PROLOGUE
PROLOGUE:
Puting kisame ang sumilay sa akin ,nang libutin ko ang kabuan nito saka ko lang napagtanto na naririto ako sa hospital, pilit ko inaalala ang mga nangyari pero mukhang sariwa pa sa katawan ko ang lahat dahil buongbkatawan ko ay masakit ,na kahit ang ulo ko ay di ko maiwasan hindi sapuhin sa sobrang sakit,napansin agad ni Mom kaya dali dali ako nito nilapitan.
"Kierra anak!? Ok ka lang ba?" Mabilis na pag alo ni Mom sakin.
"Mom what happened? Bakit ako narito!?" Usisa ko,na pilit parin inaalala ang lahat.
"Anak magpahinga ka muna mamaya ko na ipapaliwanag!" Turan ni Mom kaya kahit naguguluhan ay sumunod ako.
Maya-Maya pa ay bumukas ang pinto at niluwa nito si Dad na labis din ang pag aalala,pero ng masilayan ako ay agad ito lumapit sakin.
"My Princess Kierra!? Ayos kana ba!?" Kalmadong usal nito.
"Dad ano po ba nangyari----!" Naudlot ang sasabihin ko ng unti unti kona naaalala ang nangyari.
"Kierra calm down! " Si Dad na napansin ang pagkabalisa ko.
"Da--d!! Did I kill her, Dad?" Garal-gal na tono ko,hindi ito umimik.
"Calm down Kierra !"
"Did i kill her ? Dad ,Mom answer me!? Nakapatay ako right? Napatay ko siya diba?" Paulit ulit na tanong ko lumapit naman si Mom para aluhin ako dahil hindi sinasagot ni Dad ang tanong ko.
"No Princess ,ok siya ! Kaya kumalma ka please!"
"Pero nakita ko ang ----No! no!!" Naiiyak na turan ko.
"Sssh, Stop Princess! Listen to me!" Si Dad na ngayon ay sinapo ang mukha ko.
"Everything is good! So please Princess calm down!" Sa sinabi ni Dad ay unti unti ako kumalma,inabutan naman ako ni Mom ng tubig.
Ilang saglit pa ay bumukas ang pinto sa pag aakala ko na siya na pero iba ang nasilayan ko, ang itsura nito ay labis ang pag aalala ng masilayan ako, naglakad ito papalapit kay Mom upang gumalang,pero bago pa ito magsalita ay inunahan na ito ni Dad.
"Maiwan muna namin kayo iho,may kailangan lang kame puntahan sa baba at ipaalam sa doctor niya na nagising na ang anak namin,ikaw muna ang magbantay sa kanya!" Usal ni Dad na kinatango nito.
Pagkaalis ni Dad at Mom,Napatingin ako sa paligid at hinahanap ang rebulto ng isang tao na alam kong magpapakalma sakin at umaasa kasama niya ito pero umaasa lang talaga ako sa wala .
Natigilan ako ng may humawak sa kamay ko at nang tignan ko ito ay nag aalala mga mata nito ang sumalubong saakin.
"Ok ka lang ba? May masakit ba sayo!?" Usisa nito ,umiling lang ako dahil naninibago ako sa inaasal niya.
"Masyado mo kame pinag alala huwag mo na uulitin iyon!" Dagdag pa nito na lalong kinataka ko imbis na magtanong ako ay mas pinili kong manahimik nalang.
Hindi rin naman ito nagtagal pagkarating nila Mom at Dad kasama ang dooctor ay nagpaalam narin ito lalo pa ng malaman nito na ok lang naman ang kalagayan ko.
Araw- araw ako nagbabaka sakali sa pagdating niya halos lumipas ang isang linggo ,ni kamusta ay di nito nagawa ni pagdalaw nga ay wala .
Sa ginagawa niyang ito nadadagdagan lang ang sakit sa puso ko dahil ni anino niya ay di ko man lang nasilayan siguro nga wala ako halaga sa kanya bakit ko nga ba ipipilit ang sarili ko ? Sapat na ito ang patunay na hindi ako mahalaga sa kanya at kahit kailangan hindi niya ako bibigyan ng puwang sa puso niya, masyado lang ako umasa sa kabaitan niya pero lahat lang ata ng iyon dahil sa little sister lang ang tingin nito saakin.
Mula ng magising ako ay lagi nalang ako dinadalaw ni Kuya Vlad ,sa katunayan ay gabi na ito umuuwi sa tuwing bibisita sa akin ,sa totoo lang hindi naman talaga maganda ang pakikitungo sakin nito noon, lagi kasi ito iwas o di kaya malamig ang pakikitungo sa akin hindi ko nga alam bakit ganito ang kinikilos niya ngayon.
Hanggang sa pag uwi ko sa bahay ay siya ang kasama ko nasasanay narin naman ako sa presensya niya lalo pa naging maalagain ito sa akin .
At ngayon ay Narito kame sa may hardin nila lolo, sa probinsya muna ako inuwi nila Dad dahil mas mabilis daw ako gagaling kung magagandang lugar at sariwang hangin ang makikita at malalanghap ko, hindi naman ako tumututol doon ,dahil pabor narin naman iyon saakin upang makapag isip -sip din ako kahit papaano.
Pinagpaalam ako ni Kuya Vlad ,kila Mom na ipapasyal niya ako at hindi ko inaasahan ang inihanda niyang maliit na sopresa ,para lang naman kame magpipicnic ,inalalayan niya ako paupo .
Napapikit ako at nilasap ang simoy ng hangin dahan-dahan ako nagmulat dahil sa pakiramdam ko na may nakamasid sa akin at hindi nga ako nagkamali dahil ng tignan ko ito ay seryoso ako nito pinagmamasdan,ng matauhan ay bigla naman ito umiwas ng tingin kaya naman napangiti ako dahil kita ko ang pamumula ng tenga nito.
"Ang cute mo pala pagnamumula ka!" Turan ko.
"Enough kierra!"
"Tss,pero Kuya Vlad salamat ah! " Turan ko.alam ko muli ito tumingin sakin habang ako pinagmamasdan ang magandang tanawin.
"Lagi ka nariyan nung mga panahong nagpapagaling ako,alam kong alam mo na hindi ganyan ang pakikitungo mo sakin,pero past na yun ang mahalaga ok naman talaga tayo!" Turan ko,hindi ito umimik sa halip ay pinagmasdan ang mga papalubog na araw.
Kaya bahagya ako sumulyap dito at napangiti ng mapait dahil sa kaisipang muli na namumutawi saakin.
"Hindi ikaw ang inaasahan kong tutulong at mag aalaga sakin pero narito ka, habang ang taong nais ko makita at makasama ay bigla nalang nawala na parang bula ,buti pa ang hangin nadarama ko kahit hindi ko man makita , at hindi ko man madalas maramdaman alam kong saglit ay mararamdaman ko muli, tulad lang din siya ng isang lobo na sa oras na mabitawan ko ay kusa itong lilipad at hindi ko na muli pang masisilayan at kung bumagsak man ito ay hindi na marahil saakin , alam kong hindi na ito babalik pang muli kaya masakit man ay pilit kong nilalabanan ang sakit , dahil ayoko dumating sa punto na labis lang ako masasaktan habang siya ay walang pakielam, sino nga ba naman ako para kanyang intindihin ? Na noon pa man ay ako na itong nagpupumilit at nang hihingi ng pansin, marahil ito na ang hudyat upang palayain ang pakiramdam na sa tingin ko kahit sa panaginip ay hindi man lang masusuklian!".