You are what?"
Pagkatapos ng pag-uusap nilang mag-ama kagabi ay hinayaan niya ang sariling umiyak sa loob ng study nito. Pagkalipas ng halos isang oras ay umalis siya at pumunta sa bahay ng kaibigang si Janette Reblado. Maging ito ay nagulat sa hitsura niya kagabi ngunit hindi na nag-usisa pa. Pinatuloy lang siya nito at sinamahang uminom hanggang ang alak na ang sumuko sa kanilang dalawa.
Her mom tried to comfort Alyanna pero kahit anong sabihin nito ay hindi iyon rumerehistro sa utak ng dalaga. Ang tanging tumatakbo lang sa isip niya ay ang gaganaping kasal niya kay Daniel.
Kapag natuloy ang kasal nila ay hindi na matutupad ang dream wedding niya. Kahit gaano pa ka-engrande at masunod ang mga gusto niya para sana sa araw na iyon ay hindi maitatago nito na hindi nila mahal ang isa't isa. It is purely business. They are bind by their family's ambitions.
Kung makakapili lang ulit si Alyanna ng magiging buhay niya ay gugustuhin niyang maging anak ng isang ordinaryong pamilya. Nagtatrabaho otso oras ang mga magulang sa minimum na sahod. Walang karangyaan pero naroon ang pagmamahal, suporta at respeto sa kung anumang pangarap ang gustuhing abutin ng anak sa buhay nito.
Malayo sa karangyaang mayroon siya ngunit wala naman kahit anong kalayaan siyang maramdaman.
"I am getting married." Naihilot ni Alyanna ang uli. Masakit iyon dahil sa hangover kagabi.
"Ikakasal ka?! Paanong nangyari iyon e wala ka naman boyfriend. Magpapakasal ka sa hangin?"
Natarayan niya ito. May oras pa itong magbiro sa kaniya habang siya ay dinaig pa ang nabagsakan ng mundo.
Umupo si Alyanna sa kama. "Sana nga ay panaginip lang lahat ng ito. Sana pag-uwi ko mamaya ay walang kasalan kaming pag-uusapan. O kaya ay tumawag si Mommy na nagbibiro lang si Daddy kagabi," na alam niyang napaka-imposible. Kailanman ay hindi nito alam kung paano magbiro.
Kumirot ang dibdib niya. The pain—ayaw nitong mawala. Kahit lasing na lasing na siya kagabi ay dama niya pa rin ang sakit. Hindi iyon makalimutan ng puso niya.
Lumapit sa kaniya si Janette, bahid pa rin dito ang pagkalito. "Biglaan naman yata, Alyanna. Pero kanino ka nga ba ikakasal?"
"Kay Daniel."
"Sinong Daniel? Ang daming Daniel kaya sa mundo, duh." Mataray na anito.
"Daniel Alvares."
"Ano?!" Napatayo ito sa pagkabigla. "Ikakasal ka kay Daniel Alvares ng Alvares Entertainment?!" Kunwa'y tumili ito. Kung sa gulat ba o kilig para sa binata ay hindi niya alam.
Matagal ng may gusto si Janette kay Daniel. Simula noong makasama nila ito sa isang auction party two years ago ay humanga na sa binata ang kaibigan. Maging siya ay naguwapuhan ang lalaki. He was dashingly handsome that night in that three-piece suit. Sobrang lakas ng appeal nito na kahit napakaraming lalaki ang naroon ay agaw-pansin pa rin ito. Tindig pa lang ni Daniel ay alam mo ng galing ito sa mayamang angkan na nagmamay-ari ng malaking kompanya. Halos lahat ng babae noong gabing iyon ay napapatingin sa lalaki.
Siguro kung ngumiti lang noon si Daniel ay baka maging siya ay nahulog din sa charisma nito. Pero buong party hindi man lang ito ngumiti o nagpakita ng kahit anong emosyon. Pantay lang ang mga labi at kilay ng binata. Ang ama niya ang naaalala sa mala-robot nitong pustura.
"Pwede ba tigilan mo ang pagtili. Ang sakit ng ulo ko, Janette." Naisandal niya ang ulo sa headboard at marahan iyong hinilot. Napapikit siya sa sakit.
Janette smiled apologetically at her. Inabot nito ang dala kaninang hot honey water. "Girl, ang suwerte mo. Ang daming gusto makasal kay Daniel, ano ka ba. Akin na lang siya kung ayaw mo.” Kinikilig pa ang kaibigan.
Napaikot niya ang mata. “Kahit hindi ka na magpaalam, sa ‘yo na. Wala akong pakialam.”
“Bakit ba kayo magpapakasal? Anong dahilan? Hindi naman kayo magkakilala, hindi ba? O baka naman nag-inuman kayo at may—”
Awtomatikong naibato ni Alyanna kay Janette ang yakap-yakap niyang unan dahil alam niya na kung saan patungo ang sasabihin nito.
“Siraulo ka ba! Walang nangyaring ganoon. Ni hindi ko nga iyan nakakasalubong sa daan,” depensa niya. “Arranged marriage kami. Gusto ni Daddy na makasal kaming dalawa para mag-merge ang Alvares at MD Films.”
Naalala na naman niya ang hitsura ng ama kagabi. The way his father stand and talk with her, para bang hindi siya nito sariling anak.
“Pumayag naman ba si David sa arrange marriage niyo? Hindi ba ayaw na noon sa commitment after what happened to Jessica. Kaya nga nawala siya for a couple of years, ‘di ba?”
Jessica and Daniel had been in a relationship for seven years already. May usap-usapan noon na magpapakasal na ang dalawa dahil nagdadalang-tao na ang babae. Everyone was expecting the confirmation from the two, but before it was broadcast, Jessica had a car accident. She was dead on the spot because of the massive impact of the incident.
Sa parehong taon din ay lumipad patungong Europe si Daniel. Doon ito namalagi at walang nakakaalam sa naging buhay at aktibidad ng binata sa bansang iyon. No one even got the chance to capture the flesh of Daniel. Parang nawala ito ng parang bula kasabay ng pagpanaw ng babaeng pinakamamahal nito. Two years after, naging usap-usapan na nakabalik na ng bansa ang lalaki. Ngunit walang naging tugon ang mga Alvares tungkol isyung iyon. Wala rin itong naging public appearances sa buong taong iyon kaya walang katiyakan kung totoo nga ba ang balita.
Until early year last year, nakunan ito ng litrato sa isang resort sa Pampanga. Simula noon ay nagtuloy-tuloy na ang pagpapakita nito sa publiko. Maging sa kompanya ng ama ay naging active na ito muli. Ito na rin ang dumadalo sa mga meetings at events ng kompanya.
The media and businessmen tried to fish for the details of whereabouts of Daniel for the last four years, but to no avail. Until now, it is still a mystery to everyone.
“Wala siyang official girlfriend after Jessica pero may mga kinaka-date na rin naman ang lalaki. Sa napakaraming nali-link sa kaniya, impossibleng wala siyang sineseryoso roon.”
“Sabagay limang taon na rin naman ang lumipas. Sapat na iyon para makalimot siya at magsimula muli,” sang-ayon ng kaibigan. “So, ano ang plano mo ngayon?”
“Hindi ko alam, Janette. Ayokong makasal sa taong hindi ko naman mahal at hindi rin ako mahal. Magkakasakitan lang kami sa paglipas ng taon.” Napabuntong hininga si Alyanna. “Siguro ganoon din si Danilel, ‘di ba? After what happened sa kaniya.”
Napatango-tango si Janette. “Sabagay. Nakausap mo na ba siya?”
“Hindi pa.”
“Pero alam mo friend, si Daniel may rason siya kung tatanggapin niya na lang na makasal sa ‘yo o kokontra rin siya, tulad mo, at susubukan magmahal ng iba bago lumagay sa tahimik. I mean, baka isipin niya na wala na sa kaniyang mawawala o halaga pa kung sino ang pakakasalan niya. Nawala na rin naman sa kaniya si Jessica.”
Bigla ay napaisip si Alyanna. Maaaring ganoon nga ang isipin ni Daniel. Parang pagrerebelde na nito iyon sa mundo sa maagang pagkuha sa babaeng pinakamamahal nito.
Mas lalong ayaw niyang matuloy ang kasal. Hindi siya pang-“no choice” na lang. She wants to be “the one” of her man.
Napatuwid ng upo si Alyanna. “I need to see Daniel. Agad!”
****
Muling sinipat ni Alyanna ang suot na relo. Sa tiyansa niya ay kalahating oras na siyang naghihintay sa labas ng opisina ni Daniel. Pagdating niya sa opisina nito ay ang sekretarya ng lalaki ang humarap sa kaniya. Hindi nga siya nito hinanapan ng appointment ngunit pinaghihintay naman siya ng binata! At hindi niya iyon matanggap. Someone made her wait, with no assurance when he would show up. Ang sabi ni Carmila, ang sekretarya ni Daniel, ay nasa loob ng opisina ang sadya niya, kausap ang ilang investors ng kompanya. Boluntaryo na siyang naghintay para makausap agad si Daniel tungkol sa pagpapakasal nila. Ngunit hindi naman niya akalaing ganito siya maghihintay!
Muli ay napatingin siya sa suot na relo. Limang minuto na naman ang lumipas. Nag-iinit na talaga ang ulo niya. Nilingon ni Alyanna si Carmila. Nagkasalubong ang kanilang mga mata pero agad din itong yumuko. Pinagpatuloy nito ang trabaho. Maging ang dalaga marahil ay nararamdaman na ang pagkairetable niya.
Nang hindi na siya makatiis ay nilapitan niya ang sekretarya. “Matatapos pa ba sila o hindi na? Or I’ll make my way to end their non-stop meeting?” Hindi mapigilang banta niya sa dalaga. It’s not her intention to scare the employee or be sassy towards her but the waiting is too much to bear. She can’t wait any longer.
Tarantang tumayo si Carmila. “They’ll be over—”
“Iyan din ang sagot mo sa akin, 20 minutes ago, but I am still not entertained by your boss. Sinasadya niya bang paghintayin ako?”
“No, Maam.” Agad ay agap nito.
“Then tell him I am waiting outside his office. I am not buying his excuse that he’s in the middle of that important meeting of his!”
Hindi pa man niya natatapos ang litanya ay bumukas na ang kanina niya pa tinitingnan na pinto. Iniluwa nito ang isang matangkad na lalaki. He looked dashingly handsome in a formal three-piece suit with his signature expressionless face. Medyo gusot ang buhok nito na nakadagdag lang sa pisikal na hitsura nito. Everything about this man speaks dominance and high authority.
Lumingon sa kaniya si Daniel. Wala sa sariling napalunok si Alyanna. Pakiramdam niya ay nakalimutan niya ang dahilan kung bakit niya ito sinadya sa opisina. Kahit noong una niya itong nakita two years ago ay ganoon din ang epekto nito sa kaniya. Hindi iyon nagbago.
“Miss Del Mundo,” untag kay Alyanna ni Carmila, nakagaya ang kamay nito papasok sa bakante ng silid.
Tila ay nawala sa sarili si Alyanna dahil sa pag-ugpong ng mga tingin nila. She composed herself and acts like nothing affected her senses.
She entered the white and spacious office of Daniel. He was already seated on his chair, tidying his papers and stuff. Without any invitation, she took a seat on a chair in front of his table.
Tinapunan siya ni Daniel ng tingin at tipid na ngumiti. “I guess I had kept you waiting for long. It’s not my intention to take the conference longer than it should.”
“I don’t wait to hear your alibi, reason, or what-else. Let’s get down to the business, Alvares.” Prangka niya sa binata.
Daniel smirked. “So what’s the deal, Miss Del Mundo? Sigurado akong hindi ka pumunta dito para lang tarayan ang sekretarya ko at pagbintangang pinaghihintay ko ang isang taga-pagmana,” sarkastikong anito.
She rolled her eyes at him. “It’s about our arranged marriage. Sigurado naman akong sinabi na iyon sa iyo ng Dad mo.”
“I know. And what’s the matter now?” he casually inquired.
Namilog ang mga mata ni Alyanna. Tinanong siya nito na para bang simpleng bagay lang sadya niya rito. Na para bang walang halaga iyon dito. She was also expecting disapproval from this man, that he will fight for the memories of Jessica, or his dream of marrying the woman he loves and cares the most, at least. But there’s nothing a glimpse of that hope from his tone.
“What?” Nagtatakang tanong ni Daniel kay Alyanna. “Dad and Tito Frederick told me that we would be married soon. I had nothing against it, so I accepted it.”
Pakiramdam ni Alyanna ay kumulot lahat ng buhok niya sa katawan sa rason nito sa kaniya. She slammed the desk, outraged. “But it’s about marriage, Daniel! Of all people, ikaw dapat ang nakakaalam kung ano ang mawawala sa iyo oras na nakasal ka sa akin.”
Alyanna was trying to reason out with Daniel, umaasa na makukumbinsi niya ito. At this moment of conversation, she has the thinnest thread of hope holding onto her hand.
“I’m not losing anything on this, Alyanna. I am gaining more.”
