bc

Because He's Dela Vega (Dela Vega Series #1)

book_age18+
145
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
pregnant
manipulative
submissive
bxg
serious
others
crime
addiction
like
intro-logo
Blurb

Ordinary girl with ordinary life.

Paulit-ulit ang nangyayare sa bawat araw na minsan ay nakasanayan ko na.

Ni minsan hindi sumagi sa isip ko ang mala-fairy tale na buhay.

Hanggang sa dumating sya.

Ang extraordinary guy with extraordinary life ay dumating sa ordinaryong buhay ko.

Makakatulong ba sya? O lalong mas magpapabigat sa buhay ko.

In return to this fairytale life, I should follow him. His order. Because he's Dela Vega. At ang pagiging Dela Vega ay parang isang rule na kaylangang sundin at galangin.

It's hard.

It's hard once the Dela Vega point his eyes on you. It's hard once the Dela Vega choose you.

It's really hard once the Dela Vega start to love you.

Dela Vega series is a story of every member of their family 

Dela Vega series #1: Shanella & Hunter

Shanella Vida Rada

Hunter Dela Vega

-T R I M M A J I N-

chap-preview
Free preview
Chapter 1: Intro
Shanella Vida Rada "Vida! Phone mo nag-vibrate!" sigaw ng co-worker ko dito sa bar na pinagtatrabahuhan ko. Malinis ang trabaho ko dito bilang waiter. Actually dalawa ang trabaho ko, sa umaga waiter ako sa CosaRida restaurant tas papasok ako sa hapon sa school tas sa gabi naman eto, waiter ako sa bar. Isa ito sa normal kong ginagawa bilang isang studyante. Working student. Kaylangan kong magtrabaho para makapagpadala ako sa pamilya ko sa probinsya. Sa Queencess Teresa. Para rin pambayad ko sa nirerentahan kong apartment. Andami kong pinag-gagastusan ng pera. Ibinaba ko muna yung tray na hawak ko tsaka ko kinuha yung phone ko sa bulsa ng bag ko. Text message... Agad ko namang binuksan yon. From: Ms. Carmen 'Vida, umuwi kana dito ngayon din at kunin mo na ang gamit mo. May bago nang titira sa apartment mo. Hindi kana nakakapagbayad. Dalian mo at nandito na ang bagong may-ari' Hindi ko namalayang ambilis ko na pa lang kumilos para makapag-ayos. "Uy san ka pupunta? Hindi ka pa tapos sa trabaho mo" sabi ni Ruby na isa sa mga kaibigan ko dito. "Vida okay ka lang? Mukha kang natataranta" bakas naman sa mukha ni Kalix na bartender namin na nag-aalala sya pero di ko yon inintindi. "Ano kasi... pwede bang kayo na munang bahalang magpaliwanag neto kay boss? Pinapalayas na kasi ako sa apartment ko ih" paliwanag ko habang inaayos ang mga gamit ko. "Ano?! Eh san ka nyan tutuloy?! Hatid na kaya kita" napatingin ako kay Kalix. "Pwede ba Kalix? Wag mo kong simulan. Gaya nang sabi ko sayo, hindi ko kaylangan ng lalaking mahirap gaya mo. Kaya pwede ba, tigilan mo yang nakakairitang tingin mo sakin." sabi ko sakanya sabay alis. Napaka prangka kong tao. Sa buhay kong to, kahit sino nanaisin na umangat lalo na sa madaling paraan. Pagod na kong magtrabaho pero kaylangan. Kaya kahit ano man ang sabihin ng iba wala na kong pake. Hindi ko kaylangan ng lalakeng kagaya ko na mahirap. Kaylangan ko yung taong matutulungan akong maiahon ang pamilya ko sa hirap. Gusto ko sa lalakeng maipaparanas sakin kung anong pakiramdam ng may magandang buhay. Aanhin ko yung love na yan kung yung pamilya ko naghihirap na sa gutom at ako na nagkakanda kuba na sa kakatrabaho. Huli na nang mapagtanto kong nasa harap na ko nang apartment ko. "Oh buti dumating ka na, ilabas mo na yung mga gamit mo at kanina pa naghihintay yung bagong may-ari nang apartment" nakapameywang na sabi ni Ms. Carmen Agad namang may bultong lumabas galing sa loob ng apartment ko. Lalake Yun lang? Ewan, hindi ko naman ma-check kung gwapo dahil wala rin akong pake. "Sya na po ba yon?" sabi nung lalake sa malalim na boses. "A-ah oo. Pero wag kang mag-alala iho, paalis na rin yan si Vida, diba?" napatingin ako kay Ms. Carmen staka nya ko tinaasan ng kilay Nataranta naman ako sa sinabi nya pero agad akong napangisi sa naisip kong paraan. "Oh my God! Babe! Buti nakadating ka!" sabi ko sabay lapit ko sa lalake staka ko ikinawit yung kamay ko sa braso nya. "Sorry to say Ms.Carmen, but this guy is my boyfriend kaya... kaya dito pa din ako titira at this time kasama ko na tong napaka gwapo kong boyfriend!" sabay pisil ko sa pisngi nya. Natulala naman si Ms.Carmen sa sinabi ko. "Ahmm bukas na po tayo mag-usap, na miss ko po kasi tong boyfriend ko kaya pasok na po kami ha?" hindi ko na inantay na sumagot sya tsaka ko inatak yung lalake papasok ng apartment ko. Pagpasok na pagpasok ay agad kong binitawan yung lalake staka ko ni-lock yung pinto. Pagka-lock ko nung pinto ay agad kong hinarap yung lalake. "S-sorry... a-ano kasi.. Wala talaga akong matitirhan ngayon, babayaran naman kita" tinignan ko sya sa mata pero agad din akong napayuko nang makita kong seryoso syang nakatingin sakin "Pag nagka pera na ko" "Who the hell are you?" seryosong tanong nya. "H-ha? H-hindi mo ba narinig?! Ako yung may-ari nang apartment na to!" pero masama nya naman akong tinignan kaya napakamot ako sa batok ko "I-I mean dating may-ari nang apartment na to. Bigyan mo lang ako nang 3 months! Promise! Hahanap ako nang mas murang malilipatan" Napalunok ako nang tinignan nya ko na parang sinusuri ang pagkatao ko. "A-ano ba?! Tsk! Wag kang mag-alala! Hindi kita type! Ayoko sa mahirap" pangunguna ko sa kanya. "Mahirap? Ako? Mahirap?" sabay turo nya sa sarili nya kaya napataas kilay naman ako. "Obvious ba? Kung di ka mahirap bakit etong mumurahing apartment ang nirentahan mo?!" sigaw ko sa kanya. "M-mumurahin? Nirentahan?" tanong nya ulit "Ano ba?! Ilang oras mo balak ulitin ang mga sinasabi ko ha?!" sigaw ko sa kanya. "Tsk, I'm not here for the stupid thoughts of yours. Para sabihin ko sayo, nandito ako para kunin ang brother ko----" "Anong pake ko?! Hoy lalake! Wag mo kong ini-english-english jan! Benta na sakin yan! Tsk! Tabi nga jan! Matutulog na ko!" sabay lakad ko staka ko binangga ang balikat nya. "San ka pupunta?" naka kunot noong tanong nya. "Obvious ba?! Malamang sa kwarto ko" Napataas kilay naman sya. "Kwarto mo? Di naman ako nasabihan na nalipat na agad sa pangalan mo ang apartment na to" seryosong sabi nya. "So? Anong gusto mong iparating ha?! Patutulugin mo ko sa sofa na to?! Ganon ba?!" sigaw ko sa kanya. "Why not?" sabay ngisi nya. "Hoy lalake! Kahit mahirap ka, dapat matuto ka paring maging gentleman sa mga babae!" sigaw ko padin sa kanya. "Tsk! You're not worth it for that kind of treatment" sabi nya sabay talikod at pasok sa kwarto. Napaupo ako sa sofa. Ako? Hindi worth it? Pero... ang sabi ni tatay, lahat ng babae, walang excepted. Lahat ginagalang. Ang lahat ng lalake dapat lang maging gentleman sa kahit sinong babae. Hindi ba ko kabilang don? Bakit? Dahil ba mukha akong pera? Dahil ba out of this world na yung mga pangarap ko? Dahil ba masyado akong masama at pranka sa mga mahihirap na lalake? O dahil hindi lang talaga ako worth it? Wait lang...bat ko ba iniisip yung sinabi nang bwiset na lalakeng yon? Hindi ko naman ikayayaman yung pag iisip don. Napabuga ako sa hangin. Atleast naka lusot ako kay Ms. Carmen ngayon. May matitirhan pa ko! Kahit kelan, uto-uto talaga yon! Hehehe

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Ballerina's Downfall

read
81.6K
bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.6K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.3K
bc

His Obsession

read
104.4K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.5K
bc

The naive Secretary

read
69.8K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.2K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook