When I go down, nagulat ako kung sino ang nadatnan ko. Akala ko si Davis lang pero may dalawang panauhin pa pala. Palihim akong nakatingin sa ibaba ng hagdan, pamilyar ang mga mukha nila. Isang nasa med 40's na babae at isang nasa med 50's na lalaki. Naka-upo silang dalawa sa isang maliit na upuan namin sa sala. Kapwa kong naririnig ang mga boses nila kahit nasa hagdanan palang ako. Nakatingin ako sa ibaba habang nasa gano'n sila, biglang tumingala si Davis at ngumiti ito sa akin nang pagkalawak. What's that smile? Huminga ako ng malalim, saka humakbang na pababa ng hagdan. Kaagad akong sinalubong ni Davis ng isang mahigpit na yakap. Ngunit hindi lang 'yon nagtagal dahil pumunta sa gawi namin ang isang babeng nasa med 40's na ata. Tumabi naman sa gawi ko si Davis para bigyan ng daan a

