BAGO mag report sa head ay pinuntahan niya sa briefing room si Hawk, kailangan dalawa silang haharap sa head chief para mag report.
Mahinang pinihit niya ang pinto sabay dungaw sa loob. Nakaupo sa pinakadulo ng mahabang mesa si Hawk habang nakaharap sa kanyang laptop, naka tukod sa baba nito ang isang palad habang panay kalikot ng isa pang kamay sa laptop.
Sa mahihinang hakbang ay unti unti siyang lumapit dito at akmang sisilip sa ginagawa nito sa kanyang laptop.
"You already saw it earlier dear Savannah! Live pa nga eh!" Anito sa kanya sabay ng isang mahinang tawa habang kagat kagat ang ibabang labi.
Ganito silang mga miyembro ng EAGLE EYE they all have a strong sense of smell. Memorado na ng bawat isa ang kani kanilang amoy.
"Anong gagawin mo dyan sa video? And the heck Hawk bakit tinakpan mo pa yung itsura ni felicity?" Aniya habang naka kunot noo na naka tingin sa laptop.
"I like him!" Walang gatol na sagot nito sa kanya.
Hindi napigilan ni Savannah ang mapa hagalpak ng tawa. "Seriously Hawk?"
"Yeah! I searched his profile." Pinaikot nito ang swivel chair paharap sa Kanya. "Because I thought he looked familiar, that's why I ran research, and I found out that he is the famous Atty Alfred Vargas. He is famous for helping needy people na walang kakayahang kumuha ng mabuting abogado para ipagtanggol ang mga sarili. He caught my attention Damn Much Savannah!" Mahabang litanya ni Hawk.
Natigil sa pagtawa si Savannah at matamang tinitigan ang kaibigan. She knew kung kailan ito nagbibiro at kung kailan ito mag seryoso. She stares her straight in the eye. "Sabihin mo nga sa akin ang totoo Michelle! Do you like him because he is a good lawyer and has a good personality? Or because he is- -"
"Everything about him, Savannah. Including his body packs and his huge.." Di nito tinuloy ang iba pang sasabihin dahil sa napakagat ito sa kanyang ibabang labi sabay ng pangingislap ng mga mata at nakakalokang ngiti.
"Pervert!" Sabay tampal niya ito sa balikat. "Chief needs our report, miss pervert!"
"Let us go then!" Ani Hawk sabay hawak sa kanyang braso.
Sabay silang lumabas ng briefing room habang tumatawa at tinahak ang pasilyo papunta sa opisina ng kanilang head.
****
TINAPON ang susi ng kanyang kotse sa ibabaw ng kanyang kama kasabay ng kanyang cellphone. He has a tiring day, doing his job as the president of DLGC at sinabayan pa ni Karen na nagpasakit ng kanyang utak.
He felt exhausted and lethargic.
'Damn that woman, she ruined my day
Nakilala niya si Karen sa isang bar. Kinindatan niya ito, nginitian at humantong sa kama, the heck wala siyang matandaan na niligawan niya ito. Kaya pala panay ang punta nito sa condo at hatid ng kung ano anong pagkain kasi akala nito ay magkasintahan na sila.
And boom! Nasa kalagitnaan siya ng meeting ng bigla itong sumulpot at pinagsasampal ang babaeng ka meeting. And now he is fvcked up! Kailangan niyang mag apologizes sa babaeng pinagsasampal nito.
Tunog ng kanyang cellphone ang pumukaw sa paglalakbay ng kanyang isip. Marahan siyang bumuntong hininga ng mabasa ang pangalan ng naka rehistro sa screen, it was Drake de Luna the CEO of DLGC at matalik niyang kaibigan.
Kinuha niya ang cellphone mula sa kanyang kama at nagpakawala ng isang buntong hininga. He already has an idea kung bakit ito tumawag, sigurado siyang tungkol ito sa nangyaring aberya sa meeting kanina. Dapat sana ngayon ay nagpapalitan na sila ng contrata at nagka pirmahan na, kung hindi lang sana nag eskandalo si Karen.
Damn her!
Mahina niyang mura.
"Hello, Dude!"
"Dexter, what happened to your meeting with Miss Cheung? Ano to ha!? Instead of signing the contract, they want to withdraw!"
Mas lalong sumakit ang ulo niya dahil sa sinabi ng kaibigan. Grabe ang effort niya para lang makuha ang binding with Cheung construction company, tapos mapupunta lang sa wala dahil sa eskandalosa na babaeng yun!
Muli siya nag pakawala ng isang buntong hininga at napahilot sa kanyang sentido.
"I will fix it, don't worry!" Aniya.
"Yeah, you should fix it. Magbawas kana kasi ng babae mo! Pati trabaho natin naapektuhan 'eh." Ani ng kanyang kaibigan mula sa kabilang linya.
"Tell that to yourself, Dude! Ikaw ang dapat magbawas kasi ikaw itong ikakasal!"
"Damn you, Dexter!"
"Fvck you, Drake!"
Agad niyang pinatay ang kanyang cellphone pagkatapos ng malutong nilang murahan. They are used to it already hindi kumpleto ang araw nilang dalawa ng di nagmumurahan, but then they both can't leave without each other's company, both Drake and he is childhood friends. Kasangga niya ito sa lahat ng bagay.
Ngunit tila may pagbabago dahil sa pagpapakasal nito sa babae na ni minsan ay hindi niya pa nakita at nakilala ng personal.
Agad siyang nag hubad ng mga saplot sa katawan sabay kuha ng bath towel. He needs a warm shower to relieve himself from stress.
He is fully naked under the shower. Suddenly a flashback of what happened earlier ay biglang lumitaw sa kanyang balintataw. Para siyang gagong nakangiti habang hawak ang kanyang labi.
'Well, at least may nangyaring maganda kahit papano'
"Hey! Karen, Find someone that suits you, he doesn't even know how to kiss a woman properly!"
Damn saan ba galing na planeta ang babaeng yun? Parang hindi ito normal sa kanyang pandama. And the way she kissed him back?
Fvcked!
Biglang mura niya sa isip ng maalala ang paghalik niya dito at pagtugon ng babae. That woman's effect on her is strange, halik palang at haplos ang ginawa nito sa kanya ay naghatid na ng bolta boltaheng init sa kanyang buong sistema, halik at konting hipo palang umungol na siya.
'How much more if I…. Oh! Damn it'
Minura niya uli ang sarili dahil sa paglikot ng makamundo niyang pag iisip, para siyang isang teenager na virgin, na gustong maka score sa crush nito.
Habang tinatapos ang pagligo ay lumitaw ang itsura ng babae sa kanyang balintataw. She has a heart shape face na bumagay sa seven seven hairstyle nito, ang matalim na titig ng mga mata, but yet beautiful, at ang mga biloy sa pisngi, and her not soft but not hard muscle on her waist and shoulder.
'Damn just damn. She is a temptress.'
Mabilis niyang tinapos ang kanyang paliligo dahil kung saan saan na humahantong ang kanyang makamundong pag iisip.
He feels tired and lethargic at the same time. Kaya pagkatapos maligo at pagpapatuyo ng buhok uminom muna siya ng ilang can ng beer bago tuluyang humiga sa kanyang malapad na kama, at dahil sa pagod ay agad siyang dinalaw ng antok.
Ngunit sa kalagitnaan ng mahimbing na pagtulog ay pinukaw siya ng isang tawag, nainis man ay bumangon parin siya para sagutin iyon.
'Damn it. King sino kaman na pontio Pilato ka na ng istorbo ng tulog ko siguraduhin mo lang na importante. Ta-ena.'
Ngunit ng makita ang pangalan na naka rehistro sa screen ay mabilis niyang kinuha ang cellphone at sinagot ang tawag.
It was his mother.
"Hello, Ma?"
Bigla ang kilabot na lumusob sa kanyang buong sistema ng marinig ang pag iyak ng ina mula sa kabilang linya.
"Anak, Dexter hanggang ngayon wala pa ang kapatid mo! Isang araw at isang gabi na siyang wala, hindi rin makontak ang cellphone niya!" Anito sabay ng mga hikbi.
"What? Ma, naman bakit ngayon niyo lang sinabi?" Biglang nawala ang antok niya, at pumunta ng kanyang walk-in closet. "Ma, relax pupunta ako diyan" aniya uli sa ina.
Wearing his faded blue jeans and black v-neck t-shirt ay mabilis na dinampot ang kanyang car key at cellphone saka lumabas ng kanyang condo unit.
Kaira is his only sibling's menopausal baby ito ng kanyang ina. And their Dad died 2 years ago, dahil sa complications sa sakit sa baga. Kaira is only 18 years old at kasalukuyang nag aaral ng psychology sa Ateneo. He is a protective brother kaya pinagbabawalan niya itong gumala sa gabi.
Knowing his sister never itong hindi umuwi at matulog sa ibang bahay. Kaya ng malamang di ito nakauwi ng isang gabi at araw ibayong kaba na ang nararamdaman niya sa dibdib.
****
She is in the middle of her duties as a police, nasa kahabaan siya ng ayala avenue nag papatrolya.
Isang kahina hinalang itim na sasakyan ang nakita niyang nakahinto sa isang madilim at makipot na eskinita. She pulls out her 45 caliber handgun at unti unti niyang nilapitan ito.
A few meters away from the suspicious car ay kinuha niya ang kanyang walkie-talkie sa baywang.
"This is a police officer Alcantara, 925, 925, 925 ayala avenue over." Pagbibigay alam niya sa kapwa police na ilang metro lang ang layo mula sa kanya.
"Copy that officer." Ani ng kapwa police.
Ilang sandali lang ay dumating na ang kanyang mga backup, standing behind her habang nakatutok ang mga baril sa sinasabing suspicious car.
Sabay ng pag ilaw ng kanyang flashlight ay lumapit siya sa sasakyan at kumatok, ngunit walang kahit na anong senyales na bubuksan ito ng driver.
Kumatok uli siya ng ilang beses ngunit nanatiling walang bumubukas.
Lumihis siya sa likuran ng sasakyan matamang inilawan ng kanyang flashlight, kinuha niya sa bulsa ang kanyang cellphone at kinuhanan niya ng litrato ang plate number sabay send iyon sa email ni Hawk.
Bahagya siyang yumukod at napahawak sa ilalim ng sasakyan sabay tutok ng flashlight upang suriin, isang masangsang na amoy na tila amoy ng kalawang ang nanuot sa kanyang ilong, pinalandas niya sa ilalim ng compartment ang kamay at inilawan ito.
Ganon nalang ang panlalaki ng kanyang mata kasabay ng biglang pagtayo.
"Officer?" Takang tanong ng isang kasamahan niya sa kanyang likod. "Anong meron?"
"It's blood"
"Oh fvck!" Mura ng isa pa niyang kasamahan.
Gamit ang kanyang kaalaman bilang isang Secret agent ng EAGLE EYE ay mabilis niyang nabuksan ang compartment ng sasakyan.
Tumambad sa kanila ang bangkay ng isang babae, nakabaluktot ito sa loob habang may malaking sugat sa ulo.