Matapos magpaalam ni Alessandro, naiwan si Romina na nakahiga sa kama. Ramdam pa niya ang init ng mga labi nito sa kanyang balat, ang bigat ng katawan nitong bumalot sa kanya ilang minuto lang ang nakalilipas. "Pupunta muna ako sa kwarto saglit ay may kailangan akong tanggapin na call. Mag-kita na lang tayo mamayang hapunan sa hapag." "Sa hapagkainan?" Tanong ni Romina na may gulat dahil hindi naman kumakain si Alessandro sa hapagkainan. "Oo, we're having a dinner tonight. Wear something nice." Anito pa bago sandali na humalik sa kaniyang noo na hindi niya rin inaasahan. Ilan sandali lang ay narinig niyang magsara ang pinto, muli ay tahimik ang silid. Ngunit sa kabila ng lahat ng nangyari, ang mas bumabagabag sa kanya ay ang sinabi nitong sabay silang kakain ngayong hapunan. "Ito