“Gaining more.” Nauuyam na natawa si Alyanna. “You are just like my Dad. Hindi importante sa’yo kung ano kapalit ng kasal na pinipilit niyong mangyari, matupad at makamit lang ang gusto niyo. Why, Daniel, is that something you are trying to get hold of is worth it? Kapalit ng kalayaan kong magmahal at nang mahalin? Kapalit ng pagpili ko ng taong papakasalan?”
Sandaling natigilan si Daniel sa sinabi ni Alyanna. Nakatingin lang ito sa mga mata niya na para bang inaarok pa lalo ang mga emosyong hindi niya pa naisasatinig.
“May mga bagay sa buhay natin na hindi natin kayang kontrolin, Alyanna. Let’s be frank to ourselves—we can’t always get the things we desire, we dream. Despite of our sacrifices and good deeds, hindi mananatili ang hindi nakatakdang maging atin. We had to let go of them. O paulit-ulit tayong matitinik sa patuloy nating pagkapit.”
“Hindi ka masusugatan kung walang tinik ang kinakapitan mo. Hindi ko sinasabing manatili ka sa taong hindi para sa ‘yo o hindi na magiging sa ‘yo,” referring Jessica. “One day, may makikilala kang taong mamarka sa buhay mo. Ipaparamdam niya sa ‘yo muli ang tamis ng pag-ibig. Kikilalanin at gagamutin niya lahat ng sugat at paltos na naiwan ng nanuna mong pag-ibig na nanatili pa riyan sa puso mo. And I am also waiting for that man to come into my life. Alam ko darating siya, sa hindi inaasahang oras at pagkakataon. Darating siya, Daniel. Naniniwala ako.”
Tumayo ito at tinalikuran siya. Naglakad si Daniel papuntang glass window at tahimik na nakatanaw sa labas. Hindi niya makita ang mukha ng binata kaya hindi niya alam kung ano ang tumatakbo sa isip nito.
“You can wait all you want, Alyanna. It’s your own choice to wait for that kind of man to satisfy your fantasies about love and being loved. Sana lang sa paghihintay mo hindi ka mabulag ng pangarap mong iyon.”
“Hindi mo na ba pinangarap na maramdaman ulit iyong klase ng pag-ibig na naramdaman mo noong kayo pa ni Jessica?”
“I started to doubt the power and intention of love since the day I lost the woman I loved the most, Alyanna. Now, it has become the luxury I don’t want to own again. I just want to be spared of the pain and grief I had felt over Jessica.”
Pain stung into the heart of Alyanna.
“My question, Daniel: magiging masaya ka ba kung sa pagbitaw mo roon ay ang pamamalaam mo rin sa pag-ibig na nananahan sa puso mo? Hindi mo maaaring sabihing wala na siya riyan.” Sabay ay sulyap niya sa litratong naka-display sa isang shelf sa opisina nito. It was him and Jessica, may pag-ibig sa bawat ngiti at kislap ng mga mata nito.
Ilang segundo ang lumipas na walang nagsasalita sa kanilang dalawa. Nakakabingi ang katahimikang iyon. Gustong lapitan ni Alyanna ang lalaki at harapin ito. Gusto niyang tanungin kung ano ang tumatakbo sa isipan nito. Hindi man sila close pero gusto niyang kumustahin ito sa mga nakalipas na taon. Iilan lamang ang mga bagay na alam niya tungkol sa lalaki, karamihan pa roon ay nabasa o naririnig niya lang sa ibang tao.
Tumikhim ito bago nagsilatang muli. “She’s still here. Kahit anong gawin ko ay narito siya dahil parte na siya ng buhay at nakaraan ko. Hindi siya mabubura sa pagkatao ko, magmahal man ako ng bago o makasal man tayo. Ang pagbibigay daan sa bagong tao at pag-ibig ay hindi paglimot sa alaala ng naunang pag-ibig.”
Walang maisagot si Alyanna sa pahayag na iyon ni Daniel. Tama naman ang sinabi nito. No matter what happened, Jessica would always be part of his soul. Whether he loves somebody else or starts a new life with her, Jessica will hold the deepest part of his heart and soul. And she is not in a position to question where Jessica stands in his life.
"I know all you want is to get rid of me and this wedding, but I’m sorry to tell you, dear — everything’s already been planned. There’s nothing I can do about it, Alyanna. We’re getting married by the end of the year. Whether you like it or not… whether I like it or not… we will be bound together."