bc

SINGLE MOM (BARKADA SERIES 3) [18+] Billy & Ilah

book_age18+
43
FOLLOW
1K
READ
another world
enimies to lovers
like
intro-logo
Blurb

"Mama! Mama!" tawag ng anim na taong gulang na bata sa kanyang Ina."Anak, dahan-dahan lang, baka madumihan ang damit mo. Hindi pa nagsisimula ang kasal ng Tita mo, madumi ka na. Ikaw pa naman ang ring bearer ng Tita Nica mo. Nakakahiya paglakad mo sa gitna, tapos madumi pala ang damit mo," saway ng kanyang Mama habang nagtatakbo ang bata, na may hawak pa na chocolate ice cream, at nakasuot ng puting damit."Mama? Bakit may anak ang isa sa mga maid of honor ni Nica? Akala ko ba kapag maid of honor, dapat dalaga?" mahinang wika ni Billy sa kanyang sarili habang pinagmamasdan niya ang mag-inang sina Baby Ivan at ang nanay ng bata na si Ilah.Nasa kasalan kasi sila kung saan ikakasal ang dalawang best friend ni Billy.Isa si Billy sa mga Best Man ng ikakasal. Hindi nga rin niya alam kung kaninong groom siya Best Man—kung sa kaibigan ba niyang si Gavin o kay Dennis—dahil sabay lang naman nagpakasal ang dalawa. Samantalang siya, NGANGA pa rin pagdating sa true love.Si Billy Tuazon ay isang successful businessman at isa sa mga may-ari ng sikat na bar sa iba't ibang lugar sa Pilipinas, maging sa Macau at Singapore, na tinatawag na GBD's Bar.Paano kung dahil sa inggit niyang makasal din tulad ng dalawa niyang best friend na sina Gavin at Dennis, ay mapunta siya sa babaeng tinatawag na SINGLE MOM? Matatanggap kaya ni Billy si Ilah sa kabila ng pagiging single mom niya?Halina’t alamin natin ang kwento ng binatang si Billy at ang single mom na si Ilah.

chap-preview
Free preview
CHAPTER-1
**Third Person** "Mama! Mama!" tawag ng anim na taong gulang na bata sa kanyang ina. "Anak, dahan-dahan lang, baka madumihan ang damit mo. Hindi pa nagsisimula ang kasal ng Tita mo, madumi ka na. Ikaw pa naman ang ring bearer ng Tita Nica mo. Nakakahiya paglakad mo sa gitna, tapos madumi pala ang damit mo," saway ng kanyang mama habang nagtatakbo ang bata na may hawak pang chocolate ice cream at nakasuot ng puting damit. "Mama? The heck. Bakit may anak ang isa sa mga maid of honor ni Nica? Akala ko ba kapag maid of honor, dapat dalaga?" mahinang wika ni Billy sa kanyang sarili habang pinagmamasdan ang mag-inang sina Baby Ivan at ang nanay ng bata na si Ilah. Nasa kasalan kasi sila kung saan ikakasal ang dalawang best friend ni Billy. Isa si Billy sa mga Best Man ng ikakasal. Hindi nga rin niya alam kung kaninong groom siya Best Man—kung sa kaibigan ba niyang si Gavin o kay Dennis. Dahil sabay lang naman nagpakasal ang dalawa. Samantalang siya, NGANGA pa rin pagdating sa true love. "Hey bro, nandito ka lang pala. Let's go at magsisimula na ang kasalan," ang pagsulpot ng kapatid ni Billy na si Jake ang pumukaw sa kanyang diwa habang nakatanaw pa rin siya sa mag-ina. Si Jake ay Best Man din sa kasal ng dalawa nilang kaibigan. "Okay, let's go," tipid na tugon niya at kasabay noon ay ang paghinga niya ng malalim. "Ang lalim noon bro," nakangising wika ni Jake habang sabay silang naglalakad ng nakatatanda niyang kapatid na si Billy. "Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako o malulungkot o maiinggit. Kung bakit naman kasi kailangan talaga sabay magpakasal ang dalawang 'yon. F*ck," walang kabuhay-buhay na tugon ni Billy na may kasamang mura. "Baka sign 'yan bro na dapat magpakasal ka na rin, baka mamaya maunahan pa kita," pang-aasar sa kanya ni Jake. "Shut up, Jake. Alam mo naman na lagi kong kasa-kasama ang dalawang 'yon. Tapos bigla-bigla hindi ko na alam kung kailan ko sila makakasama dahil may kanya-kanya na silang pamilya," seryosong wika ni Billy habang hindi mo mababasa sa mukha niya ang nararamdaman niya dahil sa halo-halong saya, lungkot, at inggit. He is happy dahil finally ang dalawang kaibigan niya ay natagpuan na ang mga babaeng karapat-dapat sa kanila. But he is also sad dahil alam niyang pagkatapos ng kasal ng dalawa ay hindi na gaya dati ang magiging bonding nila. He also feels envy dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin niya makita-kita ang babaeng para sa kanya. Well, Billy is a playboy pero ni isa sa mga babae niya ay wala pa siyang sineryoso. In short, libangan lang niya ang mga babaeng nakakasama niya. "Alam ko ang pakiramdam mo bro dahil sa atin dalawa, mas malapit ka kay bro Gavin and Dennis. Pero hindi ka naman nag-iisa. Look at me, till now wala pa rin girlfriend. And sila Dude gano'n din, puro mga single 'yon," natatawang sabi ni Jake na ang tinutukoy niyang mga Dude ay mga barkada ng napangasawa ni Gavin na si Ella. Mula kasi nang makilala nila ang barkada nito ay naging malapit na kaibigan din nila ang mga ito tulad nina Jay, Jass, Sam, at Gab. Pero syempre, iba pa rin ang samahan nilang tatlo nila Gavin at Dennis dahil bukod sa kasosyo niya ang dalawa sa lahat ng business niya, ay para na niyang kapatid ang dalawang 'yon. Pagdating ni Billy at Jake kung nasaan ang kasalan ay naabutan nilang nakapila na ang mga abay para sa pagpasok sa loob kung nasaan ang dalawang groom na sina Gavin at Dennis. Pumunta na rin siya sa pwesto niya dahil siya ang unang maglalakad papasok, kasunod naman niya sina Tan at Lawrence, mga pinsan ni Gavin, then si Jake, Jay, Gab, Sam, at Jass naman. Maya-maya pa ay napakunot-noo siya kung sino yung katapat niyang maglalakad papasok. Napabuga na lang si Billy ng hangin ng wala sa oras ng mapagtanto niya kung sino yung kapares niyang abay. "Sa dami-dami ng abay dito, sa may asawa at anak pa talaga ako ipinares," mahinang bulong ni Billy sa kanyang sarili habang inaayos niya ang kwelyo ng kanyang suot. "May sinasabi ka, sir?" biglang tanong sa kanya ng babaeng katapat niya. "Why, did you hear anything?" supladong sagot niya. "Kanina ka pa kasi bumubulong-bulong d'yan," sagot sa kanya ng babae sa malakas na boses kaya ang ibang mga abay ay napatingin sa kanila. "Can you shut up? Ang lakas ng boses mo. Hindi ako bingi," mariing bulong niya sa babae. "Hindi rin ako bingi at narinig ko ang binubulong-bulong mo d'yan," sagot naman sa kanya nito. "Shut up," muling saway niya sa babaeng ayaw magpatalo sa kanya. "Shut up ka rin d'yan," sagot muli nito sa kanya sa mataas pa rin na boses kaya wala na lang nagawa si Billy kundi ang manahimik dahil mukhang hindi siya mananalo sa babaeng kasagutan niya. Iniisip kasi ni Billy na kapag nakipagtalo siya sa babaeng 'yon, baka magkagulo lang at ayaw niyang mangyari 'yon sa kasal ng mga kaibigan niya. Huminga siya ng malalim at muli niyang inayos ang kwelyo ng kanyang suot habang pinipigil niya ang inis niya sa babaeng katapat niya. Maya-maya pa ay lumapit sa babae ang batang lalaki at tinawag siya nito ng mama. Napatingin ang babae sa gawi ni Billy na sakto rin na nasa kanila ang tingin ni Billy. Lumuhod pa ang babae sa bata para magtapat ang mukha nila. Inayos nito ang suot ng bata saka hinatid sa may unahan nila. Ang bata kasi ang ring bearer sa kasal at siya yung unang papasok bago si Billy at ang kapares niya. Umismid pa ang babae kay Billy nang bumalik ito sa kanyang pwesto. Maya-maya pa ay nagsimula na silang maglakad papasok. "Congrats mga bro," masayang wika ni Billy sa dalawa niyang kaibigan nang makalapit siya sa mga ito. "Thanks, bro," tugon sa kanya ni Gavin. "Ikaw na ang susunod bro," pabulong na sabi naman sa kanya ni Dennis. "Tsss," walang kabuhay-buhay niyang sambit dahil sa sinabi ni Dennis. Gano'n din ang ginawa ng iba pa nilang kaibigan. Isa-isa silang naglapitan sa dalawang groom para i-congrats.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

MAGDALENA (SPG)

read
31.0K
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.6K
bc

His Obsession

read
104.7K
bc

MAYOR DUX: My Brother Is My Lover

read
164.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

Daddy Granpa

read
282.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook