Gabing-gabi na nang ihatid ni Manang Ising ang mainit na gatas kay Romina. Tulad ng nakasanayan, magaan ang bawat kilos ng matandang kasambahay habang marahang inilalapag ang tray sa lamesita sa tabi ng kama ni Romina. "Senyorita," aniya, "nagdala ako ng gatas." Ngumiti si Romina at tumango. "Salamat po, Manang." "Mabuti at hindi ka pa natutulog. Makakatulong 'to para mas maging mahimbing ang tulog mo." Umalis si Manang Ising na may dalang ngiti, ngunit bago tuluyang lumabas ng silid ay napansin niya ang lalagyan ng labahan sa sulok ng kuwarto. Napuno na ito ng ilang piraso ng damit ni Romina. Dahil hindi niya gusto ang ideyang may naiiwang maduming damit sa gabi, dahan-dahan niya itong niligpit upang malabhan kinabukasan. Habang isa-isang tinutupi ang mga kasuotan, napansin ni Manang

