bc

A Love That Lasts

book_age16+
29
FOLLOW
1K
READ
billionaire
possessive
contract marriage
arranged marriage
inspirational
CEO
drama
office/work place
wife
gorgeous
like
intro-logo
Blurb

Pangarap ni Alyanna na makasal sa lalaking pinakamamahal niya at mahal din siya. Ayaw niyang maging purely business maging ang pagpapakasal niya. Ngunit dahil sa ambisyon ng ama ay pinagkasundo siyang ikasal kay Daniel. Hindi siya papayag na makasal sa taong hindi niya mahal. Sinubukan niyang pakiusapan ang binata na ito na ang umurong sa kasal nila ngunit madiing tumanggi ang lalaki sa pakiusap niya. “Everything has been planned and I can’t do anything about it, Alyanna. We’ll get married by the end of the year.” Paano na ngayon? Hindi siya tutulungan ng lalaki na makawala sa kulungang pinaglagyan sa kaniya ng kaniyang ama.

chap-preview
Free preview
Chapter One
Pauwi na si Alyanna nang oras na iyon. Pakiramdam niya ay iyon na ang pinakamahabang araw sa buong buhay niya. Pagod na pagod siya sa sariling cake studio para sa 18th birthday ng anak ng kliyente niya. She has to make a thousand of pink lemonade cupcake and a five-tier cake for the grand celebration. It was one of the biggest order she has for the month. She's just so thankful that she has efficient employees. Kahit papaano ay nabawasan ang gagawin niya. Natapos nila ang order ng kliyente before the party started. Pagdating ni Alyanna sa bahay nila ay sinalubong siya ng kaniyang Mommy Pinky. She kissed her old yet silky cheeks. "I had a tiring day, Mom," saad niya. Pagtapak niya sa loob ng bahay ay mas lalo niyang naramdaman ang pagod. Feeling niya ay isang buwan ang ginugol nila sa limang araw na trabahong iyon. "My poor darling." Hinaplos ng ina ang mukha niya. Kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya sa init ng palad ng ina. She missed cuddling her mom. Simula noong magtayo siya ng sariling cake studio ay nabawasan ang bonding nilang mag-ina. Bukod sa naging abala na rin siya sa sariling business ay kaliwa't kanan din ang dinadaluhang event ng ina. Inalalayan siya ng ginang paupo sa sala. "Kahit gusto na kitang patuluyin sa kuwarto mo para magpahinga but your dad is waiting for your arrival, honey. Kausapin mo muna siya para makapagpahinga ka na." Kumunot ang noo ni Alyanna. "Anong mayroon, Mom?" Bihira lang umuwi nang maaga ang kaniyang ama. Madalas ay inaabot ito ng madaling araw sa kompanya o kaya ay may iba't ibang meeting o business related party itong dinadaluhan. Halos lumaki siya na hindi nakakasama ang ama dahil buong buhay nito ay binuhos nito sa kompanya. "And daddy mo na lang ang tanungin mo, anak." Hinila siya nito patuyo at paakyat ng hagdan. "Ano ba kasi iyon, Mommy?" Pangungulit niya. "Bad news ba?" Pinitik nito nang mahina ang noo niya. "Ikaw talagang bata ka. Sige na, magpalit ka na muna. Bilisan mo lang at kanina pa naghihintay ang daddy mo." Napailing na lang si Alyanna. Sigurado siya na may hihilingin na naman ang daddy niya sa kaniya. Noong minsang umuwi rin kasi ito nang maaga ay akala niya para makapag-dinner silang mag-anak nang sama-sama. Tuwang tuwa pa siya noon dahil makakasalo niya ang Dad niya. Oo nga at nakaharap nila ito sa hapunan pero pagkatapos kumain ay kinausap siya nito nang masinsinan. Pinakiusapan siya nitong dumalo sa isang business party ng mga Vegas para sa grand opening ng bagong condominium building ng mga ito. Dadalo siya roon bilang ka-date ng isa sa mga anak ng kasosyo nito sa negosyo. She thought it was a harmless request so she agreed. Ngunit hindi niya inaakalang manyak pala ang lalaking sinamahan niya at katawan lang niya ang habol nito. Muntik na siyang makulong dahil dinemanda siya ng pamilya nito dahil sa pambubogbog na ginawa niya sa lalaki. Hindi siya papayag na bastos-bastusin nang ganoon lang, kahit ano pa ang posisyon nito sa lipunan. Without any interest to what her father has to say, nagbabad sa banyo si Alyanna. At this moment of her life, gusto niya lang ay magbabad sa tub upang mapawi lahat ng pagod niya sa araw na iyon. She wants to rest, have plenty of rest. But she knows it too well. Her father won't let her have any. As if on cue, dumating ang kaniyang mommy at kinatok siya sa loob. "What's taking you so long, hija? Your father is waiting for you," anito. Hindi niya pinansin ang ina. Pinagpatuloy lamang niya ang pagbabad at muling ipinikit ang mga mata. "Hija, Alyanna. Are you still there?" Sunod-sunod ang katok ng ina sa pinto. "Bilisan mo na riyan, anak. Magagalit na ang daddy mo. Kanina pa iyon naghihintay sa 'yo. Alyanna." Naririndi na si Alyanna sa paulit-ulit na pagkatok at pagtawag sa pangalan niya. Sa huli ay lumabas na rin siya ng banyo. Naabutan niya sa loob ng kuwarto ang ina at naghihintay sa kaniya. "Ano ba kasi talaga iyon, Mom? I am really tired today. Gusto ko ng magpahinga," aburido niya. Imbes magalit sa kaniya ay masuyo lang itong ngumiti, para bang may pangako iyon ng pag-ibig. Iniabot nito sa kaniya ang damit pantuloh na hinanda para sa kaniya. "I understand, anak. You can rest after your talk with your father. Halika na, maiinip na iyon sa kahihintay sa iyo. You know him, anak. You don't want to make him mad." She agreed. Alam ni Alyanna kung gaano nakakatakot kapag nagalit ang ama. No one dares to make Philip Del Mundo mad. Walang siyang nagawa kundi makipagkita sa ama. Pagkatapos magbihis ay sabay na tinahak nilang mag-ina ang studio ng ama. Nasa ikatlong palapg iyon ng bahay nila. "Mind your words, Alyanna," babala ni Pinky sa anak bago pumasok. The moment she entered the room, naramdaman na agad ni Alyanna ang kakaibang lamig ng studio nito. Hindi iyon dahil sa aircon o lakas ng hangin sa labas. Palagi niya iyon nararamdaman tuwing kaharap ang ama, lalo na loob ng studio nito. Iyon ang palaging epekto ng matanda sa dalaga. There's no warmth and compassion grew between them. Alyanna has no choice but to accept the painful truth—she has never been part of his father's world. "Dad," pormal na bati ni Alyanna rito. Mula sa mga pinipirmahan papeles ay umangat ang tingin nito sa kaniya. Matalas at walang emosyong mababanaag sa may kaedarang mukha nito. "You're getting bolder now, Alyanna," komento ni Philip. Binalingan nito ang asawa. "You can leave us now, Pinky." Agad naman tumalima ang asawa. Bago ito tuluyang lumabas ay binalingan nito ang asawa. "Don't be too harsh on our daughter, Philip. Take it slowly." Tumango naman ito bilang sagot. "Sit," anito. Komportable siyang umupo sa sofa sa studio nito. Kinakabahan man sa maaaring kahahantungan ng pag-uusap nila ngayon ay hindi niya iyon pinapakita sa ama. "I am so tired right now, Dad. I want to rest, so let's get down to business," panimula ni Alyanna. "I already did some commercial photos for you. I even dated your jerk business associates. What is it this time, Dad?" Walang kabog-kabog na tanong niya sa ama. Even she can taste the bitterness and sarcasm in her words. Inunahan na niya ang ama dahil alam niyang hindi rin naman para sa kaniya ang pag-uusapan nilang dalawa. Hindi ito para sa kumustahan at father-and-daughter bonding nila. Everything is about his company, his reputation, and his money. It won't be, and never be, about her being. "You really change, Alyanna. Sa pagtagal ay baka hindi na kita makilala." Naikot niya ang mata sa sinabi nito. As if naman kilala at kinilala niya talaga ako. "Dederetsuhin na kita. Pinatawag kita to inform you your upcoming wedding with Daniel Alvares—" Napatayo sa gulat si Alyana. "What! Anong wedding!" Kanino raw wedding? Wedding niya? Kalokohan! "You heard me right. You are marrying Daniel Alvares by the end of the year." Nagpupuyos na hinarap niya ang ama. “Pati ba naman ang pagpapakasal ko kayo ang magdidikta, Dad? I have been following your orders all my life. Can’t you let me decide for that milestone in my life? Even once, Dad gave me the freedom to choose who I wanted to marry.” “I am deciding for you because I know your judgment, Alyanna. Kung ikaw ang pipili sa papakasalan mo baka isang taon pa lang kayo kasal ay sa kangkungan ka na pupulutin. Puro puso ang paiiralin mo.” “I don’t want to marry a stranger. I am not marrying anyone, Dad!” “Daniel is a great man. He’s the oldest son of Franco and Matilde Alvares, who owns Alvares Entertainment Production. Franco will be resigning from his post anytime soon, and Daniel will succeed his position. Wala kang magiging problema sa buhay kung pakakasalan mo siya, Alyanna. Daniel’s capabilities will ensure your future and your kids’. He’s a good catch for any woman. You won’t regret marrying him.” Hindi napigilang matawa nang mapakla ni Alyanna. The way Philip introduced Daniel, the way he was convincing her, sounds like they are just talking about a simple proposal. Like, they are not talking about her future. “I am also capable of supporting myself, Dad. You don’t have to worry about my being,” she snorted, sarcasm was so evident in her tone. “I have my cake studio, I am your daughter, I have my inheritance from you and Mom. I am financially stable, if that’s what you are worrying about. I don’t need Daniel’s, or anyone’s, financial stability to be stable. But it is not about money and economic status, Dad. We are talking about my marriage, not any nonsense stuff!” She turned her back on him. Alyanna blinked her eyes repeatedly to stop her tears from falling. Hindi siya iiyak sa harap ng ama niya. She promised herself that she would never cry or laugh in front of this man. Huminga siya nang malalim. “Huwag mo naman kunin sa akin lahat, Dad. Kahit ang pagpapakasal ay ipaubaya mo na sa akin.” Her voice is almost pleading. Gusto niyang maunawan ng ama niya ang pinaglalaban niya rito. Alam nito ang pangarap niya pagdating sa kasal at buhay pamilya. She wants hin to remember her sentiments about marriage and married life. “Hilingin niyo na lahat, Dad, huwag lang ito. Hinding-hindi ako magpapakasal sa taong hindi ko mahal at hindi ako mahal. Ayokong ang business ang magiging pondasyon ng kasal ko.” “You have to understand, Alyanna. I am doing this not purely for business. This is also for your own sake.” Pagak na natawa ang dalaga. Sa gitna ng pagtatalo nila ay nagpapatawa pa ang ama. “Para sa akin? Really, Dad?” Hinawakan niya ang dibdib na tila ba sa pamamagitan ng iyon ay mapapatigil niya ang pagkirot niyon. “You are marrying me off to finally merge our company with Alvares’. It is all for your dream to be the top in entertainment productions and to enter the international market. Tama ako, hindi ba, Dad? With the help of Alvares equipments, hindi imposibleng mapantayan mo ang kalidad ng ibang bansa sa paggawa ng mga pelikula. You can even surpassed them! This is all about your ambitions. I hate you! Matatanggap ko pa kahit papaano na hindi mo ako kailanman pinapasok sa buhay at mundo mo pero hindi ang pati ang kalayaan at kinabukasan ko ay kayo pa rin ang magdidikta!” Pilit pinipigilab niya ang luhang bumagsak. She is still holding her promise—she won’t cry in front of him. Kahit kailan ay hindi niya ginustong magpakita ng emosyon o magbukas ng saloobin sa ama sa takot na hindi ito makinig at pahalagahan ang sasabihin niya. She was afraid of her father’s denial. Ngunit ngayon ay hindi niya na alam kung hanggang saan ang kaya niya. Nahihirapan na siyang pigilan ang mga luha. Nahihirapan na siyang hindi masaktan sa harap ng ama. Nahihirapan na siya. Hirap na hirap na siya dahil ang sakit sakit na. Napaupo siya sa gilid ng mesa sa tabi nito. I can’t stand on my own. Her dad step one forward; she’s now facing his broad back. “Am I really your flesh, Dad? O gaya ng kompanya mo ay pinalaki niyo lang ako para mapakinabang niyo lang ako upon the maturity?” Alyanna waited her Dad’s response. She waited and waited but her dad kept his silence. Sa puntong iyon, alam niyang hindi niya makukuha ang hinihintay niya sagot mula sa ama kahit kailan. Tuluyan ng nalaglag ang mga pinipigilang luha sa mga mata niya. Ang sakit na hindi man lang nito magawang magsinungaling para ipakonswelo sa kaniya. “Dad, kung naging—“ “I am telling you this not to ask your opinion nor your confirmation, Alyanna. As I’d said, I am informing you about your upcoming marriage with Daniel Alvares, and negotiations will not be entertained. We are expecting your full cooperation.” Pinal na sabi ni Philip at mabilis na lumabas ng silid. Iniwan siya niyo nang hindi man lang pinakikinggan ang ponto niya. Napasalampak si Alyanna sa sahig. Wala na siyang maramdamang lakas sa kaniyang mga tuhod. Nanginginig ang mga iyon sa pagpupuyos sa galit. Pakiramdam niya ay sasabog ang dibdib niya sa lahat ng kinikimkim na hinanakit sa dibdib ss napakahabang panahon. “Why, Dad? Why are you doing this to me?” Noong gabing iyon ay hinayaan niya ang sariling umiyak nang umiyak. Everything is overwhleming and she can’t take it all. She’s pouring her heart out.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

After Divorce: The Secret Wife Became The Zillionaires’ Princess

read
50.3K
bc

Hidden Heiress of Daemon Delavega Jr.

read
106.8K
bc

My Dangerous Ninong Mafia Boss

read
54.6K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
325.9K
bc

The Forgotten Wife

read
44.2K
bc

Deeper, Ninong Isidro

read
1K
bc

Built to break you, meant to love you-SPG

read
22.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook