Chapter Three

2051 Words
"We will never be one, Daniel!" mariing giit ni Alyanna sa lalaki. Nagpupuyos siya sa galit sa kaharap. Gusto niya itong sakalin hanggang sa mag-iba ang kulay nito. "Alam mong walang pupuntahan 'tong kasal natin. You will only earn your monetary desires but we will never stand on the same page, to be as one." "I am afraid you have an idea on your mind," hamon sa kaniya ng lalaki. Daniel gave her a steady yet intimidating look. "I have no plans against you, Mr. Alvares. I—" "Call me, Daniel. I will be your husband soon," pang-aasar pa nito sa kaniya. "Mr. Alvares," mariing ulit niya sa apelyido nito. Gusto niyang malaman nito na hindi siya natutuwa na sambitin ang pangalan nito. "I suggest you stop anticipating the wedding because that will never be held, even in your dreams." "You're right, I won't be dreaming that wedding. But I am too afraid to say this to you: our Dads are very willing to hold you up and drag you to the altar, besides me," he smirked. Para bang iyon ang pinakamapanganib na ngisi na nakita niya sa mukha ng isang tao. "Let's see if that will happen," hamon ni Alyanna sa binata. Pinangako niya sa sarili niya na hinding-hindi magaganap ang kasal na pinaplano ng mga ito. Handa siyang ipaglaban sa pamilya niya at sa lalaking nasa harap niya ang pangarap niyang kasal sa lalaking mahal niya. Para sa kaniya, napaka-sagrado ng kasal. "What do you mean? Are you going to escape and be a runaway bride? That's too dramatic, Alyanna. We are not in a movie to do that. Just cooperate with the wedding. I won't be snatching your freedom. You can do whatever you want—act like a single, run your own business, party with your friends, and date to your liking. All I want from you is your cooperation. Just show up on our wedding day." Bigla ay naguluhan si Alyanna sa sinabi ni Daniel. Tila ba may iba pang rason ito bakit gusto rin nitong makasal sa kaniya? Just show up on our wedding day? If he's not expecting anything from me, then why do he need to agree on this kind of agreement? "I have a question, Mr. Alvares—" "Daniel." "Mr. Alva—" "I won't talk with you until you drop the formality, Alyanna. You can ask all your questions away, but don't expect me to answer any of those," pinal na saad ng binata. Humarap ito sa desktop sa harap nito at nagkunwaring may ginagawa. Gusto niyang batukan ito o patayin na lang. Baka kapag napatay niya ito ay wala ng lalaking ipares sa kaniya ang ama. "Then, I am leaving." Tumayo na siya para iwan ang lalaking kanina pa nagpapakulo ng dugo niya. Hindi niya alam na mas mahirap pa palang kausap ang lalaki kumpara sa Dad niya. If this kind of a man is Daniel right now, then escaping from them is the best way. Hindi siya magpapakulong habambuhay sa mga taong walang compassion sa katawan. "Why do you hate marrying me, Alyanna?" pigil na tanong sa kaniya ni Daniel bago mabuksan ang pinto ng opisina nito. Hinarap niya ang lalaki. Nakatayo na ito at naglalakad palapit sa kaniya. Bigla ay nakaramdam ng kaba si Alyanna. She always got scared whenever he's standing tall near her. Just acknowledging his presence makes the room too small and suffocating. "To set the record straight, I do not hate you, Mr. Alvares. I have no reason to hate someone I don't know or have no interactions with before. I just hate the idea of forcing a marriage between two people. Two people who know nothing about each other." "What if I said I knew you—I know things behind your princess façade. Is that enough to lessen the hate of this marriage?" Kumot ang noo ni Alyanna. "You know me?" "I said, what if?" Pinaikot nito ang mata na tila naiinis na rin sa pag-uusap nila. "No, that's not enough." "What if you knew me, too. You just didn't realize it?" "It's impossible that I know you. Knowing your name and knowing you beyond that are two completely different things. So, yes, I know your name, but I don’t know you." "Well, it's just the same for me. You know me." Naguguluhan si Alyanna sa mga sinasabi ni Daniel. Hindi niya alam kung pinaglalaruan lang ba siya ng lalaki o gusto lang nitong guluhin ang isipan niya. Malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Alyanna. Napapagod na talaga siya kausap ang lalaki. "Okay, let’s say we do know each other — deeply, like family or childhood friends, if that’s what you want to say. But that’s not enough, Mr. Alvares. That will never be enough to build the foundation of a real family. As for me, I want to marry the man I love, the man I believe can be a good husband and a good father to my children. Call it dramatic or hopelessly romantic, but I want to build a loving and healthy family, not a family founded on money and connections." Alyanna was simply too fed up with living in an authoritarian family where no one had the right to challenge the decisions of those in power. There was no freedom of speech in her home. And that was the last thing she would ever want her own family to experience. "And sorry, but I have to say this: That’s exactly what you said when you still had Jessica. That was your dream, too, Daniel. Don’t settle for me, with me, just because you lost her. Yes, she’s been gone for a while now, but she didn’t leave without leaving a mark on your life. And that mark — that’s what gave you hope to fight and heal after losing her. You loved her too much, Daniel. Don’t let her love for you be erased by this kind of forced marriage, because you don’t deserve that. We both don’t deserve it." Alyanna knew that she should stop bringing Jessica into their conversations, lalo na at wala naman silang pinagsamahan dati para pag-usapan ang naging nakaraan ng lalaki. Pakiramdam niya ay binabastos niya ang alaala ng babae sa buhay ni Daniel. Hindi niya rin alam kung gaano na nga ba nakakabangon si Daniel mula sa trahedyang iyon. Pero alam niyang si Jessica lamang ang tanging tao na makakatulong sa kaniya sa mga oras na ito. Alam ng buong Pilipinas kung paano naging mundo ni Daniel si Jessica. Naging laman ng iba't ibang balita ang "princess treatment" nito sa kasintahan. May mangilan-ngilan din siyang nakitang balita noon tungkol sa dalawa. Isang fashion model si Jessica at lahat ng runway at fashion week nito sa America at Europe ay walang pinalampas na daluhan ang lalaki. Kasama lagi nito ang dalawang Kuya ng dalaga. At ang huling balitang nakita niya bago ang trahedya ay ang two-month cruise ship trip ng dalawa sa Mediterranean Sea, Europe, at Asia Pacific. Iyon na rin 'yong mga buwan na usap-usapan na malapit ng magpakasal ang dalawa dahil nagdadalang-tao na raw si Jessica. Kulang na lamang ay sungkutin ni Daniel lahat ng bituin para sa babaeng pinakamamahal nito. Isa sa mga kinaiinggitan ng lahat ng babae si Jessica noong panahong iyon. At kahit siya ay hindi maiwasang makaramdam ng inggit sa babae. Hindi dahil may isang lalaking handang gawin itong prinsesa at mundo, pero dahil hindi kailangan ni Jessica mamalimos ng pagmamahal sa taong tinatanggi nito. Ang lalaki mismo ang handang ilagay ito sa pedestal. Samantalang siya ay hindi niya makuha ang nag-iisang pag-ibig na inaasam-asam niya. Nang mapansin ni Alyanna na hindi gumagalaw si Daniel sa kinatatayuan at walang expression sa mukha nito ay bigla siyang nakonsensya. Mahina siyang tumikhim para kunin ang atensyon nito. "I'm sorry for bringing her up. I am not disrespecting Jessica and what you had before." Lumingon ito sa kaniya at saglit na nagsalubong ang kanilang mata bago siya tinalikuran. Kalkulado ang lahat ng galaw nito, maging ang expression. "You may leave now, Alyanna. I have an important meeting to attend after this. I’m sorry I won’t be able to walk you out. Please see yourself out," malamig at pormal na turan nito. Hindi na ulit siya nito muling sinulyapan pa. Tahimik na lumabas si Alyanna ng opisina nito. Hindi niya alam kung tama bang nakakaramdam siya ng konsesya at awa kay Daniel. She came here to ask him to cancel their wedding but she end up opening the door of his past and keep dropping bombs to hurt him, emotionally. Hindi man ipakita ni Daniel pero naramdaman niyang nasasaktan pa rin ito sa tuwing binabanggit ang pangalan ng dating karelasyon. Lumipas man siguro ang ilang taon ay hindi nito makakalimutan ang tanging babaeng pinangakuan nito ng walang hanggan. *** "HINDI mo ba sasagutin ang tawag ng Mommy mo?" tanong ni Janette sa kaniya. Nasa bahay nito ulit siya para magpalipas ng gabi. Ayaw niya muna ulit umuwi sa kanila. Naiinis pa rin siya sa Daddy niya. At mas lalong naiinis siya na wala siyang napala sa pagpunta niya sa opisina ni Daniel. Mukhang wala na siyang kawala sa forced marriage na sine-set up ng Daddy niya. "Hayaan mo sila. Naiinis pa rin ako sa kanila, lalo na kay Daddy." Nilantakan niya ang Ceasar salad na ginawa ng kaibigan. Nasa sala silang dalawang magkaibigan habang kumakain ng hapunan. Naikuwento na rin niya rito ang nangyari sa kanila ni Daniel kanina. Maging ito ay hindi makapaniwala na walang pagtututol ang lalaki sa arranged marriage nilang dalawa. "Baka nag-aalala na sa 'yo si Tita. Kagabi ka pa umalis ng bahay ninyo." "Janette, they are too smart to know where I am right now. Baka nga alam na nila na sinugod ko si Daniel sa opisina niya kaya panay tawag si Mommy." Mas lalong nainis si Alyanna nang maalala ang mukha ng lalaki. Kahit naaawa at nakokonsensya s'ya sa naging daloy ng usapan nilang dalawa kanina ay naiinis pa rin siya na ganon-ganon lang tanggapin nito ang pagpapakasal sa kaniya. Wala na yata talagang halaga sa binata kung sino ang mapapangasawa nito. Paano naman ako? Gusto niya pa rin makita ang lalaking magpaparamdam sa kaniya ng totoong pag-ibig. 'Yong taong hindi siya pinili dahil sa pera at apelyido niya, kundi kung sino talaga siya. I wish I know who and where you are. Ako na susundo sa 'yo. "Sigurado na ba talaga si Daniel sa arranged marriage niyo? Akala ko pa naman isa siya pinakaayaw sa mga ganyang bagay." "Akala ko nga rin, eh. Kaya umasa ako na magkakasundo kami na pigilan ang kalokohan ng mga magulang namin. Pero hindi. Wala siyang paki, Janette." Sumasakit ang ulo niya sa kakaisip kung paano niya lulusutan ang problema niya ngayon. "Kung tumakas na lang kaya ako?" Ibininato sa kaniya ni Janette ang throw pillow na yakap-yakap nito. "You are the Alyanna that I knew if you are going to do that." "E, ano nga gagawin ko? Ayokong makasal sa lalaking 'yon. Baka itrato lang ako no'n poste sa bahay niya." "Mas okay ng poste trato niya sa 'yo, kesa sa Daddy mo para kang hangin lang. Napapansin lang kapag mainit ang ulo sa negosyo." "Kung maghanap na lang ako ng lalaking magpapanggap na boyfriend ko, tapos sabihin kong ikakasal na kami." "Ano pinagkaiba no'n sa forced marriage niyo ni Daniel? Kung gano'n lang din naman, si Daniel na lang piliin mo. At least sa kaniya, kilala mo pamilya no'n at kampante kang loyal pa rin kay Jessica 'yong tao. Hindi ka mamanduhan ng mga dapat at hindi mo dapat gawin sa bahay at buhay mo. Siya na rin nagsabi na pwede ka makipag-date. Makipag-date ka habang mag-asawa kayo tapos kapag nakita mo na 'yong lalaking pinapangarap mo, e 'di humingi ka ng divorce." "Kung gagawin ko 'yon, ako ang lalabas na malandi o nangaliwa sa relasyon namin ni Daniel. Ako babatikusin ng mga tao. Ako pa ngayon 'yong nasira." Nanggigigil na sinabunutan ni Alyanna ang sarili. Kahit anong maisip niyang solusyon ay hindi maganda ang magiging balik sa kaniya. Bakit ba kasi pinaparusahan siya nang ganito ng Daddy niya? Nakakapagod ding maging anak nito. Bakit kasi si Daniel pa napili ni Daddy? Wherever you are, please come to light and save me. Save me again.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD