Sa katahimikan ng gabi, habang dumarampi ang malamig na hangin mula sa bukas na bintana ng kanilang lumang bahay sa Laguna, tahimik na nakaupo sa sala sina Manuel at Carmela. Ang usok mula sa kanilang tsaa ay bahagyang umaakyat sa hangin, ngunit sa kabila ng mainit na inumin, nananatiling malamig ang kanilang mga titig sa isa’t isa. "Hindi ko pa rin alam kung anong klaseng gulo ang pinasok natin," bulalas ni Manuel habang nakatitig sa cellphone na hawak niya. Nasa screen ang larawan ni Silvia, ang babaeng bumisita sa kanila kanina. "Bilyonarya pala ang babae," bulong ni Carmela habang nanginginig ang kamay sa pagkakawak ng tasa. "Hindi ko inakala na ganoon kataas ang koneksyon niya. At anak niya si Alessandro mas billionaryo pa sa kanyang ina." "Oo. Kilala ko ang pamilyang iyan. May-ari

