Kabanata 11
Apat na araw ko nang hindi nakikita o nakakusap si Zach. Nakaya niya 'yon? Pwes ako hindi! Halos mabaliw na ako kakaantay sa mga reply niya sa akin pati na rin ang pag-aantay ko sa kanya sa school.
Kaso kahit anino o tuldok 'man bilang reply niya, wala!
Kaya sakto at sabado ngayon! Pupunta ako sa kompanya ni Zach para makita siya kahit ayaw niya.
"I would like to talk to Mr. Zachariah Saldavia," Sabi ko sa babaeng receptionist ba 'to? Basta yung babae na nasa front desk na pagpapasok sa loob ng kompanya.
Tinignan niya muna at ngumiti siya bago nagsalita, "Do you have any appointment, Ma'am?"
Shit! Kailangan pa ng appointment para lang makausap si Zach?
"Uh... Wala kasi akong appointment sa kanya ngayon. Pero need ko siyang makausap."
"Sorry, Ma'am. Nasa rules po kasi namin na 'wag kaming mageentertain ng mga visitors kung walang appointment," She said.
Halos malaglag ang panga ko sa sinabi ng babaeng nasa front desk. What should I do? Umalis ako sa may front desk at nagpunta sa may gilid. Nag-iisip kung paano ko ba makakausap si Zach.
Napatingin ulit ako sa babaeng receptionist. Busy siya dahil may kinakausap siya na bisita. Inilibot ko ang paningin ko para makita kung nasaan ang elevator, hindi naman kalayuan mula sa akin.
Napangiti na naman ako dahil sa naisip ko. Tumingin muli ako sa front desk at busy parin yung babae. Kaya naman ay dahan-dahan akong naglakad papunta sa elevator.
Nag-sasaya ako ng makapasok na sa loob ng elevator. Ang problema na lang kung anong floor ang opisina ni Zach dito.
Ano bang floor ang pipindutin ko?
Habang nag-iisip kung anong floor ang dapat kung pindutin, natigil iyon ng may sumigaw.
"Miss! Hindi ka pwede diyan!!" Saad nung babaeng nasa front desk bago tumakbo papunta sa akin.
Dahil sa gulat at takot na maabutan pinindot ko na lang yung pinaka-mataas na floor.
Dali bilisan mo, magsarado ka na!!
Malapit ng makarating yung babaeng nasa front desk pero di pa tuluyan nasasarado ang pintuan ng elevator. Ang tagal! Bilisan mo na!
Nakahinga ako ng maluwag ng tuluyang masarado ang pintuan ng elevator. Dahil nahuli na nila ako, malamang nag-aantay sila sa akin sa 15th floor.
Kinakabahan na naman ako habang papalapit sa 15th floor. Paano kung nandoon sila? Sira ang plano dahil mas lalong hindi ko makakausap si Zach?
When the door finally opened... laking papasalamat at saya ko ng makita walang nag-aabang sa akin mula sa labas.
Masaya akong lumabas ng elevator. Kaso nawala ang mga ngiti ko sa labi ng bumukas din ang kabilang elevator at lumabas doon ang babaeng nasa front desk, at ilang mga guard. Wtf!
"Ayun siya!" Sabi nung babae.
Tumakbo ako sa kanang bahagi. Saan ako magtatago?
May nakita akong pintuan kaya naman doon muna ako didiretcho.
"Ma'am! Hindi po pwede ikaw diyan!!" Sigaw nung babaeng front desk.
Kaso nabuksan ko na. Mabuti na lang at hindi nakalock ang pintuan kaya nakapasok agad ako at inilock iyon.
Habol ang hininga ko habang nakasandal sa likod ng pintuan.
"Isla?"
May tumawag sa akin kaya naman agad akong napalingon doon.
Nakita ko si Zach na nakakunot ang noo at mukhang nagtataka sa nangyayari.
"Why are you here?" He asked at tumayo para lumapit sa akin. "Bakit pawis na pawis ka?"
