“Speaking of,” rinig kong sabi ni Charice nang dumating ako sa condo. Naabutan ko silang dalawa kapuwa nanonood ng movie sa sala habang nakapatay pa ang mga ilaw. Si Charah naman hindi niya pansin ang presensiya ko dahil abala siya sa panonood ng kung anong palabas man 'yon. “Hey,” pagod kong bati sa kan'ya saka umupo katabi nilang tatlo. Nasa gitna ako nina Charah at Charice kaya tinapik ko si Charah na ngayon ay gising na gising ang mga mata sa panonood ng palabas. “Yup?” sabi niya nang hindi ako tinitingnan. “Musta? Sinagot mo na ba?” “Oo,” “Anong sagot mo?” “Oo, pero hindi pa ngayon.” “What?!” gulat niyang tanong sa'kin saka ako tinitingnan na nang buo. “Oo, pero hindi pa ngayon.” “What?!” “Oo, pero hindi pa ngayon.” “What?!” “Oo pe---” “Putsa! Isa pa Henziel bibigwasa

