CHAPTER 1 ; MULING PAGKIKITA

1188 Words
“Run Away With Me” Written by; Mhayie "MULING PAGKIKITA" Chapter# 1 “Kierra Wake up!” Pambubulabog sa masarap kong pagtulog. “Im Sleepy Nay Melia!” nakapikit kong tugon. “Kierra huwag pasaway ! Gising na!” At walang babala na hinawi nito ang kurtina ng kwarto ko kaya tumambad sakin ang sinag ng Araw. “Nay what's wrong with you?”reklamo ko at muli nagtalukbong ako ng unan. “Kierra hindi mo naman gugustuhin magalit sayo Dad mo diba?” “Nay naman !? Bakit po ba pilit niyo ako ginigising ano po ba ang meron?” Usisa ko. “It’s your papa Lo’s, Birthday !” Sabat ng britonong boses kaya naman napaupo ako bigla at dahil don nakaramdam ako ng hilo bahagya. “D…dad!?” “Don't tell me nakalimutan mo Kierra?” turan ni Dad na may mga mapanuring tingin. “Yeah right Da— i..mean Sorry Dad madami lang po ako inaasikaso !” “Gaya ng Ano? Ang gumimik sa Bar with your friends o ang magbulakbol?”.walang emosyon na turan nito. “N..no Dad! Busy lang po ako sa—!?”. “Bumangon kana at sumunod sa bahay ng mga lolo mo!” Pagputol nito sa sasabihin ko ,hindi na ako umimik pa at sinundan nalang ng tingin si Dad palabas ng silid ko. “Ineng maligo kana ihahanda ko na ang mga pagkain mo sa baba!” Agaw pansin ni Nanay Melia. “Nay? Bakit po ganun si Dad? B...bakit ganong nalang ang pagkakakilala sa akin? “ Tanong ko sa malungkot na tinig. “Naku ineng pagod lang siguro Daddy mo sa pagpapatakbo ng Kumpanya niyo!”,paliwanag nito. “B–ut!?” “Naku Senyorita No ,But -but ,!? mabuti pa go to the Bath ka muna at baka mahuli kapa sige na magbihis kana ng muli mona makita si Senyorito!”, natigilan ako sa huling sinabi ni Nay Melia. "Senyorito?" Takang tanong ko. “S-orry ineng dapat diko sinabi sayo agad,pwede ba magpretend ka nalang ng walang narinig?” Dagdag pa nito,kahit di ko naman alam ang tinutukoy niya. “O..ok po Nay!” Turan ko at muli nagpatuloy sa paglalakad papasok ng Banyo. ********* Pagkatapos ko mag ayos ,sinipat ko ang aking sarili sa may salamin,mapait ako napangiti sa di ko mawari na dahilan, Suot ang Lava night gown na binili sakin ni Mom ay nagtungo na ako sa bahay nila Papa Lo. Mas pinabongga ang birthday ni Lolo ngayon kumpara noon at talagang pinaghandaan ,marahil maraming pasabog na naman at tiyak ko na may supresa ang aking Papa Lo sa aming lahat.. “K–ierra it's that you?” Agaw pansin ng Lalaki pagpasok ko sa mansyon ni Papa Lo. “M–ike?” “Yup! Its me, im Glad to know na di mo ako nakalimutan!” sabi nito . “Sino ba naman ang di makakalimot sa Campus Crush ng YU University?”. “Hahaha ,so inaamin mo na ba na Crush mo rin ako?” Biro nito. “Hindi ,Asa ka naman Mike ,wala.naman kahanga hanga sayo, maaring sila na loko mo ,pero ako never kilala kita mike kaya huwag ako iba nalang!” Biro ko. “Ouch Kierra ,nakakasama kana ng loob ah, hanggang ngayon basted parin ako sayo!?” “Kelan kaba nagkaroon ng pag asa Mike?” “Hay nako Kierra !? By the way you are still pretty at makulit walang nagbago!” Muling turan nito. “Marami ang nagbago Mike!” Usal ko na kinatigil nito. “Hey Ganda ,sorry! Eto naman huwag kana masad mababawasan ang Ganda mo!” Pag aalo nito. “Sira o-k lang ako! Kierra to hindi nagpapatalo right Mike!?” Pag iiba ko kahit ang totoo bigla ako nawalan ng Gana,kung kanina wala na talaga ako gana mag punta dito mas ngayon nadagdagan pa ito. “P-ano mauna na muna ako Mike puntahan ko lang sil—-----!?” “K–uya Zeikie? L-ong time no see !?” Pagputol nito sa sinasabi ko pero natigilan ako sa tinawag ni Mike. Hindi naman ako nabibingi o nangangarap diba? Tama ang pagkarinig ko sa tinawag ni Mike . Hindi ako lumingon sa halip ay nagbabalak na ako humakbang paalis ng bigla naman ako nito tinawag. “K–ierra?” Tawag nito sa britonong boses. “Hey Ganda hindi mo man lang ba babatiin si Kuya Zeikie na ngayon lang nagpakita?” “D**n this Man,masasapak na talaga kita Mike !” Kastigo ko sa aking sarili. Kaya no Choice ako pumihit ako paharap kung nasaan si kuya Zeikie at hindi ko naman inaasahan na nasa likuran ko na pala ito at ang Mike naman hindi man lang sinabi ng G*g* . “Aaa–y palaka!”bulalas ko ng muntik na ako matumba buti nalang mabibilis ang kilos na hinapit ako ni Kuya Zeikie sa may bewang. “Be Careful Kierra!” Paalala nito ,at nagtama ang mga mata naming dalawa,may kung ano ako nababasa sa mga mata niya na may ibat-ibang emosyon na para bang matagal itong nangulila at masasabi ko napakahirap nitong basahin. “Wow Ang Sweet ,ganyan na ganyan yung pangyayari kadalasan sa mga napapanood ko,tapos sila yung End Game sa huli!,pero sorry kuay Zeikie ako ang End game ni Kierra” Agaw pansin ni Mike ng matauhan ako ay bahagya ako lumayo sa kanya muli ko inayos ang tayo ko. “S-alamat k-uya Zeikie!”pasasalamat ko. “Can we Ta—--!?” si Kuya Zeikie na naputol ang sasabihin ng magsimula na magsalita ang Emcee upang batiin at pagsalitain si Papa Lo. Habang focus ang lahat kay papa Lo ay pasimple naman ako lumayo kila Mike at Kuya Zeikie,hindi na ako nag abala pang lumingon sa kinaroroonan nila Mike dahil mas nakatuon ang isip ko sa pagsibat palabas, malapit na ako sa may pintuan upang lumabas ng biglang banggitin ni Papa Lo ang pangalan ni Kuya Zeikie pero lalo ako natigilan sa susunod nitong sinabi. “Masaya ako na sa Mismong Birthday ko pa naisipan nila ianunsyo sa lahat nang mga naririto ang engagement nila Zeikie At sa nag iisa kong babaeng Apo na si Kierra!” Anunsyo ni Papa Lo na kinagitla ko talaga. Nagpalakpakan ang lahat habang ang iba ay naghihiyawan lalo pa ng tawagin kame ni Papa lo para umakyat ng Stage kung na Saan siya,wala ako nagawa lalo pa ng lapitan ako ni Kuya Zeikie at inilahad ang kamay niya,natagalan pa bago ko ito tinanggap,parang may kakaibang pakiramdam ako naramdaman ng abutin ko ang kamay nito,para akong kakapusin ng hininga sa bilis ng kabog ng dibdib ko na kahit ako diko mawari kung bakit at para saan?. “Thank you Kierra ginawa mong memorable ang kaarawan ko!” Masayang pagsalubong ni Papa Lo sa akin ,wala naman ako balak sirain ang kaarawan ni Papa Lo dahil ayoko na ako mismo ang sisira sa masaya niyang kaarawan ,pero hindi ibig sabihin na tanggap ko ang kapalaran ko,hindi ako papayag na diktahan nila hanggang sa taong kailangan ko makasama habang buhay.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD