Biyernes ng alas sais na ng umaga nang nagising si Henziel sa isang malakas na katok. Humihikab siyang bumangon. Magulo ang buhok nito. Humihikab parin nang buksan niya ang pinto. “Miss, baka oras na para mag-balat ng boto?” bungad sa akin ni Davis. Ang aga namang mambuwesit ang isang 'to! “Ang aga pa para buwesitin mo ang umaga ko!” sabi ko saka isasara ko na sana ang pinto nang pinigilan niya ito. “Seryoso ako. Pagod ako at kailangan kong bumawi ng tulog.” humihikab kong sabi sa kan'ya. “S-Sige, uminom ka muna nitong gatas na dala ko.” sabi niya kaya tinanggap ko naman ito, at isasara ko na ulit ang pintuan nang muli na naman niya itong hinarangan. “Ano na naman!” inis kong sabi sa kan'ya. “Inumin mo sa harap ko.” sabi niya. “Seryoso?” “Oo” Kaya para tumigil na siya ay inin

