bc

Husband for Hire Series: ANGELO MAGSAYSAY, The Charming Husbando (Tagalog / Filipino)

book_age16+
900
FOLLOW
3.6K
READ
billionaire
contract marriage
second chance
arrogant
dare to love and hate
sweet
lighthearted
ambitious
witty
first love
like
intro-logo
Blurb

Being one of the top agents of RnJ Husband Services, a high-end husband for hire agency, is Miracle's main priority until she met the man she hated the most, her gorgeous-chinito, Greek God ex-boyfriend na si Angelo Magsaysay.

Pagkatapos maisara ang transaction ng kliyente niyang pumili kay Angelo bilang husbando nito, she went on to live her life as if nothing happened... well, almost! Until that kiss Angelo stole from her while they were inside the elevator to send him off to his new wife!

Pero sadya yatang mapaglaro ang tadhana dahil halos katatapos lang ng kontrata ni Angelo ikatlo nitong 'wifey' ay ang binata na naman ang napili ng bagong kliyente niya... only this time, it's not for her client... but for her.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
NAGULANTANG si Miracle mula sa malalim na pagkakatulog nang umalingawngaw sa apat na sulok ng kuwarto niya ang pagtunog ng cellphone niya. Pupungas-pungas niyang kinuha ang kaniyang telepono na nasa ibabaw ng lamesa na sa gilid ng kama niya. Bahagya pa siyang napangiti nang mabasa sa screen kung sino ang caller niya. “Mamita!” sagot niya sa telepono habang nakahiga pa rin. “Did I wake you up, darling?” maarteng tanong ng mentor niya sa pagiging Field Agent sa RnJ Services na si Facundo. Kung hindi ito magsasalita, paniguradong marami itong mabibiktimang kalahi ni Eba dahil bagama’t nasa forties na ang edad nito ay macho-guwapito pa rin ito. Si Facundo ang itinuturing niyang guardian angel niya sa mga panahong lugmok na lugmok na siya. Facundo helped her in so many ways, hindi lang sa pinansyal, kundi mas higit sa emosyonal. Ito rin ang dahilan kung bakit siya nakapasok sa mga raket niya noong hindi pa siya nito kinukuhang field agent sa RnJ Husband Services. Sa tagal ng panahong magkaibigan sila, si Facundo ang naging pinakamalapit na kaibigan niya na nakakaalam nang lahat-lahat sa kaniya… na sa likod ng mga ngiting palagi niyang ibinabalandra sa mga kliyente niya at sa mga kasamahan niya sa trabaho, ay isang babaeng malungkot at nangungulila sa pagmamahal. “I was about to wake up na rin, Mamita,” aniya saka tiningnan ang alarm clock na nasa side table ng higaan niya. “Hala! Mag-aala-una na pala!” gulat niyang turan saka bumangon at nag-inat. “Sama ka sa ‘kin mamaya,” bigla ay yakag ni Facundo sa kaniya saka niya narinig ang pagtawag ng kung sino sa pangalan nito. “Gotta go, darling. Basta susunduin kita sa condo mo mamayang six. Wear that pink cocktail gown I gave you, okay?” anito at saka ibinaba ang telepono kahit hindi pa man siya nakakasagot. She then put her cellphone on the bed side table then stretched by putting her hands together and raised it above her head. “Hay, katamad!” sambit niya bago siya nagpasyang tumayo na mula sa kama. Nagpakawala siya ng hininga nang sa pagpihit niya ay magisnan niya ang portrait na nakasandal sa gilid ng tokador niya nang ilagay niya ang mga gamit na nasa storage room at ilagay isa-isa sa mga kahon. It’s been months since she removed it from the wall just above her bed but the short memories still linger on her. She bit her lower lip and once again heaved a deep sigh. She’s done crying. She’s done over-thinking. Sasaktan lang at pahihirapan niya lang ang sarili niya kung paulit-ulit niyang babalikan ang kaniyang nakaraan. Napukaw lang ang pagmumuni-muni niya nang marinig niya ang pagkalam ng sikmura niya. Hindi pa nga pala siya kumain ng hapunan kagabi dahil sa pag-eempake ng mga gamit niya at nang dahil sa pagod ay hinila na rin siya ng antok kagabi. She left her room and headed to the kitchen and opened the ref. Bukod-tanging gatas at tubig lang ang naroon sa loob niyon. She then went to check the cupboard. May ilan pang instant cup noodles at cereal ang naroon. Kinuha niya ang isang bukas nang kahon ng cornflakes bago siya bumalik sa ref at kinuha ang gatas bago iyon ipinatong sa counter bar na nasa gitna ng maliit na kusina ng condo niya. She’ll have another boring cereal, but this time, for lunch. Kumuha siya ng tasa at saka umupo sa bar stool at nagsimulang kumain. Nakapangalumbaba pa siyang kumain at makailang beses na naghikab. Sa totoo lang, tinatamad na siyang magkikilos this past few days knowing that she has only one week in Manila. She just finished her tenure as a field agent in RnJ Services two days ago and she had to give up her part-time jobs as well para mas makapagpahinga bago siya bago siya umuwi ng Pangasinan for a tougher job. Siguradong doon, hindi na siya makakapagpahinga ng tulad ngayon. “LOVELY!” nakangiting puri kaagad kay Miracle ni Facundo nang pagbuksan niya ito ng pintuan. Hinawakan pa siya nito sa kamay at iniikot papasok sa loob ng condo. “Hmm, but I need to fix your makeup though,” dugtong nito matapos siyang pagmasdan pagkatigil niya sa harap nito. “Saan ba kasi tayo pupunta, ha?” Nakataas ang kilay na tiningnan niya rin ang lalaki. He was wearing a black suit and pink inner polo at siyempre, mawawala ba naman ang signature fuchsia-pink necktie nito? Imbis na sagutin ay hinila siya nito papasok pagkasarado niya ng front door at saka sila nagdiretso sa kuwarto niya bago siya nito pinaupo sa harap ng dresser niya. “Hmmm, lip tint, baby powder, lip balm…” Nagpamaywang ito saka siya tiningnan sa salamin habng iiling-iling. “I told you to buy makeup, ‘di ba? Hay naku, kung alam ko lang, dinagdagan ko ng makeup kit ang pa-farewell gift ko sa iyo.” “I will not use it anyway, mamita. Sayang ang pera,” katwiran niya. Bumuntong-hininga na lang ito saka kinuha ang suklay sa ibabaw ng dresser niya at saka siya inayusan ng buhok. “Hairpin,” utos nito sa kaniya n amabilis niya namang iniabot dito. Makalipas ang ilang sandali ay, voila! Para na siyang isang prinsesa sa ayos ng buhok niya. Hindi niya lang alam kung paano nagawa ni Facundo magic sa buhok niya sa pamamagitan lang ng hairpins! “Wow! As in, wow!” manghang sambit niya saka ito tiningala. “You’re really the magician of hair and makeup!” komento niya na sinagot nito ng halakhak. “Let’s go, darling.” Tinapik siya nito sa balikat saka siya inalalayan sa pagtayo. MIRACLE was caught off-guard nang sa Hermes Hotel siya dalhin ni Facundo at nagdiretso sila sa Ballroom kung saan ito napapalamutian ng pink at white flowers and decorations. Sa stage ay may dalawang upuan na nakasulat na T at R at may nakadikit na kurbang puso sa stage wall. It was a wedding reception! Kung alam niya lang na formal wedding iyon, nuncang sumama siya kay Facundo! Kaya nga nitong mga nakaraang buwan ay hindi na niya pinapatos ang mga kasalan sa Hermes Hotel kahit pa nga malaki palagi ang nadidilehensya niya sa ganoong okasyon dahil na rin sa tips. “I know… I know…” nakakaintindi namang bulong ni Facundo nang mahagip ng mata nito ang pagsimangot niya. “I just wanted to see you wear that gown kaya kita in-invite, okay? Cheer up na, darling, and we’ll enjoy the evening,” dugtong nito saka siya hinila patungo sa round table na nakatoka sa kanila. Wala pang gaanong bisita ang naroon kaya pahapyaw na ikinuwento sa kaniya ni Facundo kung sino ang ikakasal. “Wow, at least sila, may happy ending. Who would have thought that they will end up with a real marriage?” pabulong na komento niya nang malaman niyang dating kliyente ni Facundo ang ikakasal na babae at isang dating hunk naman ang lalaki. The event was a successful one batay na rin sa hitsura ng mga bagong kasal. He knew the husbando pero hindi pa niya ito naka-trabaho. Habang pinagmamasdan niya ang bagong-kasla, hindi niya tuloy naiwasang mainggit. ‘Why do I have to feel this way? Bakit kailangan kong masaktan kapag nakakakita ako ng masasayang magka-partner? Ganito na ba talaga ako ka-bitter?’ anas ng isip niya habang nakatitig sa mga bagong kasal. Bigla niyang pinunasan ang luhang namilibis sa pisngi niya saka tinungga ang wine na tangan niya. Hindi na rin niya namalayan na nakailang inom na siya ng alak simula nang umalis pansamantala si Facundo. ‘Move on, Mira. You did it once, makakaya mo ulit siyang kalimutan.’ Sumighot siya saka tinawag ang waitress at nanghingi pa siya ng isa pang baso ng alak. “Okay ka lang ba, Mira?” concern na tanong nito sa kaniya. “Nakakarami ka na, ah.” “Okay lang, Mimi. Sinasamantala ko lang. Libre, eh,” pagkakaila niya saka niya iyon sinundan ng paghagikhik. “Last na ‘to, ha? Baka kung ano pa ang mangyari sa iyo, eh,” anito saka ipinatong ang kopita ng red wine sa harap niya matapos niyang tumango. Makalipas ang ilang minuto, habang nilalaro-laro niya ang laman ng kopita ay nabigla na lang siya nang biglang may kumuha sa tangan niya. “What the—” Hindi na niya naituloy ang pagkagalit nang umupo sa tabi niya si Facundo at nag-aalala siyang tiningnan. “Ano ba, darling? Saglit lang akong nalingat, naglasing ka na agad?” Pumalatak pa ito saka siya pinagmasdang maigi. “You’re drunk. Halika, iuuwi na kita!” anito saka siya hinila patayo. “Not yet, mamita. Nag-eenjoy pa ako, eh,” pigil niya naman dito saka niya tinangkang muling kuhanin ang kopita ng alak ngunit mabilis siya nitong napigilan. “Na-ah, darling! You’re going home now,” anito saka siya niyayang tuluyang lisanin hotel. “Mamita…” tawag niya kay Facundo habang nakasandal siya sa front seat ng sasakyan nito. Nakapikit na siya dahil hinihila na siya ng antok sanhi ng alak na nainom niya. “Hmmm?” tanging usal lang ni Facundo habang ang mata ay nakatutok sa daan. “Bakit wala yata talaga akong swerte sa kahit na ano? Siguro, makasalanan ako sa dati kong buhay kaya ngayon, pinaparusahan ako ng Diyos,” medyo bulol pa niyang pahayag. Naramdaman niya ang pagtigil ng sasakyan kaya siya bahagyang nagmulat. The traffic light was red. “How about me? Hindi ba sabi mo, ako ang guardian angel mo?” amused na tugon ni Facundo habang nakatingin sa kaniya. Mapait siyang ngumiti. Oo nga pala… there were people who have been good to her… why did she even forget about them? “Sorry…” aniya saka niya muling ipinikit ang mga mata niya. Makalipas ang ilang minuto ay muling tumigil ang sasakyan saka siya bahagyang niyugogyog ni Facundo. “Darling… darling, we’re here,” anito saka pinatay ang makina at tinanggal ang pagkaka-seatbelt nito bago isinunod na tanggalin ang seat belt niya bago umibis ng sasakyan. “Let’s go,” anito pagkabukas ng pintuan sa gawi niya saka siya inalalayang tumayo. Liyong-liyo siya but not to the extent of throwing up. “Ayan kasi, inom nang inom. Hay naku,” pumapalatak na sambit ni Facundo habang halos buhatin na siya nito. Kung totoong lalaki lang siguro ito at dahil na rin sa laki ng katawan nito, paniguradong inilambitin na siya nito sa mga balikat nito, but of course, mas babae pa ito sa kaniya kaya hindi nito iyon magagawa lalo at maraming mga naggagandahang lalaki sa condominium building na tinutuluyan niya. Pagkalabas nila ng elevator ay napamulat siya nang marinig ang pagsinghap ni Facundo saka ang bahagya nitong pagtigil sa paglalakad. “M-Mira…” tawag nito sa kaniya na ikinakunot ng noo niya. Hindi pa man siya nakakapagtanong ay bigla niyang narinig ang pagtawag sa pangalan niya. The voice she never forgot… not even once. Naramadaman niya ang bilis ng pagsikdo ng dibdib niya bago siya nag-angat ng mukha at tiningnan ang direksyon na pinagmulan ng boses. But to her disappointment, Angelo was not alone. She bit her lower lip and suppressed her cry. Masakit pa rin pala. Hanggang ngayon, parang pinipiga pa rin ang puso niya. He already lost him twice pero hanggang ngayon, nasasaktan pa rin siya… hindi pa rin niya matanggap na kahit kailan siguro ay hindi na magiging kaniya ang binata.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Wife's Secret (Tagalog) COMPLETED

read
8.8M
bc

Surrender (Boy Next Door 2)

read
4.0M
bc

Oasis (Boy Next Door 1)

read
2.9M
bc

Stained (Boy Next Door 3)

read
4.9M
bc

Reckless Hearts

read
256.3K
bc

Married To A Billionaire

read
1.0M
bc

ARROGANT PLAYBOY NIKOLAI MONTEMAYOR( Tagalog )

read
166.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook