Wow, english! Mayaman siguro 'to? “Henziel! Who's that boy? Henziel answer me!” Kunot noo kong tiningnan ang matcho dancer. Nagtataka ako kung matcho dancer ba 'to o hindi dahil base sa pananalita nito ay parang galing sa mayaman na pamilya. Sa buong buhay ko ngayon lang ako naka-encounter na matcho dancer na englishero. “Henziel, answer the damn question!” “Wait lang!” sagot ko sa kan'ya saka binaba ang tawag niya. “Excuse me? Massage what?” taka kong tanong sa matcho dancer. “Ah, ano ho sabi ko paki tupi,” nauutal na sabi nito sa'kin saka lumayo na sa'kin. Nang tumayo ako ay siyang pagbukas ng pinto. Nagulantang kami lahat sa nangyari, pati mga matcho dancer ay nagsilinyahan sa gilid. Lumaki ang mga mata nina Charice at Charah, pati ako nagulat sa biglaang pagsugod ni Davis dito.