"What happened?" He asked again.
Nang masiguro kong okay na ako ay lumapit ako sa kanya at niyakap siya.
"I miss you," I said.
Hindi naman siya nagpumiglas sa pagkakayakap ko dahil agad din naman akong bumitaw mula sa kanya.
"What are you doing here in my office?" Nakakunot ang kanyang noong nagtatanong.
Lumapit siya sa pintuan para buksan 'yon. Balak ko sanang sabihin na huwag kaso huli na ang lahat. Nabuksan na niya 'yon at bumungad sa kanya ang babaeng front desk.
I rolled my eyes ng napalingon sa akin yung babae.
"Good morning, Sir. Sorry to disturb you, si Ma'am po kasi..." itinuro ako nung babae.
"Trespassing po. Hindi ko po siya pinayagan pumasok dahil walang apppointment kaso makulit po kaya nakagawa ng paraan para daw makausap kayo." Saad nung babaeng front desk.
Ako makulit? Mas makulit siya! Kung hinayaan niya na lang sana ako na kausapin si Zach e'di hindi tayo pare-parehong napagod.
"Papalabasin na po sana namin siya kaya po hinabol namin." Dagdag nung babae.
"No need. Ako na ang bahala sa kanya," He said. "Go back to work." He seriously command to his employees bago isarado ang pintuan bago seryosong humarap sa akin.
"Go home."
Huh? Pagkatapos kong makipaghabulan sa mga guards papauwiin niya lang ako?
"Umuwi ka na." Ulit niya at naupo na sa swivel chair.
"Ano? Hindi mo 'man lang ba ako kakausapin? Like kakamustahin kung ano ang nangyari sa akin sa loob ng isang linggo?" I aksed kaso hindi niya ako pinansin.
"Ano? Hindi kita nakita ng halos isang linggo tapos ngayon na nageffort ako para lang makita ka, hindi mo pa rin ako kakausapin o papansinin?" Reklamo ko dito ngunit parang walang epekto sa kanya.
"Wtf, Zach! I know that you know that I like you, right?" I asked him. Pero parang wala siyang naririnig.
"Hey! Look at me!" Sa inis ko ay tumayo na ako para lumapit kung nasaan siya. Busy siya magbasa ng kung ano 'man ang binabasa niya.
Hinablot ko iyon sa kanya at inilagay sa isang tabi.
"Finally! Tumingin ka rin," Saad ko.
"Ano? Titignan mo na lang ako? Baka malusaw ako niyan," Pilyang saad ko.
"Hindi ka ba talaga magsasalita?" Medyo naiinis na tanong ko.
"Kaya ba hindi mo ako pinapansin dahil may nangyari ulit sa atin? Big deal ba sa'yo 'yon?"
"Umuwi ka na. Marami pa akong dapat gawin. Nakakaistorbo ka," saad niya bago kinuha ang mga papel na inagaw ko rito at iyon ang pinagtuonan ng pansin.
"Argh! Nakakainis ka! Alam mo ba 'yon? Bakit ang big deal sa'yo no'n?" Sabi ko at bahagya siyang pinalo sa balikat.
He looked at me with a serious face. Ano? Akala mo matatakot mo ako sa mga ganyan? Sorry, but, no.
Imbis na matakot ay tinaasan ko pa siya ng kilay at pinakrus ang aking mga braso sa may dibdib.
Hinarap niya ako ng seryoso parin ang mukha niya. What now?
"For pete's sake, Isla! I have so many things to do. So please... just leave my office." He said it with his serious face.
"Bakit ba pinapalayas mo na ako?"
He did not answer my question. Ano bang bago? He is always like that to me. Ang cold niya talaga.
"Alam mo... it is my first time to like someone. Never akong na-attach sa mga lalaki na manliligaw ko..." I told him.
"Ang hirap palang mabalewala yung nararamdaman ko para sa'yo... I told you that I like you, right?" Medyo natawa pa ako sa tanong ko.
"And I know... kahit hindi mo sabihin na hindi mo ako gusto, nararamdaman ko naman. Akala ko nung inaya mo ako bilang pansamantala mong secretary, magkakaroon na ng closure para sa atin. Kaso dahil nga may nangyari na naman sa atin, naging cold ka na naman sa akin." Mahabang paliwanag ko.
Ang sakit ng nararamdaman ko. Ang hirap naman pala kapag 'di ka gusto ng gusto mo.
"Isla... It's not abou—" I cut him.
"Don't explain yourself. Alam ko naman ang sasabihin mo."
"Let's go back to being strangers," I told him as his forehead creased.
Okay ba yung drama ko? Ilang araw ko rin 'yan pinagpractisan.
Para mas effective kunwari aalis na ako ng office niya.
"Goodbye, Mr. Zach..." Malungkot na sabi ko. Tumalikod na ako at hahakbang na sana ng pigilan niya ako.
Tila nagdiwang naman ang aking puso dahil doon. Effective pala talaga!
"Bakit?" Medyo malungkot na tanong ko pero kunwari lang iyon.
"Ihahatid na kita palabas..."
"H-huh?"
"Let's go."
Hindi na ako nakareact pa ng hinatak na niya ako palabas ng meeting.
"Do I have a client to meet now?" Zach asked his secretary.
"Wala po, Sir," saad ng kanyang secretary.
"Okay. I will go down for a while." Sabi ni Zach sa secretary niya bago niya ako dinala sa elevator. Pinindot niya ang ground floor.
"Kung papaalisin mo lang rin naman pala ako, kaya ko na mag-isa. Hindi mo na ako kailangan pang ihatid." Sabi ko. Hindi na yan acting. Totoo na 'yong sinasabi ko.
Tinignan ko siya. Seryoso lang siya nag-aantay na makababa ang elevator sa ground floor habang ang dalawang kamay ay nasa loob ng bulsa ng suot niyang pants.
Ngayon ko lang rin siya natignan ng maayos. Medyo may pagkamaitim ang ilalim ng kanyang mata. Eyebags ba yun? Bakit? Hindi ba siya natutulog dahil sa dami ng gawain? Medyo halata rin ang kanyang bigote at balbas kapag tinignan mo pa siya ng mabuti.
"Tell me... are you okay?" Wala sa sarili kong tanong.
Hindi niya sinagot ang tanong ko. Tinignan niya lang ako.
Tumunog ang elevator, hudyat na nasa tamang palapag na kami. Pareho kaming lumabas ng elevator at sumalubong sa akin yung babaeng nasa front desk.
"Good Morning po, Sir." Saad ng mga taong nagtatrabaho doon.
Tinignan ko ng masama iyong babaeng front desk. Pasalamat ka masyado akong mabait para paalisin ka dito.
"May sasakyan ka ba pauwi?" Zach asked out of the blue.
"Uh... Nandiyan yung driver namin. Nag-paantay na lang ako sa kanya." Tumango naman siya.
"Go home now..." Saad niya.
Bakit parang may kakaiba?
"May problema ba?" Tanong ko. Hinarap ko siya at hinawakan ang pareho niyang kamay.
"Tell me... may problema ba? Sobra bang nakakastress ang pagiging president at CEO ng isang companya?" Tanong ko pero hindi niya ako sinagot.
Hindi na niya iyon nasagot dahil dumating na yung driver namin.
"Sumakay ka na." Sabi niya. Pinagbuksan niya ako ng pintuan sa passenger seat.
Sumakay naman ako at hinarap siyang muli. Halatang may problema siya pero ayaw niyang sabihin.
Ako na sana ang magsasarado ng pintuan kaso pinigilan niya ako.
"Can you wait for me, Isla?"
Tanong niya na ipinagtaka ko. Anong klaseng tanong naman 'yon?
Imbis na magtanong ay tumango na lamang ako. At doon, imbis na ako na ang magsara ng pintuan ay siya na ang gumawa no'n.
♡
07-08-23