Chapter Four

2004 Words
The scent of lavender and sweet cream danced through the kitchen, wrapping the room in a delicate, soothing embrace. Alyanna stood at the center of it all, a piping bag steady in her hand, her eyes focused with an almost sacred intensity on the masterpiece before her. The two-tier cake before her looked like something out of a dream — a soft cascade of pastel purples and muted blues, each layer kissed with the faintest shimmer. Tiny, hand-crafted sugar flowers — lilacs, peonies, and delicate baby's breath — curled and bloomed along the sides, creating the illusion of a wild, magical garden growing out of frosting. The flavor was just as special: lavender earl grey — a bold yet comforting choice for the daughter of their latest client, celebrating her seventeenth birthday. Alyanna had spent weeks perfecting the balance, making sure the lavender was gentle and the bergamot notes of the earl grey tea melted smoothly into the buttery sponge. A cake soft enough for a child’s taste, yet sophisticated enough to make the parents' guests marvel. This — this was her sanctuary. Baking wasn't just a job for Alyanna. Baking was her way of breathing — the only place she could create something beautiful, something hers, without anyone else's demands shaping it. She found her peace in measuring flour, whipping sugar, and folding cream, and nothing in her real life was able to give her. Lalo na sa sitwasyon niya ngayon — ito ang takbuhan niya para pansamantalang makalimutan ang nalalapit niyang kasal. Rito may kapanatagan sa loob niya na siya ang may kontrol sa sarili niya. Walang ama na magdidikta kung paano niya patatakbuhin ang negosyo, kung paano siya dapat makipag-usap sa isang kliyente, sa kung paanong paraan niya mas maipakikilala ang sariling pagkakakilanlan. In her studio, siya ang batas, ang mundo, at siya ay siya. Alyanna leaned closer, placing the last sugar petal on the topmost tier with the gentlest touch. A slow smile tugged at her lips — rare and genuine. Almost done. Pero bago pa man niya maihulog ang huling budbod ng edible shimmer, isang marahang katok sa pinto ang kumuha ng kaniyang atensyon. Nakatayo roon ang assistant at kaibigan niya na si Kim Yoona. Ito ang nagre-receive ng delivery nila para sa araw na iyon. "Aly, may bisita ka sa labas," bungad nito sa kaniya. Malawak ang ngiti at may halo ng pang-aasar. Nakasuoot na ito ng PPE at apron. "Sino? Hindi pa ako tapos." Hindi pa siya puwede lumabas ng kitchen area dahil hindi pa siya tapos sa ginagawa niya. Napagkasunduan nila na hindi sila puwede lumabas ng kitchen hangga't hindi natatapos ang ginagawa sa loob. Para iwas na rin an ma-contaminate ang cake. Sanitation ng area nila ang pinakauna nilang niaalagaan. "Finishing na rin naman ang ginagawa mo. Ako na niyan. Asikasuhin mo na 'yong bisita mo, baka makuha pa ng iba." Tukso nito sa kaniya. Parang may ideya na siya kung sino ang nasa labas. Bigla ay nasira nito ang araw niya. Anong kailangan nito sa kaniya? "Dapat sinabi mong wala ako sa loob." "Sayang tanggihan ang grasya, friend. Saka, hindi mo pa siya pinapakilala sa akin. Magtatanong pa ako sa inyo mamaya. Ikaw ha, may nililihim ka na sa akin," kunwari ay nasasaktan ang kaibigan niya. Hindi pa nga niya nasasabi rito ang tungkol kay Daniel. Si Janette pa lang ang napagkukuwentuhan niya sa bagay na iyon. "Sorry, I will tell you everything. Pero hindi iyon tulad ng iniisip mo. We are not dating." "Sus, maniwala." Tinulak na siya nito palabas ng kitchen. "Lumabas ka na, kundi palalabasan ko 'yan," malanding biro nito. She hysterically hit Yoona at her arm. Madalas ay double meaning ang mga lumalabas sa bibig ng kaibigan. Siya na lang ang nahihiya para rito lalo na kapag ganoon ang lumalabas sa bibig nito kapag nasa public places sila. They almost got arrested when Yoona got into a fight with some women at the bar. She had seductively hit on a guy there — and she really knew how to reel men in with her bold, flirty words. Akala nito mag-isa lang ito sa bar pero nagulat na lang sila nang dumating ang girlfriend ng lalaki at sinampal niya. Paglabas ni Alyanna ay nakita niya ang lalaking ayaw na sana makita pang muli. Daniel is standing tall near the entrance, his back turned toward Alyanna. He was on his phone talking to someone. He didn't need to face her for his presence to fill the room — it was there, undeniable, almost tangible. He was dressed casually but with an effortless masculinity that commanded attention. A fitted dark jacket, a simple white shirt with rolled-up sleeves, and dark jeans — nothing extravagant, yet everything about him seemed intentional. His aura was a mixture of power and charm, and even with his back to her, it was hard not to feel its pull. Ramdam ni Alyanna ang biglaang pagbago ng atmosphere ng studio nila. It became knowingly warm yet powerful. Ayaw man niyang aminin, may kung anong hatak si Daniel na hindi niya mabaliwala at nagpapasikip ng dibdib niya. Hindi niya maintindihan na bakit tila nahihilo niya sa iba't ibang ideya na naglalaro sa isip niya tuwing nakikita ang lalaki. Don't fall for their tactics, Alyanna. Siguradong may binabalak ang lalaking iyang kung bakit narito siya ngayon sa harap mo. Marahang tumikhim si Alyanna para kunin ang atensyon ng lalaki. Saglit itong lumingon sa kaniya at mabilis na nagpaalam sa kausap. Isinuksok nito ang cellphone at naglakad palapit sa kaniya. Maging ang paglalakad nito ay napaka-suwabe sa mata ni Alyanna. Ngumiti ito sa kaniya. "Hi." Nipaikutan niya lang ito ng mata at humakbang palayo rito. She crossed her arms over her chest, daring him to test her patience. "Anong ginagawa mo rito?" "You visited me yesterday at my office. So, might as well visit yours." Inilibot nito ang tingin sa palibot ng studio nila. May mangilan-ngilan pang cake na natitira sa display counters nila pero mayamaya pa ay mauubos na rin iyon. Daniel seemed impressed to their cake designs but he said nothing. Tumigil ito sa gitna kung saan naka-display ang isang five-tier faux wedding cake — a masterpiece of elegance and precision. Each tier was coated in smooth, porcelain-white fondant, so flawless it reflected the soft overhead lights like satin. Delicate sugar lace cascaded down one side, mimicking the gentle drape of a bridal veil. "We are too busy right now. I don't have any spare time for you. You can go now." Iginaya niya ang kamay sa direksyon ng pintuan. "Oh, you're busy. Okay, I'll just wait here until you're done with your business today." He grabbed the nearest chair and comfortably sit down. He opened the brochure sitting on the table. It is showcasing their showstopper cake designs and inspirations for their clients. Marahas niya iyon hinablot sa lalaki. "I said, leave. Busy kami." "Stop repeating things that were well heard." "You heard, but your comprehension seemed to fail." "Just do your thing, and I'll do mine here. You don't need to worry, Alyanna. I know to keep my time busy and productive while waiting for you." Nasapo ni Alyanna ang sarili. Kuhang-kuha na naman agad nito ang inis niya. "Ano ba talaga kailangan mo, ha?" Pero imbes na sagutin siya ay itinuro nito ang upuan sa harap nito, asking her to sit. Wala na siyang nagawa kundi umupo roon. Para matapos na ang lahat. Para umalis na ito sa harap niya. "Your Dad asked me to visit you here." "For?" "Well, he saw you storming out of my office yesterday. He has an idea that you came to my office to ask me to cancel the wedding. At, hindi 'yon nagustuhan ng Dad mo." "Ask me also kung gusto ko rin ba ang pangingialam niyo sa buhay ko." "You're very transparent about hating this marriage, but just to give you an idea, I also don't like marrying someone I don't know." "Exactly. Iyan ang pulit-ulit kong sinasabi sa 'yo. So, just call it off and go our separate ways. In this situation, ikaw lang ang may kakayahan na pigilan ang kalokohan ng mga ama natin. Tito Franco won't take it to heart if you disobeyed him." "He will accept it if I call it off, but your father won't. Hindi mo gugustuhin na kontrahin ang ama mo, Alyanna. Baka magising ka na lang isang araw, kasal na tayo at nasa iisang bubong na tayo." Hindi na magugulat si Alyanna kung ganoon nga ang gawin ng ama niya. Kilala niya ang ama, hindi ito papayag na anak niya mismo ang sasalungat sa desisyon nito, ang kokontra sa ambisyon nitong mas makilala pa sa film industry. "So, ano ngayon? Anong gagawin ko? Hintayin na lang ang araw ng kasal natin?" nang-uuyam na sagot niya rito. "I have a proposal to you," he said, his voice calm but firm. Kinabahan siya sa sinanbi ng lalaki. Nararamdaman niyang hindi niya magugustuhan ang mga susunod na sasabihin nito. "I'm declining it," matigas na saad niya sa lalaki. "I object." "Hindi mo pa naririnig ang sasabihin ko." "Kahit sabihin mo pa 'yan, hindi pa rin ako papayag. Alam kung advantage lang ninyo ang ipo-propose mo." Daniel sighed, losing his temper. "Your Dad did suggest it, but I want to do this on my way." "I'm done with this." she snapped. "Please see yourself out." "I still wish I had Jessica with me. She's the only woman I want to marry in this lifetime. Siya lang ang nakikita kong kasama ko hanggang sa pagtanda ko. Jessica made me the man I am today. Kung hindi siya dumating sa buhay ko, baka katulad din ako ng mga ama natin na pera at ambisyon lang ang nagpapatakbo ng buhay ko. My life after her passing was the slowest and darkest years of my life. No matter how I looked for her at the crowd, I can't see her. I can't see any of her remnants. And marrying you won't make any significant change, Alyanna. I lost Jessica. I lost the woman I love the most." Hindi inaasahan ni Alyanna ang mga salitang iyon galing sa lalaki. Walang mababakas sa boses nito maliban sa pangungulila sa isang taong wala sa hinagap nito ay mawawala rito sa pinakamasakit na paraan. Naiwan pa rin sa Daniel sa lugar at oras na nawala rito ang babae. Hindi makausad, hindi makalimot. "I'm so sorry," nakokonsensyang bulong niya kay Daniel. "I'm sorry I used Jessica yesterday. I know she was your bottom line." Tumingin ito sa kaniya. May lamlam ang mga mata nito at kita niya ang kaunting vulnerability nito pagdating kay Jessica. Si Daniel ang isa sa mga lalaking nakilala niya handang magpakita ng kahinaan pagdating sa pag-ibig. It doesn't make him less of a guy, but make him a true man. "Convince me that marrying you is like cheating on Jessica. Make me believe Jessica's still out there somewhere... waiting for me with that same loyal heart. Help me remember the promises I had with her. Because with each passing day, I'm slowly forgetting just how sweet and innocent she truly was. May parte sa isip niya na gustong yakapin ang lalaki. Wala siyang karanasan sa relasyon at lalong hindi niya naranasan ang mawalan ng taong minamahal. Hindi niya siguro maiintindihan kung gaano kalalim ang iniwang sakit na iyon sa buhay ng lalaki. Gusto niyang iparamdam dito na kahit may hindi sila pinagkakasunduan sa ngayon ay hindi niya gustong makita ito na nalulunod sa pangungulila at lungkot sa nakaraan. A part of her wants to share some light and hope to Daniel. "What do you want me to do?" Nag-ugpong ang mga mata nilang dalawa. Tahimik lang na nag-uusap ang mga mata nila at inaarok ang kung anumang nais makita sa likod ng mga mata ng bawat isa. Daniel had the saddest eyes she had ever seen in her life. "Stay with me, Alyanna. Live with me." "What?!" "Live with me, Alyanna. Help me remember Jessica in her prime days."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD