Tahimik na tinanggap ni Romina ang anunsyo ng kasambahay. Ngunit sa loob niya, may halo ng kaba at inis. Hindi siya kailanman naghanda para sa araw na muling haharapin ang mga taong minsan ay tinawag niyang mga magulang. Alam niya sa sarili niya—hindi aalis ang mga ito hangga't hindi siya kaharap. Kaya kahit may bahagyang pag-aalinlangan, tumindig siya at huminga nang malalim. "Sabihin mo, papasukin sila," mahinahong utos ni Romina. "Ako na ang haharap." Mabuti na lang din at wala si Alessandro ngayon sa Mansion. Nang makaalis ang kasambahay, hinarap niya si Liza at Manang Ising. "Pakialalayan ako sa baba, pero maari po ba na, pakiiwan niyo muna ako, ayos lang ako na ako muna ang haharap sa kanila." "Sigurado ka, hija?" tanong ni Manang Ising, bakas ang pag-aalala sa boses. "Oo po,

