Chapter 3

1558 Words
Shanelle Vida Rada "Hoy gaga! Bat ngayon ka lang?" tanong sakin ni Ruby. Pumunta muna sa kwarto ng mga staff para makapagpalit. Dali-dali namang sumunod sakin si Ruby "Alam mo na, inaasikaso ko pa yung tinutuluyan ko" nakabusangot na sabi ko. "Oo nga pala, oh kamusta?" bakas naman ang pag aalala sa mukha nya. "Okay naman kahit papano pero---" "Hala wait lang nakalimutan ko, ipapakilala pala kita sa mga bagong waitress" saktong pagkabihis ko ay agad nya kong inatak sa labas. Doon naabutan naming nag aasikaso ang isang babae. Sarado pa naman kasi kami at nag aasikaso pa lang para makapagready sa pagbubukas. Napatingin ako don sa babae na nililinis ng maigi yung mga table. Hala ka, ang kinis at ang ganda nya. Halatang sa pangmayamang pamilya galing. "Trimma! Halika!" agad naman syang lumingon sa direksyon namin staka sya ngumiti at patakbong lumapit samin. Ngiti pa lang nya alam mong mabait na ih. Bihira na lang yon, yung magandang mabait tas dagdagan mo pa na mayaman. "Trimma, si Shanelle Vida Rada, Vida in short, kaibigan ko." ngumiti naman sakin yung babae, tsaka bumaling sakin si Ruby "Vida si Trimma Lopez, Trimma in short, bago nating katrabaho" Agad nya namang inilahad ang kamay nya sakin. "Nice to meet you, ang ganda mo" nakangiting sabi nya dahilan para mapangiti din ako. "Nice to meet you din. Sana mag enjoy ka dito" masayang sabi ko naman. "Teka lang nasan si Cheya?" tanong naman ni Ruby. "Ahh yun na nga ih, kanina pa nandon sa loob ng office ng may ari. Ewan, baka close sila" sagot naman ni Trimma. "Are you sure okay ka lang dito?" napalingon kami sa nagsalita. Ow si sir Ervin. Akala ko ba bihira lang syang bumisita dito? Nanlaki ang mata namin ni Ruby ng ngumiti si Sir Ervin. As in seriously? Ang isang Ervin Esquivel ngingiti? "Oo nga po" sagot nung babaeng kausap nya. "I told you, tumatanda ako pag pino 'po' mo ko. Come on Cheya five freaking years lang ang age gap natin." "Okay fine. Basta okay na ko dito. And please make sure na walang makakaalam na sayo ako nagtatrabaho ha" "Yah yah" at halos mapaubo ako nang itap ni Sir Ervin ang buhok nung babae. Putspa nakakapanibago! Pagka alis ni Sir ay syang paglapit ni Trimma dun sa babae kasabay ng pag atak sakin ni Ruby papunta sa kanila. "Ow shocks Cheya! Close kayo ni Sir? Kaya pala kanina sabi nya sakin ako nang bahala sayo. Bantayan daw kita. Yan haaa! May something ba sainyo ni Sir?" napakurot ako sa kamay nyang naka hawak sakin dahil sa walang preno nyang pagsasalita. Napakamot naman sa batok yung babae. "Uhmm no... close kami pero kuya lang talaga ang turing ko sa kanya" nahihiyang sabi nya. Napatitig ako sa kanya. Okay. Kung sinabi kong gandang ganda ako kay Trimma kanina. Well mas gandang ganda ako ngayon dito sa babae. Para bang iningatan sya nang pamilya dahil sa ganda ng kutis. Parang ni isang lamok mahihiyang dumapo sa kanya ih. Tapos pang model pa ang hubog ng katawan. Lalo na yung inosente at maamo nyang mukha. Shemss pamatay. Ang ganda! Yun nga lang, mabait ba? "Weh? Osigi sabi mo ih, kunware na lang naniniwala kami. Oh sya Cheya meet my friend Shanelle Vida Rada, Vida in short" nginitian nya naman ako kaya napangiti din ako sa kanya, nakakahawa ih. "And Vida meet our new co-worker Cheya Santia" Nanlaki ang mata ko sa sinabi ni Ruby. "S-santia?" Nag tataka naman syang tumango sakin. "B-bakit?" kinakabahang tanong naman nya sakin. "T-taga san ka?" kinakabahang tanong ko sa kanya. "Ahh... uhmm taga Queencess Teresa---" "Omyghad!" napatakip ako sa bibig ko. "Huy bakit?!" takang tanong naman sakin ni Ruby. Napatitig ako kay Cheya, walang pagdududa. Isa nga syang Santia. Taga Queencess Teresa din ako pero tago ang lugar namin don dahil mayayaman lang ang nakakapasok sa gitna nang Queencess Teresa, pero kahit na ganon ay alaga pa rin ang lupain namin ng mga Da Villa, Dela Vega at Esteves. Napakaganda pa rin ng lupain namin na pinalilibutan ng mga malulusog na halaman at puno. May mga magaganda ding falls. Pero hindi naman maipagkakaila saming mahihirap na gustuhing makaapak manlang sa lupain ng mga mayayaman ng Queencess Teresa. Nakakalungkot dahil pwedeng bumisita ang mga mayayaman at maykaya sa lupain namin para pagmasdan ang magandang tanawin pero kami ay nahihirapang makatungtong manlang sa teritoryo nila. Nabalik ang tingin ko kay Cheya. Kilala ang pamilyang Santia na close sa tatlong pinaka makapangyarihang pamilya sa mundo. Ang mga Da Villa, Dela Vega at Estevez. Nababalitaan din sa lugar namin na sobrang close ni Cheya sa kambal na bunsong anak ng mga Dela Vega, si Natasha Dele Vega. Kaya simula non pati ang mga Santia ay iginalang na din at tiningala ng mga kabaryo ko. At ngayon kaharap ko na ang nag iisang anak na babae ng mga Santia. Ang bestfriend ni Natasha Dela Vega. Sh*t para syang artista sa paningin ko. Napangiti ako nang malapad. "Ah wala naman... kilala ka sa lugar namin. Kaya medyo na gulat lang ako" kinakabahang sabi ko. "Talaga? Ow, so taga Queencess Teresa ka din?" agad naman akong tumango tango. "Hala talaga?! Ow so magkakalugar pala tayo!" masayang sabi naman ni Trimma. "A-ah hindi naman, medyo malayo din kasi yung lugar ko sa inyo. Dun sa malayong baryo ako. Malayo yun sa inyo" nahihiyang sabi ko. "Ano ka ba! At least mamamayan ka nang Queencess Teresa." masayang sabi pa rin ni Trimma. Napatingin ako kay Cheya, ghad! Hindi ko talaga maalis ang tingin ko sa kanya. Shemss! Ipagmamalaki ko to sa baryo ko! Ang isang Cheya Santia ay naging ka close ko at nakatrabaho ko pa! "Oh edi ako na ang hindi ka baryo" napatawa naman kami dahil sa sinabi ni Ruby. "Hala okay lang yon! Ganito na lang, pag day off natin bibisita tayo sa Queencess Teresa. Sakto! Maganda ang lupain na pagmamay ari ng mga Da Villa don. Ibibisita ko kayo sa tatlong kilalang mansyon don. Atsaka tingin ko naman makakasundo nyo yung mga kaibigan ko don. Ow wait! Kilala nyo si Natasha?" excited na sabi ni Cheya. At halos himatayin ako sa sinabi nya. What the heck?! Ipapasyal nya kami sa mansion ng tatlong kilalang pamilya?! Sa lupain ng mga Da Villa?! Ow hell! "Sh*t. Natasha Dela Vega?! As in yung Dela Vega talaga?!" di makapaniwalang tanong ni Ruby. Hindi lang naman kasi sa Queencess Teresa sikat at kilalang makapangyarihan ang tatlong pamilyang yan. Dahil pati sa buong mundo tinitingala at hinahangaan sila plus na rin na kinatatakutan din silang kalabanin. Ow well dapat lang na katakutan ang tatlong pamilyang yan. Dahil alam ng lahat na wala talaga silang sinasanto. Pag gusto nila, makukuha nila. "Si Natasha na kakambal ni Kalix Dela Vega?!" excite naman na sabi ni Trimma. Isa pa yon. Si Kalix Dela Vega. Malalapit na tao lang sa pamilya nila ang nakakita na sa mukha ni Kalix Dela Vega. Siguro ang mga mayayaman sa Queencess Teresa ay kilala ang totoong mukha ni Kalix Dela Vega pero hindi sa public. Napakalakwatsya ni Kalix, matigas daw ang ulo at ayaw ng responsibilidad ng pagiging Dela Vega. Kaya kung san sang lupalop ng mundo nagtatago. Siguro dahil isa pa rin syang Dela Vega kaya hula nang lahat na may itsura sya. Yung may ipagyayabang ba. Kaya nga kahit hindi sya kilala sa mukha, marami pa rin syang tagahanga. "Yup! Sure ako magiging close nyo yung babaeng yon" masayang sabi ni Cheya. Na excite naman ako sa sinabi nya. Shocks! Dream come true! "Omygosh! Si future sister in law makikilala ko na!" excited na sabi ni Trimma. Napangiti naman ako sa inasal nya. "Fan ka ni Kalix Dela Vega no?" asar sa kanya ni Ruby. "What the hell no way! Ah basta! Puputulan ko sya nang ano! Pag pinagtabuyan nya ko!" nakasimangot na sabi ni Trimma dahilan para mapakunot noo ako. "Omyghad! Nakita mo na in face to face si Kalix Dela Vega?!" di makapaniwalang tanong ni Ruby. Kahit naman ako nagulat. Hell! Napaka swerte naman namin sa mga bago naming katrabaho at kaibigan kung ganon. Napatingin ako kay Cheya, nakunot noo ako nang makita ko syang ngumingisi kay Trimma. "Duh! Hindi lang nakita! Nakama ko pa!" pagmamayabang na sabi ni Trimma dahilan para mapaubo kami ni Ruby. Shete! Piling ko bumara lahat ng laway ko sa lalamunan ko ih. "Naging ama pa nang magiging anak nya" huling sinabi ni Cheya bago sya pumasok sa staff room Tulala akong napatingin sa tyan ni Trimma. "Omyghad! I hate you Cheya! Hindi nga sabi ako buntis! Argh! I'm not pregnant!" padabog syang tumakbo sa staff room para sundan ata si Cheya habang kaming dalawa naman ni Ruby ay natulala na lang. "Omyghad totoo ba to Vida? Anong nagawa nating mabuti para pagpalain tayong makilala ang dalawang yon?" di makapaniwala pa ring sabi nya. "Ewan" tulala kong sagot. Kinakabahang tumingin naman sakin si Ruby dahilan para mapalunok ako. "Tangina Vida wag mo kong bibiglain isang araw ha!" natatarantang sabi nya. "B-bakit ba?" kinakabahang tanong ko sa kanya. "Mamaya... isang araw malalaman ko na lang na isa na sa mga Dela Vega ang naka buntis sayo!" agad ko naman syang binatukan "Ouch! Argh! I hate you!" "Ang layo na kasi nang nararating ng imagination mo! Jan ka na nga! Puro ka kalokohan!" sigaw ko sa kanya sabay pasok ko sa staff room.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD