CHAPTER 2 ; FIX MARRIAGE

1343 Words
“Run Away With Me” Written by; Mhayie "FIX MARRIAGE" Chapter#2 “Ano yun ? Mom ,Dad?” “Kierra it's our Decision!” Si Dad. “Our? Nagdesisyon kayo ng hindi niyo man lang po ako tinanong kung ok sakin? Kung gusto ko? unbelievable paano niyo nagawa sakin ito!?” di makapaniwalang bulalas ko. “Kierra im Your Dad baka nakakalimutan mo kung sino ang kausap mo?” Sikmat ni Dad sa Akin. “I know Dad! At hindi ko po iyon nakakalimutan,pero sana inalam niyo muna ang mararamdaman ko hindi yung nagdesisyon kayo ng hindi ko Alam !”. “Ngayon alam mona ?,siguro naman ngayon magtitino kana?” “Dad..is not Valid for a Reason! Kaya po ba ipapakasal niyo ako para lang sa gusto niyo ako magtino? Gosh,hindi ko alam kung ano pinag usapan niyo pero sa desisyon niyo na kayo-kayo lang ang nag usap at sumang ayon ay hindi po ako makakapayag na pati pagdating sa nais o gusto ko makasama ay kayo parin po ang masusunod!”.seryosong turan ko. “At ano gagawin mo? Magrerebelde ka? Magbubulakbol ka na naman?” Di ko inaasahang tugon ni Dad. “Kiefer ano ba? Ayusin mo pakikipag usap mo sa Anak natin!” Si Mom kay Dad. “Erra kaya lumaking pasaway yang anak natin dahil lagi mo kinakampihan!” Seryosong turan ni Dad kay Mom. “At ako ba ang sinisisi mo!?” Di mapigilang usal ni Mom,akmang magsasalita pa si Dad ng unahan ko ito. “Stop fighting Mom and Dad, buo na po ang desisyon ko ,alam ko po na maling desisyon na suwayin ko kayo pero hindi po ako makakapayag sa nais niyo at lalong hindi po ako magpapakasal sa kanya!”. “Kierra!” Si Dad na nanlilisik na ang mga Mata sa galit. “Kieffer ano ba! Ikalma mo nga sarili mo!” Suway ni Mom muli. “Paano ako kakalma kung ginaganyan tayo ng Anak natin? At ikaw Kierra sa tingin mo ba matutuwa ang Papa Lo mo sa gagawin mo?” Si Dad sa akin. “Kaya po ba sa mismong kaarawan ni Papa Lo niyo po naisipan ianunsyo dahil akala niyo di ako tatanggi?” “Bakit kaba ganyan kay Zeikie anak?” Tanong ni Dad . “Pasensya na po pero hindi po ako papayag sa gusto niyo Dad!” Pag iiba ko at akmang lalabas na ng magsalita pa muli si Dad. “At saan ka na naman pupunta sa mga barkada mo? Bumalik ka dito Kierra huwag mo ako talikuran ,kinakausap pa kita!“ galit na turan ni Dad. “Sorry po Dad!” Paghingi ko ng paumanhin at tuluyan na binuksan ang pinto upang makalabas ng silid na ito,huminga ako ng malalim ng tuluyan na ako nakalabas narinig ko pa ang paglaglag ng kung anong gamit sa loob pero nagmatigas ako,hindi ko nais magkaroon kame ng hidwaan ni Dad pero ayoko makulong sa nais nilang sitwasyon,akmang maglalakad na ako ng may humawak sa pulsuan ko ng sipatin ko ito kunot noo ko ito tinignan. “Let's Talk Kierra!” Hindi pa ako nakakasagot ng hatakin ako nito papasok sa isang silid . “Let me go!” Turan ko ng hawak parin nito ang palapulsuan ko. “What's wrong with you Kierra?” Usisa nito. “May dapat ba ako ipaliwanag?” Makahulugang turan ko. “I want to Talk to you!” “At ano? Para malaman kung ano sagot ko? “ Malamig na turan ko sa kanya tinignan lang ako nito ng walang emosyon. “Kung inaakala mo papayag ako pwes nagkakamali ka !” Turan ko pero parang may kung anong kirot ako nabasa sa mga mata niya na mabilis din nagbago ang emosyon,hindi kona kaya pa magtagal kaya naman muli ako nagsalita. “Ngayon alam mona sagot ko maari na siguro ako umalis!?” akmang aalis na ako ng bigla ako isinandig sa pader ni Kuya Zeikie at di ko inaasahan ang biglang pag siil ng halik nito sa mga labi ko,para ako tinakasan ng katinuan dahil parang nadadala ako sa mga halik niya,malapit na ako bumigay at tumugon sa mga halik niya ng pareho kame natigilan ng biglang may nagsalita . “S—enyorito nariyan po ba kayo? Pinatatawag po kayo ng Don!” Turan ng kung sino man sa labas. “O-k susunod na ako ,salamat!” Sagot ni Kuya Zeikie. “So kanya pala tong Room at talagang may sarili na pala siyang room dito sa mansyon ni Papa Lo!?”.kastigo ko sa aking isipan. “Bakit ba ganyan ka pagdating sa akin Kierra!?” Tanong ni Kuya Zeikie,umiwas ako ng tingin at inayos ang aking sarili. “Are you Done? Siguro naman sapat na yung paghalik mo sa akin para tigilan ako?” walang emosyon na turan ko na hindi man lang nag abala na sagutin ang tanong niya,hindi na naman ito umimik pa at hinayaan nalang ako makalabas ng silid,mariin na napapikit ako bago ko naisipan maglakad na palabas ng mansyon ni Papa Lo. “Napakarami ng pangit na nangyari sakin ngayon gabi,mula sa paggising sakin kanina ni Dad dahil tanghali na ay nakahilata parin ako, pinag ayos nila ako ng katagal tagal dahil pala sa may engagement party na magaganap? Unbelievable na lahat sila pinagkaisahan ako,halos ilang oras lang naman ako nag ayos ng para lang don? Nakakainis talaga!” usal ko sa aking sarili. “Mukhang galit ang prinsesa ngayon ah?” Agaw pansin ni Mike. “M…mike? Kanina kapa ba nariyan?“ “Medyo, by the way congrats Ganda, soon to be Mrs.Romualdez !?”,Pang aasar nito . “Shut your Mouth Mike ! Di ka nakakatulong!”turan ko narito ako ngayon sa garden dahil pag dito ako dumaan wala makakapansin sa akin na umalis ako except nalang talaga sa pamilya ko,pero sa dinami-dami ng makakasalubong etong mokong na ito pa talaga. “Chill napaka mainitin naman ulo mo!” Biro ni Mike. “Mabuti pa samahan mo nalang ako !?” Usal ko. “Saan naman?” “Sa Bar!” “Bar..ng ganyan ang suot mo?” Di makapaniwalng turan ni Mike. “So? Ano pakielam ko sa kanila sa gusto ko mag-inom wala akong pakielamanan kung ano man ang suot ko ,alam mo dami mo satsat ano G kaba o hindi?” Iritadong tanong ko. “Ok fine halika na kesa naman mag solo ka mayari pa ako kay Tito at Tita!” Napipilitang tugon nito. “Nako dami kuda sasama rin naman pala halika na car mo ang gamitin natin!” “Hay nako sasamahan ko na nga ikaw, akin pa Gas tssk.napakamalas ko naman!?” Pagdadrama nito. “Ang kuripot mo naman may sarili naman kayo gas station bakit nagtitipid kapa!?” Sikmat ko . “Wala nang libre sa panahon ngayon kaya kahit iyo pa iyon dapat mo rin bayaran para naman mamonitor mo ng maayos ang negosyo mo!” “Wow business minded!?” Biro ko. “Eh ikaw ano balak mo? Ang magnight out nalang buong buhay? Ikakasal kana at magkakaroon ng sariling pamilya dapat—-!?” “Tama na Mike kota na ako ngayon,huwag mo na dagdagan pa!” Pagputol ko sa sasabihin niya. “O…ok Kierra pero sana isipin mo rin naman ang future mo huwag kang papethic-pethics lang sa buhay be matured!” . Hindi na ako umimik pa at ganun din si Mike kaya naman sinimulan na nito paanadarin ang sasakyan,kaya naman tinuon ko nalang ang sarili ko sa pagtingin sa bintana ,hindi ko alam parang naaninagan ko si Kuya Zeikie na masama ang tingin sa amin habang nagmamaneho ito ,pero naagaw ni Mike ang atensyon ko ng biglang tapakan ni Mike ang preno. “F**k kierra are you ok?” nag aalalang tanong ni Mike ng may nag overtake sa amin na sasakyan. “I..im ok Mike,ikaw ok ka lang ba?” “G*g* yun malaman ko lang sino ang sakay non malilintikan talaga sa akin yun!” Bulalas nito na kinatahimik ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD