Natigalgal si Alyanna sa sinabi ni Daniel sa kaniya. Ano raw? Live with me? Nasisiraan na nga yata ng ulo ang kaharap niya.
"Gago ka ba? Hindi ako makikipag-live sa 'yo, Mr. Alvares!" singhal niya sa lalaki. Tinipon ni Alyanna ang natitirang pagtitimpi sa katawan dahil baka sunod niyang makita sa harap niya ay nakahandusay na ito sa sahig.
"Look, Alyanna. I am not suggesting this to insult you---"
"You are insulting me, Daniel. And I am slowly losing my control here not to kill you."
"It’s just for two months. Dalawang buwan lang ang hinihingi ko sa’yo. At kung sa loob ng dalawang buwang ‘yon ay matulungan mo ako na piliin lagi si Jessica, ako na mismo ang magsasabi kay Tito na umuurong na ako sa kasal nating dalawa. Sisiguraduhin ko rin na kailanman, hindi na niya pakikialaman ang mga desisyon mo sa buhay. You’ll have the freedom to choose — to live your life the way you want. And I will love Jessica silently and peacefully."
Alyanna stared at him, unable to speak for a moment.
Two months.
Just two months. And she’d be free? But at what cost?
Her chest tightened. Hindi lang ito basta kasunduan. Hindi lang ito simpleng usapang kontrata. Sa loob ng dalawang buwan, kailangan niyang sabayan si Daniel sa laban na hindi naman talaga kanya. Kailangan niyang harapin ang multo ng isang babaeng hindi man lang niya personal na nakilala.
She swallowed hard.
Was she really willing to walk into a house that still whispered another woman’s name?
And yet… the thought of freedom — real freedom — tugged at her like a cruel promise.
Was this a chance to escape? Or another trap disguised as mercy?
"Hindi mo kailangan na magdesisyon agad, Alyanna. Take your time. Sort your thoughts." Dinukoy nito ang pitaka sa bulsa at nilapag sa mesa ang isang papel. Nakasulat dito ang isang address. "Kapag nakapag desisyon ka na, puntahan mo lang ako sa lugar na iya. I'll wait for you, Alyanna. Don't take too long to visit me," saad nito bago tuluyang umalis sa harap niya.
Banayad na nagsara ang pinto ng studio nila na para bang hindi siya iniwanan ng panibagong problema ng lalaki.
Alyanna stared at the small piece of paper on the table, too scared to reach for it — or to ignore it completely. It was jus a simple note, and yet it felt like an invitation to a place she wasn't ready to go, much less live in.
Kahit anong maging desisyon niya, isa lang ang sigurado: may Daniel siyang makakasama sa iisang bahay. Pero 'di hamak na mas maikli ang dalawang buwan na hinihingi nito kumpara sa maaaring itagal oras na makasal silang dalawa.
Kakayanin niya ba iyon?
Mahaba-haba rin ang dalawang buwan—marami ang puwede mangyari sa pagitan nila. Marami siyang malalaman tungkol sa lalaki. Marami siyang maririnig na mga kuwentong tanging ang mga ito lamang ang nakakaalam. Handa ba siyang marinig at malaman ang mga iyon?
May parte sa loob ni Alyanna na gusto niyang mas makilala pa ang dalawa, lalo na no'ong panahong "nagtago" ito sa mga tao at walang nakakaalam kung nasaang lupalop ito ng mundo. He took four years before showing up to the public. And that four years might felt like a century to a shattered and grieving man.
Pero may parte rin sa kaniya na natatakot makasama ang lalaki sa iisang bubong. Natatakot siyang may mabuksan silang pinto na matagal na niyang sinara at kinalimutan. Natatakot siyang maalala nito na hawak nito ang susi para buksan at hukayin ang mga bagay na nakabaon doon.
Ako yata ang unang mababaliw sa kanila.
****
Pagtapos ng trabaho nila sa studio ay nagyaya si Alyanna na mag-bar. Matagal na rin noong huling nag-unwind sila sa bar. Pinagbawalan din si ng Daddy niya na mag-bar dahil sa drunk driving incident na kinasasangkutan niya noong huling pagpunta niya sa ganitong lugar. Pero ngayon ay hindi siya magpapadikta sa ama. Magba-bar siya at magpapakalunod siya sa alak ngayong gabi. Gusto niya munang ipagpahinga ang utak at huwag isipin ang kalokohan ni Daniel.
It was already past ten in the evening and that only made the club more livelier with flashing lights and pulsating beats around the place. Everyone was drunk and drowning themselves with alcohol for whatever reasons they have. Some couples are getting bolder and dirtier as they dance with the music and under influence of alcohol, not worrying what will be the consequence of their actions. They have the liberty she was dreaming she have too.
Beside her, Yoona and Janette were chattering, their laughter easily into the chaos around them. Some tried to ask them to dance on the dance floor with them, but they declined it. Pero siya, tahimik lang na nilulunod ang sarili sa pait ng alak.
"Another Tequilla, please," sabi niya sa bartender sa harap niya at agad iyon na tumalima.
Lumapit sa kaniya si Yoona at nilakasan ang boses para maintinidihan ang sasabihin. "Don't drink too much, Aly. Baka mapahamak ka na naman sa sobrang kalasingan mo!"
Napairap siya pero sinubukan pa ring ngumiti.
Inabot niya ang bagong basong nilapag sa harap niya. Natapon ang ibang laman niyon habang inaangat ang baso. Tinangkang agawin sa kaniya ang alak pero sinamaan niya ng tingin ang mga ito. Walang nagawa kung 'di hayaan siyang inumin iyon. Sinimot niya ang laman ng baso, pinikit ang mata nang sumirit sa lalamunan niya ang init na inuming iyon.
"I'm fine, Yoona. I can handle myself." Her voice was cold and bitter, just like her drinks.
Umiling si Janette, halatang hindi kumbinsido sa kaniya. "That’s what you said the last time. Tapos kaming dalawa ni Janette ‘yung pinagpyestahan sa social media dahil sa'yo. Ayoko nang maulit ‘yon."
Umikot ang paningin ni Alyanna. Tinatamaan na siya ng alak. Hindi niya na matandaan kung naka-ilang order na ba siya ng Tequilla. Nasapo niya ang ulo at marahang hinilot ang sentido. Dumaragdag sa sakit ng ulo niya ang malakas na tugtog sa lugar na iyon. "Shit."
"Halika ka na. Wala ka sa kondisyon para uminom ng matatapang na alak."
"No, kaya ko pa."
"Hindi mo na kaya. Halika na," pagmamatigas ni Janette. Inalalayan na siya ng dalawa patayo. Mas lalo siyang nahilo sa pwersahang pagpatayo ng mga ito sa kaniya. Hindi na rin siya nanlaban pa. Alam niyang naabot niya na ang limit niya sa alak.
Akay-akay siya ng dalawa hanggang sa makarating sila ng parking. Pinasok siya nito sa passenger seat.
"Hindi na namin alam kung paano ka tutulungan, Aly," ani Yoona.
Naikuwento na rin niya rito ang buong nangyari simula noong malaman niya na ikakasal siya kay Daniel hanggang sa pag-uusapn nilang dalawa sa studio kanina. Maging ito ay hindi makapaniwala sa proposal kanina ng lalaki. Ano nga bang sense ng pagsasama nilang dalawa sa iisang bubong para umurong sa kasal nila? P'wede naman nito sabihin sa Dad niya na hindi pa nito nakakalimutan si Jessica at wala itong balak na palitan ng ibang babae sa buhay niya. Ganoon lang iyon kasipmle.
O, hindi?
"Ayoko ng maging si Alyanna, Yoona. Nakakapagod maging ako."
"I know. I know."
"Nasasakal na ako sa kamay ni Daddy. Si Mommy naman hindi man lang ako maipagtanggol kay Daddy. Sunud-sunuran lang siya sa asawa niya, 'di baleng mabaliwala niya ang sarili niyang anak," naiiyak na sabi ni Alyanna.
Alyanna couldn’t remember a single moment in her life when her mother stood up for her. Whatever her father decided, whatever he said — it was law. No questions. No protests. Not even a whisper of defense from them. Kaya ganoon na lamang din ang tampo niya sa sariling ina na maging ito ay walang ginawa para kausapin ang ama tungkol sa arranged marriage niya. Ang Mom pa naman niya ang nagsabi sa kaniya noong bata pa lang siya na huwag na huwag siyang magpapakasal kung hindi pa siya handa at desidido sa papasuking bagong yugto ng buhay niya. At kabilin-bilinan pa nito na dapat piliin niya 'yong lalaking mamahalin siya nang tama at tapat.
Sa tingin ba ng Mom niya ay si Daniel iyon? Siguro kung kay Jessica ay pasok na pasok ito sa mga sinabi ng ina niya. Pero sa kaniya, hindi man lang pasok sa banga ang lalaki.
Saka, hindi si Daniel ang pinapangarap niyang lalaki na mapapangasawa niya. Pinangako niya na hindi siya pipili ng lalaki na kaugali ng tatay niya.
Marahan na hinawakan siya ni Janette. Ramdam niya sa dalawang kaibigan ang pag-aalala at suport nito para sa kaniya. "Pero kung ano tatanungin mo, Aly, tatanggapin ko ang alok ni Daniel. Two months lang iyon. Isipin mo na lang may limang 8-tier cake kang misson sa buhay ni Daniel. Mabilis matapos ang two months kaysa maghintay sa araw na pwede ka makawala sa lalaking iyon oras na makasal kayo. After two months, clean slate na kayong dalawa. Wala na siyang habol sa 'yo, tapos ikaw makakalaya ka na sa kuko ng tatay mo."
"Ayon din ang nasa isip ko, Alyanna. Mas mapagkakatiwalaan mo ang mga salita ni Daniel, kaysa sa ama mo."
Bigla ay natigilan si Alyanna. Kung ikokompara sa tatay niya, may makukuha siya sa lalaki pagkatapos ng dalawang buwan.
"Kayanin mo ba ang dalawang buwan na 'yon? Iniisip ko pa lang na araw-araw ko siyang makikita, parang masisira na agad ang araw ko."
"Hindi mo siya maiiwasan, Alyanna. Pupunta ka roon para sa kaniya, at para na rin sa kalayaan mo. Kailangan mo siyang makita, kailangan mo siyang kilalanin. Kung natatakot kang mahulog ang loob kay Daniel, e 'di guwardiyahan mo na ang sarili ngayon pa lang."
"Hindi ako magkakagusto sa taong 'yon, okay? Para lang ako naghanap ng isa pang kawangis na ididikit ko sa buhay ko."
"Ayon naman pala, e. Confident ka na hindi ka magkakagusto sa kaliga ng tatay mo, there is nothing to worry about."
"Siguro, ang dapat mong mas alalahanin ay kung paano mo gagawin ang misyon mo nang magkakagusto sa 'yo si Daniel. Baka ikaw ang papalit sa puso ni Daniel, friend."
Kumirot ang sintedo ni Alyanna nang bigla siyang gumalaw para sana sabunutan ang dalawa niyang kaibigan.
"Aray. Tangina na 'yan." Inabutan siya ni Yoona ng frozen bottled water. Idinikit niya iyo sa ulo para maibsan ang p*******t niyo.
"Ayan kasi, ang dami mong ininom. May nalalaman ka pang "I can handle myself." Ano ka ngayon. Si Daniel lang 'yon, masyado kang nagpapaapekto sa lalaki."
Nang maibsan ang sakit ay mahina nyang hinablot ang mga buhok ng dalawa. "Kilabutan kayo sa mga sinasabi niyo. Ayokong makipagkompitinsya sa isang multo. Saka, 'di ba, sabi ko sa inyo, crossed out na pangalan ni Daniel sa p'wede kong magustuhan at pakasalan."
"E, sino naman 'yon, 'yung taong hindi mo maalala kung ano hitsura at pangalan? Nakipagharutan ka lang yata sa multo sa two years ago, e."
Hindi na sumagot si Alyanna at nagkunwaring namimilipit na sa sakit ng ulo.
Ayaw niya ng pahabain pa ang usapan nila, lalo na tungkol sa taong iyon.
Dahil kahit siya ay hindi niya maipagtatanggol ang taong iyon sa dalawang kaibigan.
Nasa byahe na sila pauwi nang may na-realize si Alyanna:
Pareho lang sila ni Daniel hindi makalimot sa multo na dumaan sa buhay nila.