CHAPTER 2

1407 Words
“GELO,” untag kay Angelo ng kababatang si Dominador. Kasalukuyan silang nagpapahinga sa papag pagkatapos nilang inspeksyunin ang bagong ararong linang. Kamakailan lang kasi ay nagpatubig sila upang masimulan na ang pagtatanim ng palay na naudlot dahil sa nakaraang El Niño. Hindi sana siya mangingialam sa hacienda ng kaniyang abuelo kung hindi lang nakiusap mismo sa kaniya si Tatay Apolonio, ang ama ni Dominador at pinagkakatiwalaan ng lolo niya na pansamantalang mangasiwa sa hacienda. Sinundan niya ng tingin ang direksyon na inginuso ng kababata saka siya napabuntong-hininga nang makitang papalapit sa kanila ang abuelo na sakay ng paborito nitong stallion kasama si Tatay Apolonio na sakay naman ng isa pang kabayo. Kapwa sila tumayo ni Dominador at saka sinalubong ang dalawang matanda. “Lo,” bati niya sa abuelo saka lumapit sa matanda at nagmano. “’Tay,” bati at pagmano niya rin sa tatay ni Dominador na itinuring niyang pangalawang ama kahit noong nabubuhay pa ang papa niya. Bumaba si Tatay Apolonio mula sa kabayo saka siya masuyong tinapik sa balikat bago ibinigay sa kaniya ang renda ng kabayo. “Kayo na pong sumakay diyan, ‘tay,” aniya saka muling iniabot ang renda sa matanda. “Sige na, Gelo,” giit nito saka sila kapwa napabaling kay Don Solomon nang tumikhim ito. “We need to talk,” authoritative na sambit ng Lolo Solomon niya. Bago pa man siya makapagtanong ay binigyan na siya ng makahulugang tingin ni Tatay Apolonio, warning na huwag na siyang tumanggi pa. Nagpakawala siyang muli ng hininga saka walang-kibong umakyat sa kabayo at sinabayan ang abuelo. Binagtas ng lolo niya ang daan patungo sa gawi ng mga punong-mangga sa bandang hilaga na ang tinutumpok ay isang talon. Nang tumigil ito sa tapat ng pinakamalaking punong-mangga ay tumigil rin siya at saka pinaharap ang kabayo sa gawi nito. “I want you to work here for good, Angelo,” hindi pa man siya nakapagtatanong ay wika nito sa paraang mariin at pinal. “Lolo, hindi ko pa po kaya,” pag-amin niya. Managing the whole hacienda is a huge responsibility for him and he’s still not ready for that. Iyon nga ang isa sa mga dahilan kung bakit nagpursige siya na matapos ang kursong Agriculture para mas malawak pa ang matutunan niya. He is aware that sooner or later, he will have to face that responsibility but he knows his capability and limitations, at sa ngayon, hilaw pa siya kung baga sa prutas. He just graduated from college last year and currently working at the Department of Agriculture for few months. Hindi pa sapat ang nalalaman niya para pasanin ang responsibilidad na pangalagaan ang hacienda na pinaunlad ng angkan nila. “I know, that's why I am asking you to stay here and I will teach you,” paliwanag nito. “Pero, ‘lo, working in the government will be beneficial to me and to the hacienda later on. The connections, the knowledge—” Pinutol nito ang sinasabi niya nang umiling ito. “Practical knowledge is more important in running the hacienda, hijo. We already have connections inside and outside the government. And the knowledge…” Don Solomon chuckled then raised his hands in the air. “Mayroon pa bang tatalo sa nalaman ko kung papapaano patatakbuhin nang maayos ang hacienda?” mayabang ngunit may puntong pahayag nito. “That's not what I mean, ‘lo…” Nauubusan na siya ng ikakatwiran sa abuelo niya. Matiim siyang tinitigan nito. Tila ba nanunuri at naninimbang. “Then, convince me, Angelo. Kumbinsihin mo ako na huwag ka munang bigyan ng dahilan na manatili dito sa hacienda. Na hayaan ka sa labas pansamantala…” pahayag nito sa seryosong paraan. Now he knows, his old man really means business. Humugot siya ng hininga. This will be his last straw. “I don't want to disappoint you, ‘lo. I don't want to fail,” tiim-bagang at puno ng emosyon na sambit niya. And it was effective… somehow. Nakita niyang lumambot ang mukha ng abuelo niya pagdaka’y tumango-tango. His old man then released a sharp exhale while still staring at him. “Fine. I'll give you two years,” pinal na sabi nito saka iginiya ang kabayo na muling umabante. Noon lang siya nakahinga nang maluwag saka nakangising sinundan ang lolo niya. *** NAPUKAW ang atensyon ni Angelo nang malakas na bumusina ang sasakyan na kasunod niya. Kaagad na nagbalik ang isip niya sa kasalukuyan matapos ang matagal na pagtitig sa South East State University gate kung saan siya nag-college. Ipinilig niya ang ulo saka ipinasok ang sasakyan sa loob nag-park malapit sa College of Agricultural Sciences and Natural Resources Building. Dalawang taon na ang nakararaan mula nang g-um-raduate siya sa unibersidad na iyon. Ganoong katagal na rin niya iniiwasang mapadako sa gawing iyon ng Maynila. Humugot siya ng hininga at saka lumabas ng sasakyan. Kung hindi nga lang siya personal na tinawagan at inimbitahan ng professor niya dati ay hindi na talaga siya aapak sa unibersidad na iyon. Bukod kasi sa maraming alaala doon ang gusto niya nang ibaon sa limot at ayaw niyang muling magsanga ang landas nila ng babaeng nanloko sa kaniya. Kinuha niya ang knapsack niya at saka ini-lock ang sasakyan bago naglakad papasok sa building. With his towering height of six feet, tanned and rough skin, well-defined body plus with his rugged and dashing aura, lahat talaga ay mapapalingon oras na dumaan siya. Nasanay na rin siya na palaging pinagtitinginan ng mga tao, bagay na minsan ay kinaiinisan niya dahil hangga't maaari kasi, gusto niya, nasa sideline lang siya. Iyong hindi masyadong mapupuna lalo kung may pinagtataguan siya. Ibinaba pa niya hanggang sa may kilay ang suot niyang itim na cap saka siya tumungo habang papaakyat sa hagdan patungo sa seccond floor kung saan naroon ang faculty’s lounge. Wala nang masyadong estudyante sa loob ng building, marahil ay dahil simula na ng bakasyon at ang iba siguro ay nagkukumpleto pa ng mga requirements. Ngunit nanlaki ang mga mata niya nang sa pag-angat ng mukha niya ay nakita niya ang pamilyar na tao na noon ay pababa ng hagdan at makakasalubong niya. Maging ito ay nagulat at panandalian siyang tinitigan. Ngunit hindi rin naglipat-saglit, bagama't alanganin ay lumapit ito sa kaniya. “Kuya Angelo!” bati nito sa kaniya at saka siya magiliw na niyakap. Nabigla man ay gumanti rin siya ng yakap sa binatang mababa lang siguro sa kaniya ng isa o dalawang pulgada. “It's nice to see you again, kuya! Anong ginagawa mo rito?” Bakas ang saya sa mata ng binata. Nag-alis siya ng bikig sa lalamunan saka gumanti ng ngiti. “Ah, may meeting lang sa dati kong professor,” pakli niya. “Ah, ganoon ba? Eh, anong oras kaya kayo matatapos?” usisa nito saka tumingin sa relo. “Not sure…” alanganin niyang tugon saka tiningnan ang binata na para bang may gustong sabihin. “Wait,” aniya saka niya inabot ang bitbit nitong notebook bago niya kinuha sa bulsa ng knapsack niya ang ballpen niya. “Give me your number. I'll call you when I’m done.” Ngumiti ito saka sinabi sa kaniya ang number nito. Pinunit niya ang pahina saka inilagay sa bulsa niya. “Wait, kuya. Give me your number as well,” nakangiting sambit nito. “Okay,” aniya saka isinulat ang numero niya sa likod ng notebook nito. Magsasalita pa sana siya nang marinig niya ang pagtawag ng dati niyang professor sa kaniya. Kinawayan niya ito saka muling bumaling sa binata. “Gotta go. I'll call you later, okay?”  nakangiting sabi niya saka tinapik ang balikat nito. “Nice to see you, Aaron,” sinserong patuloy niya saka tumalikod. “Kuya…” muling tawag sa kaniya ni Aaron saka ngumiti sa kaniya. “Graduation ni Ate Mira mamaya… baka hindi ko masagot ang tawag mo,” anito na saglit na ikinamaang niya. Ngumiti ito sa kaniya saka kumaway. “Tawagan na lang kita, kuya, ha,” patiloy nito saka kumaway sa kaniya at nagmamadaling bumaba ng hagdan. Pansumandali siyang tila nawala sa sarili. Pakiramdam niya ay nawalan siya ng hangin sa dibdib at may kumintil sa puso niya… Hanggang ngayon pala, naroon pa rin ang sakit. Hanggang ngayon pa rin pala, ‘di pa rin niya nalilimutan ang hapdi na dulot ng panloloko na ginawa ni Miracle sa kaniya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD