* * Billy's POV * *
"What a nice wedding. How I wish na sana ikaw na ang kasunod sa dalawang kaibigan mong nagpakasal, hijo," Dad said as we arrived at the mansion. Napabuga na lang ako ng hangin dahil sa tinuran niyang iyon, na puno ng pangarap at inaasahan mula sa akin.
Damn, Dad, pano ako susunod sa kasal nilang 'yon eh wala naman akong girlfriend? I whispered to myself imbes na sagutin siya. Alam ko na kapag sinagot ko siya, mauuwi lang kami sa pagtatalo tungkol sa kanilang pangarap na makita akong ikinasal. Sa bawat pagtitipon, parang lagi na lang siyang may ganitong komentaryo na nagiging dahilan para ma-stress ako. Kung bakit kasi hanggang ngayon hindi ko mahanap-hanap yang true love na sinasabi nila. F**k, muling bulong ko sa sarili ko.
Kakauwi lang namin galing sa kasal ni Gavin at Dennis. Ang mga seremonya ay puno ng saya at pagmamahalan dahil sa double wedding ng dalawa, at habang pinapanood ko kanina ng dalawang kaibigan ko, naiisip ko kung ako kaya kailan ko kaya mahahanap ang babaeng nararapat at karapat-dapat para sa akin? Hindi ko tuloy maiwasan na makaramdam ng inggit sa dalawang kaibigan ko. Dumiretso kami dito sa mansyon because Mom requested that Jake and I sleep here tonight. Jake and I have our own condo, and I usually stay there instead of at home.
"Come on, Dad. Are you serious? Pano magpapakasal yang si Billy eh wala ngang girlfriend yan?" natatawang sabat ng loko kong kapatid na si Jake. my annoying younger brother, Jake, teased with a laugh. I took off my tuxedo jacket and threw it at his face, but he caught it effortlessly while sitting on the long couch beside Dad.
Jake isn't just my younger brother—he's also my best friend, like Gavin and Dennis. We’re really close, so much so that when we talk, it’s like we’re just friends. Sa sobrang close nga namin ay kahit ano sinasabi namin sa isa't isa wala kaming lihiman lalo na pagdating sa mga babaeng palipas oras lang namin or mas maiging sabihin paraosan lang namin ng aming libog sa katawan.
"Pero, son, hindi ba’t panahon na para magka-girlfriend ka? Hindi ka bumabata, Billy, lalo na kami ng dad mo. Siyempre, gusto rin naman namin na makita agad ang magiging apo namin," turan naman ni Mom, kaya lalo akong na-stress sa pag-uusap namin na ito.
"Mom, hindi ko pa nakikita o nakikilala ang babaeng pasok sa standard ko, kaya please stop this topic. Don’t worry, once I find a woman that I like, I will marry her right away para magka-apo kayo ng isang dosena agad-agad," sagot ko, pamimilosopo sa kanila, na siya namang kinatawan ni Jake.
"Billy! Don't talk to us like that, lalo na ang mommy mo," saway sa akin ni Dad. Dinampot ko ang maliit na unan na nasa tabi at ibinato ko ito kay Jake nang tumawa siya ng mahina.
"Next time, Dad, wag lang ako ang ipush niyong magpakasal dahil hindi lang naman ako ang anak niyo. Si Jake is your son also, bakit hindi siya ang pilitin niyo? Baka sakali may girlfriend yan na pwede niyang pakasalan," turan ko kahit alam ko naman na wala ring girlfriend itong si Jake. Kung meron man siyang girlfriend, alam kong ako ang una niyang pagsasabihan.
"F**k, bro! Wala rin akong girlfriend kaya sorry, Mom and Dad, wala rin kayong mapapala muna sa akin as of now," Jake said, na kinangisi ko. Itinaas pa nito ang dalawang kamay niya na para bang sumusuko and to prove na nagsasabi siya ng totoo.
Dinampot ko ang jacket na ibinato ko kay Jake kanina at nagpasya akong magpaalam na sa kanila at magpapahinga na dahil eleven o’clock in the evening na rin. Para na rin makaiwas ako sa usaping nangyari between them, dahil sa totoo lang, ayokong pinag-uusapan ang ganitong usapan dahil nagdudulot lang ito ng inis sa akin.
I kissed my mom's cheeks. "Good night, Dad," sambit ko naman kay Dad. Narinig ko pa ang malalim na buntong hininga ni Dad bago ako naglakad palayo sa kanila.
"Yow, bro, wait," habol naman ni Jake nang magsimula akong humakbang sa malawak na stairs paakyat kung saan ang mga kwarto. Sumunod sa akin si Jake at inakbayan pa ako nito nang abutan niya ako. Siniko ko siya nang mahina nang tumawa siya.
"That's why ayokong umuwi dito sa mansyon nang walang dalang apo para kina Mom and Dad," biro ko habang patuloy kaming umaakyat ni Jake. Natawa ulit si Jake sa sinabi ko, halatang ini-imagine niya ang sitwasyon.
"Damn, bro," sabi niya habang natatawa. "Ano 'yon, para ka lang mag-go-grocery ng magiging apo para kina Mom and Dad? Seryoso ka ba?"
Napangiti ako at umiling. "Well, alam mo naman si Mom. Laging nagtatanong kung kailan Ako magpapakasal, kung kailan siya magkakaapo. Kung pwede nga lang ipabili sa tindahan, ginawa ko na."
"Baka pwede mo ipa-deliver sa kanila ang magiging apo nila from online shop," sabat ni Jake, tumawa ulit nang mas malakas. "Free shipping pa siguro 'yon!"
Napahinto ako sandali, tinitingnan siya. "Tingin mo, ganun lang kadali?" tanong ko, half-joking pero may konting seryosong tono sa boses ko.
Natawa si Jake pero bigla rin siyang tumigil at tumingin sa akin. "Eh, ikaw? Kailan mo nga ba balak kasi? Baka naman ikaw 'yung wala pang plano, kaya ka nai-stress."
Tumahimik ako saglit, nag-iisip. "Hindi ko alam, bro. Minsan naisip ko rin kung handa na ba ako o... baka wala pa akong tamang oras para diyan."
Jake gave me a reassuring pat on the shoulder. "Bro, hindi naman 'to race. Magiging handa ka din pagdating ng tamang panahon. Pero para malaman mo kung handa ka na, dapat makilala mo muna 'yung sinasabi mong 'pasado sa standard' mo."
Napakunot ang noo ko at napangiti nang bahagya. "Standard? Damn, that standard," sabi ko, half-joking pero halata ang curiosity ko sa sinabi niya. Jake laughed.
"Baka naman bro sobrang taas ng expectations mo," sagot ni Jake, medyo seryoso pero may ngiti pa rin. "Sa sobrang taas, wala nang makakapasok sa shortlist mo."
"Nako, bro, hindi naman siguro ganun ka-grabe," sagot ko, sabay tawa. "Gusto ko lang siguraduhin na 'yung makakasama ko for life, talagang worth it. Alam mo 'yan."
Jake shook his head, smiling. "Eh 'di paano magkakaapo si Mom and Dad kung hindi mo pa hinahanap 'yung worth it na 'yon?" Jake said.
"Buntisin mo na lang kaya, Jake, ang isa sa mga babae mo para naman matulungan mo ako sa problema kina Dad at Mom," biro ko habang tumatawa.
Jake burst out laughing, shaking his head. "Grabe ka, bro! No way. Pasa mo pa sa akin 'yung pressure. Akala ko ba ikaw 'yung may problema sa mga magulang natin?"
"Good night," tanging sagot ko na lang sa kanya nang tuluyan na kaming makaakyat.
Nasa tabi lang din ng kwarto ko ang kwarto ni Jake. Mabilis kong isinara ang pinto pagkapasok ko, at kasunod no'n, mahina kong narinig ang pagsara ng pinto sa kwarto ni Jake—tanda na pumasok na rin siya sa kanyang silid.
Napabuga na lang ako ng hangin nang mapag-isa ako. Agad-agad akong naghanda para maligo at makapagpahinga. Nakakapagod din ang buong araw na ito dahil sa kasiyahan sa kasal. Habang nasa tapat ako ng shower, biglang pumasok sa isip ko ang babaeng madaldal sa kasal ng dalawang kaibigan ko. Hindi ko alam kung bakit ko siya naisip bigla—siguro dahil sa kadaldalan niya at lakas ng boses kaya’t bigla siyang sumagi sa isip ko sa kalagitnaan ng pagsa-shower ko.
Napailing na lang ako nang maalala ang pagtatalo namin ng babaeng iyon kanina sa gitna ng kasal ng dalawang kaibigan ko. Ang lahat ay masaya at nagdiriwang, pero kami ng babaeng 'yon, palihim na nagsasagutan kami, well hindi ko rin masasabi na talagang palihim iyon dahil napatingin pa nga sa gawi namin ang ibang abay, tulad ni nila Dude, dahil sa lakas ng boses niya.