Shanella Vida Rada
"Waaaah!" Huwaaah! Yung likod ko!
Ilang beses na kong nagising dahil ilang beses na rin akong nalalaglag sa sofa. Huhuhu ansakit na nang buong katawan ko!
Nanlaki ang mata ko nang makita kong maliwanag na sa labas ng bintana.
Sh*t! Umaga na?!
Hindi ko manlang naramdaman yung panaginip!
Nanghihina akong tumayo. Putspa!
"Gising ka na pala" masama kong tinignan yung lalake pero agad ko ring binawe ang mga tingin ko.
Sh*t! Topless
Ghad tih 6 packs!
Padabog akong tumayo habang nakatalikod sa kanya.
"Tangina pwede bang magbihis ka?! Kitang may babae kang kasama ih!" iritang sabi ko sa kanya.
Sayang, ganda na nang view ih.
"Ako pa mag a-adjust para sayo?" seryoso pa ring sabi nya.
"Tss... Edi ako na! Ako na ang laging pipikit para sayo!" sigaw ko sabay dabog papunta sa kwarto.
Pinilit ko talagang hindi makatingin sa kanya pero napalunok na lang ako nang maramdaman ko ang palad nya sa braso ko.
Shete bagong ligo!
"Bat ka pa pipikit?" nanlaki ang mata ko nang inilapit nya ang labi nya sa tenga ko. Putspa nakakaramdam ako nang kiliti dahil sa hininga nya "Kung pwede mo namang titigan" napalunok ako nang maramdaman ko ang pagdila nya sa gilid ng tenga ko.
Sa taranta ko ay agad ko syang naitulak.
"You jerk! Hayop ka!" galit na sabi ko.
Shemsss. Nanginginig yung tuhod ko!
Lalo akong nanlambot ng titigan nya ko nang seryoso.
What's wrong with him?!
"Why? Ako pa mag a-adjust? Gusto kong maging ganito sayo sa loob ng three months at kung hindi mo matiis ang pag uugali ko sayo, pwede ka nang umalis ng mas maaga pa sa three months." napalunok ako sa seryoso nang pagkakasabi nya.
"Ang yabang mo" bulong ko sapat na para marinig nya.
"Atleast may ipagyayabang. We don't know, baka isang araw hindi natin namamalayan nahuhulog ka na pala sakin. Ow well, I can't catch you. Masyado akong mataas para saluhin ka"
Kumabog ang dibdib ko sa sinabi nya, lahat ng mangha ko sa kanya napalitan lang ng galit at inis.
Anong karapatan nya para maliitin ako?
Nginisian ko sya. Kung may susuko dito, hindi ako yon. At sisiguraduhin kong sya... sya yung susuko saming dalawa.
"Ow well, maybe you're right. We really don't know what will happen next. Maybe tomorrow o kaya sa susunod na araw, pwede ring sa susunod na linggo. O baka naman" dahan-dahan akong lumapit sa kanya. Pinilit kong itago ang kabang nararamdaman ko. Tinitigan ko sya sa mata. Tsaka ko pinaglandas ng dahan-dahan ang mga daliri ko sa mukha nya na para bang nang aakit ako. Napangiti ako nang mapalunok sya. "Hindi natin namamalayan na ikaw na pala ang nahuhulog sating dalawa ngayon." mapang akit kong sabi.
Nanlaki ang mata ko nang maramdaman ko ang pagpulupot ng braso nya sa bewang ko.
At napalunok ako nang hapitin nya ko papunta sa kanya dahilan para magdikit ang mga katawan namin.
Tangina.
"Siguro nga... pero wa-warningan lang kita ha. Mahihirapan kang saluhin pag ako ang nahulog sayo. Dahil kahit ayaw mo, wala kang magagawa" nanigas ako sa kinatatayuan ko nang maramdaman ko ang pagdampi nang labi nya sa labi ko. Masyadong mabilis ang pangyayare, hanggang sa namalayan kong sumasabay na pala ako sa paghalik sa kanya. Para syang uhaw na uhaw sa mga labi ko. Hanggang sa naitulak ko sya nang mahina.
"Uhmm..." shete parang mauubusan ako nang hininga.
"Cause I tell you, lahat ng gusto ko... nakukuha ko. At... isa ka na don" tsaka nya ulit idinampi ang labi nya sakin.
Naramdaman ko rin ang paglikot ng kamay nya sa katawan ko. Hanggang sa naramdaman ko ang pader sa likod.
Unti-unting bumaba ang halik nya sa leeg ko at para akong malalasing sa paraan ng paghalik nya.
"Ahh..." Shemsss... nakakaadik!
"Akin ka na. You're mine." agad akong natauhan nang marinig ko ang sinabi nya kaya dali-dali ko syang itinulak sabay takbo ko papasok ng kwarto.
Agad ko yong ni-lock staka ako napasalampak sa lapag.
Ghad, anong ginawa ko?!
F*ck you Shanelle Vida Rada! Ano tong kagagahang ginawa mo?!
Napahawak ako sa dibdib ko.
Shemss! Ang lakas pa din ng t***k ng puso ko.
F*ck you Vida! Pagsisisihan mo to!
Nang maka move on ako nang kahit papano ay dali-dali akong pumasok sa cr para makaligo at makapunta sa CosaRida.
Matapos kong maligo ay nag ayos lang ako nang mukha ko nang kaunti, shete wala talaga akong gana!
Hindi ko makalimutan yung ginawa nang lalakeng yon sakin!
Pero ginusto mo naman yon Vida diba?!
Oo! Pero tangina maling mali talaga ih!
Umiling-iling ako.
Hindi! Kahit sya pa ang pinakamayamang tao sa buong mundo, hinding hindi ako mahuhulog sa kanya! Hindi ko sya papatulan! Hinding-hindi!
Eh ano kung mayaman sya?!
Hehehe... siguro naman may kapatid sya?
Agad kong binatukan ang sarili ko.
Ah basta! Kahit gano pa sya kayaman, hinding hindi ko sya papatulan.
At last na yon! Last na yung nangyare samin kanina, hindi na mauulit. Hinding hindi na!
Nang matapos akong mag ayos ay dahan-dahan akong lumabas para silipin kung anong ginagawa nya.
Nakahinga ako nang maluwag nang hindi sya makita nang dalawang mata ko sa sofa. Hmm baka nasa kusina.
Dahan-dahan akong naglakad para silipin sya sa kusina pero wala din.
Ow, baka umalis. Aytss! Ano bang pake ko?!
Agad akong pumunta sa kusina para sana magluto pero napakunot noo ako nang mapansin ko ang mga pagkain sa mesa.
Putspa ang bango! Nakakagutom.
Nagdadalawang isip ako kung kukuha ba ko pero naagaw ng atensyon ko ang kapirasong papel.
'Eat well baby, at ipapaalala ko lang sayo. Akin ka. Akin ka lang.'
-HDV
Napaubo ako sa nakasulat.
Tangina anong tingin nya sakin?!
Kakainin ko to hindi dahil gusto ko sya o kaya naman gusto kong nag effort sya!
Kakainin ko to dahil gutom ako! Gutom na gutom!
◇°◇°◇
Muntik na kong mapatalon sa gulat ng mag ring yung phone ko.
Pinatay ko muna yung gripo matapos kong maghugas tsaka ko kinuha yung phone ko sa bulsa nang pantalon ko.
Ruby's calling...
Agad ko namang sinagot ang tawag
"Oh? Wait lang papunta na ko"
(Dalian mo, may bagong waiter, dalawang babae. Maganda. Tas magta-trabaho din silang waiter sa bar mamayang gabi. Makakatrabaho natin sila dito sa CosaRida tsaka sa bar mamaya. Dalian mo, close ko na sila. Papakilala kita)
"Oo sige, wait sakay na ko"
Actually, ang may-ari nang CosaRida at bar na pinagtatrabahuhan namin ay iisa.
Kaya nung nakapasok kami ni Ruby sa CosaRida ay pinilit din kaming ipasok ng assistant ng may ari sa bar.
Buti na nga lang mabait yung may ari. Although sabi nang iba nakakatakot daw sya pero okay naman daw pagdating sa mga trabahador nya.
Gwapo pa at kilala sa business industry.
Lalong sumikat ang pangalan ni Sir. Si sir Ervin Esquivel simula nang malaman ng lahat na close sya sa tatlong kilalang makapangyarihang pamilya. Ang mga Da Villa, Esteves at Dela Vega.
Kilala din kasing matagal nang magto-tropa sila Sir Ervin at ang mga tagapagmana nang tatlong pamilya.