Shanelle Vida Rada
"Uuwi ka na?" Tanong ni Shanon sakin, kaklase ko.
Pero wala naman talaga akong masyadong close dito kasi masyado akong busy sa buhay para intindihan pa kung sino yung kakaibiganin ko.
Si Ruby lang sapat na, ow idagdag na rin natin yung mga bago naming nakilala. Sila Cheya at Trimma.
"Oo eh, masyadong busy ih." Sagot ko na lang.
"San? Sa bar? Oh come on, mataas ba kita jan? Ilan ba nate-table mo sa isang gabi? Sabagay... Ganda lang ang meron ka kaya ganda lang ang pinupuhunan mo." Singit naman ni Tarry.
Galit na galit tong babaeng to sakin dahil hindi ko daw sinagot yung bakulaw nyang kuya.
Eh sa ayoko nga eh.
Tumayo ako ng maayos tsaka ko isinukbli yung bag ko sa balikat ko.
Tumingin ako sa kanya staka ko sya tinaasan ng kilay.
Lumapit ako sa kanya.
Tsaka ko sya tinignan ng nakakainsulto mula ulo hanggang paa.
"Oo, sa bar nga ako nagtatrabaho. Pero para sabihin ko sayo, marangal ang trabaho ko. Waiter ako ng bar at para malaman mo, kahit waiter lang ako, may ganda ako mula ulo hanggang paa. Hindi ko kaylangan mag table o magsuot ng malalaswang damit at sumayaw sa gitna ng stage para mapansin nila. Cause I can shine without doing anything. Hanggang sa isip lang nila ako kayang pagsawaan... Cause I tell you... Hinding hindi nila ako kayang hawakan." Mahabang lintaya ko bago ko sya talikuran at iwan.
Napakasama ng ugali!
Anong tingin nya? Porque ba nagtatrabaho sa bar, binibenta na yung katawan?
Tss! Karamihan talaga sating mga tao, mapanghusga. Kala mo kung sinong perpekto.
Dali-dali akong pumara ng jeep para makauwi at makapagpahinga kahit papano dahil mamayang gabi, sa bar naman ang tungo ko.
Napakunot noo ako ng may maabutan akong sasakyan na nakaparada sa labas ng apartment ko.
Gosh! Kanino to?! May nanloob ba sa bahay? O may bisita?!
Agad akong lumapit sa sasakyang nakaparada at ganon na lang ang gulat ko ng malaman ko kung anong klaseng sasakyan yon.
Oh God!
B-Bugatti La Voiture Noire?!
Gosh! Ang mahal neto ha?! As in sobrang expensive!
A-ang ganda!
Nakakahiyang hawakan, baka nga pati lamok mahihiyang dikitan to sa sobrang ganda.
Nakakamangha---
"What are you doing?" Halos mapatalon ako sa gulat ng marinig ko ang boses ng lalakeng yon sa likod ko.
Ang bagong may-ari daw ng bahay ko.
Nakataas kilay ko syang hinarap pero agad akong napalunok ng makita ko ang itsura nya.
The hell!
This man! Oh my God! H-He's really handsome.
Agad akong napa-iling atsaka sya pinasadahan ng tingin.
Tinaasan nya lang ako ng kilay tsaka sya dumire-diretso sa sasakyan sa tabi.
Shet! Kanya to?!
Ow heck! Ganyan sya kayaman?!