito ay wala siyang kakayahang magdesisyon para sa sarili niya? O baka naman may dahilan pa itong hindi niya alam? Hindi niya maiwasang isipin kung anong klaseng lalaki ba talaga ang kanyang pinakasalan. Isang misteryo si Alessandro, isang palaisipan na hindi niya mabasa. "Ano ba, Romina. Dapat maging masaya ka pa at walang nangyari sa inyo. Kung sa kamay ng ibang tao ka napunta malamang ay baka hindi ka na silayan ng araw kinabukasan." Napahawak siya sa kumot na nakabalot sa kanyang katawan, naramdaman niya ang malamig na hangin na pumapasok mula sa bintana. Ngunit hindi iyon ang dahilan kung bakit siya nangangatog—takot, pangamba, at kawalan ng katiyakan ang bumabalot sa kanya. Ano na ang gagawin niya ngayon? Ano na ang kahihinatnan ng kanyang buhay sa piling ng lalaking ito? Mula nang mawalan siya ng paningin, tila unti-unti ring nawala ang direksyon ng kanyang buhay. Noon, may pangarap siya, may sariling landas siyang gustong tahakin. Ngunit ngayon, para siyang isang bulag na naglalakad sa isang madilim at walang katapusang daan. Hindi niya alam kung saan siya patungo. Hindi niya alam kung ano ang naghihintay sa kanya bukas, sa makalawa, o sa mga susunod pang araw. "Sana lang hindi talaga masama si Alessandro." Hindi niya napigilan ang pagdaloy ng luha mula sa kanyang mga mata. Mahinang hikbi ang lumabas sa kanyang labi. Pilit niyang tinatakpan ang kanyang bibig gamit ang kanyang kamay, ayaw niyang marinig siya ng kahit sino. Sa mga oras na ito, gusto niyang maging mahina. Gusto niyang ilabas ang sakit na nararamdaman niya. Ang sakit ng pagkawala ng kanyang paningin. Ang sakit ng pagkawala ng kanyang dating buhay. Ang sakit ng pakiramdam na parang isa siyang walang halaga, isang bagay na naitapon at kinuha lamang ng isang estranghero para maging parte ng buhay nito nang wala siyang kahit anong laban. Napahawak siya sa kanyang dibdib. Para bang may kung anong bigat na nakadagan dito. Gusto niyang sumigaw, gusto niyang itanong sa mundo kung bakit ganito ang nangyari sa kanya. Ano ang nagawa niyang mali upang pagdaanan ang lahat ng ito? Hindi niya alam kung gaano siya katagal na nakatulala at umiiyak. Naramdaman na lang niya na tila mas bumibigat ang kanyang ulo, tila bumibigat ang kanyang mga talukap. Sa kabila ng kanyang emosyonal na paghihirap, unti-unti siyang nilamon ng antok, dala na rin marahil ng matinding pagod at pag-iiyak. Ngunit bago siya tuluyang makatulog, isang tanong ang bumagabag sa kanya: Ano nga ba ang tunay na dahilan kung bakit siya kinuha ni Alessandro bilang asawa? Anong papel niya sa buhay nito? At paano niya malalaman ang sagot kung tila napapaligiran siya ng isang pader na hindi niya mabuwag?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD