“Run Away With Me”
Written by; Mhayie
"AMA LABAN SA ANAK"
CHAPTER 8
Tahimik at Seryoso na tinahak ko ang papasok ng aming bahay , kailangan ko makausap si Dad at patigilin ito sa kanyang binabalak ayoko man Dag-dagan pa ang galit niya sa-akin pero eto lang ang paraan para wala na madamay pa na ibang tao,alam ko kung ano ugali ni Dad ,hindi ito titigil hanggang hindi nakukuha ang Gusto.
"Maam Kierra na paaga po ang uwi niyo!?" Bungad ni Nay Melia.
"Nay Melia si Dad po?" Balik tanong ko.
"Nasa mini Office niya !" Turan nito kaya naman tumango ako bilang pagpapaalam at wala nang inaksaya na oras pa.
Pagkarating ko sa Opisina ni Dad ,may konting Puwang ang pintuan nito at akmang pa-pasok na ako ng narinig ko ito tila may kausap , kaya naman Sinilipin ko ito ,abala si Dad sa pakikiusap sa kabilang Linya at hindi ko sinsadya marinig ang Sinabi ni Dad sa kausap nito.
"Kung kinakailangan Pa-bagsakin mo ang Kumpanya na pinapasukan ni Kierra ay gawin mo ! Upang sa Ganon wala siyang Choice kundi sakin Magtrabaho !" Maawtoridad na utos ni Dad.
Pagkaputol ni Dad ay di na ako nag abala pa na kumatok.
"Pati ba ang pagkatok sa Pinto Kierra ay nalimutan mo narin!" Parang Balewala lang kay Dad kung narinig ko ang usapan nila ng kung sino mang inuutusan niya.
"Dad pwede bang huwag mo na idamay ang mga taong walang kaalam kaalam?"
"Inuutusan mo ba ako Kierra?"
"No Dad ,ang akin lang po marami ang madadamay at mawawalan ng trabaho sa oras na pinabagsak mo ang kumpanya namin Dad !".
"Then Choose Kierra!?" Seryosong turan nito.
"D-ad,,,,!?
"Nasayo ang kapalaran nila Kierra! So Choose?"
"Ganyan na po ba katigas ang puso niyo para sa isang hiling na hindi naman pansarili!?" Batid ko nag iba ang reaksyon ng mukha ni Dad.
"Simple lang Kierra nakikipag usap ako has a Business Man not your Dad, you can Choose wisely ? Ipagpipilitan mo parin ba ang gusto mo o magtatrabaho ka sa kumpanya natin katuwang ang Asawa mo!?" Walang prenong pahayag ni Dad. Hindi ko maiwasan na tumawa ng mapakla dahil sa narinig ko.
"So ang lahat ng ito para lang kay Kuya Zeikie? Unbelievable !?". Di makapaniwalang turan ko.
"Kaya ba handa kayo mawalan ng trabaho ang lahat ng employees para sa isang tao lang? So Selfish !".
"Watch your mouth Kierra---!?"
"Then What Dad? Isasama niyo ako sa pagbagsak ng mga kasama ko sa trabaho ? Ganon ba Dad!? Paano niyo nasisikmura sabihin sa akin yan ,,,,sa-Sarili niyong Anak? Sa bagay nagawa niyo nga ako ipagkaluno kay Kuya Zeikie para maging Asawa niya ? Doon lang sapat na para paulit-ulit na ipamukha sakin na wala akong silbing Anak!, hanggang kailan ko po ba pagbabayaran yung pagkakamali ko?" Hinanakit na turan ko,umasa ako na may konting pagmamahal pa natitira si Dad para sakin .
"Kung wala ka lang din naman mabuting sasabihin lumabas kana!" Malamig na turan ni Dad at sapat na yun para isampal sakin ang katotohanan na Reputasyon at pera nalang ang mahalaga sa kanila.
May hinanakit sa puso ko, na lumabas ako ng opisina ni Dad ,mabibigat ang bawat hakbang na tinatahak ko ang palabas sa bahay , hindi ko lubos akalain na ganon na ang pakikitungo sakin ni Dad ,siguro ay doon muna ako mamalagi sa Condo ko habang hindi pa humuhupa ang sakit sa dibdib ko.
Alam kong konti nalang bibigay na ang mga mata ko at magpapatangay nalang sa agos ng luha kaya pilit ko nilalaban dahil ayoko mag-mukhang mahina sa paningin nila.
Bigo ako na nagtungo sa sasakyan ko at Akmang bubuksan kona ang pinto ng sasakyan ng may mga bisig na kinabig ako hindi ako nakaimik dahil sa presensya nito, kahit hindi ko pa nakikita ang mukha niya alam ko na kung sino siya .
"Huwag mo nalang isipin ang lahat ng nangyari!" Tila makahulugan na turan nito,pero imbis na magprotesta ako para ako isang makahiya ngayon na bigla nalang tumiklop at di napigilan ang sakit na kanina pa gustong kumawala.
"Ssssh,,, sige iiyak mo lang Yan!" Pag aalo nito na diko na napigilan pang lumuha,hindi ko alam pero pagdating sa kanya lumalambot ako nagiging mahina ako.
"B---akit,,,Ganon si Dad sakin!?" Para akong batang inagawan ng Candy habang nagsusumbong sa magulang.
"Meron lang siguro kayo mga bagay na di napagkakasunduan ,hayaan mo lilipas Din yon!" Turan nito pero nang maalala ko ,na siya ang dahilan ng lahat ng ito ay mabilis ako kumalas ng pagkakayakap sa kanya.
"Marahil nga ganon, kaya sino ba ako para pagbigyan nila ? Eh ikaw naman tong lagi nila inaalala kulang nalang maging Anak nila!" Malamig na turan ko .
"Hindi totoo yan Kierra!"
"Huwag mona pabilugin ang ulo ko! Totoo naman lahat ng ito Dahil-----!" Di kona natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla nalang nito sinakop ang bibig ko.
At eto na naman ako nagiging isang marupok,na kung bakit pagdating sa kanya nawawala ang tapang ko.
Hindi naman tumagal ang paggawad ng halik nito sa Akin ,pero sapat na yun para matigilan ako,lalo pa sa sinabi nito.
"Run Away With Me Kierra!?" Seryosong turan nito.
"K-uya Zeikie!?".tanging Usal ko lang.
"Kahit ngayon lang takasan muna natin ang problema? Sasamahan mo ba ako!?" Seryosong tanong nito.
Parang may sariling pag iisip naman ang mga kamay ko ng abutin ko ang kamay niya na nakalahad sakin, batid ko sa mga mata ni Kuya Zeikie ang kinang nito ng walang pag aalinlangan na tanggapin ko ang kamay niya bilang pagsang-ayon sa pagsama sa kanya.
Nagpatangay nalang ako kung saan niya ako dadalhin, kahit pa-paano gusto ko din muna umiwas at magpakalayo-layo ,gusto ko muna ng Piece of mind o tipong malayo sa problema na malayo kay Dad ,yung tipong sarili ko muna ang iisipin ko .
Tahimik lang ako nakamasid sa bintana ng sasakyan ni Kuya Zeikie ,habang tinitignan ang mga puno na nadadaanan namin.
"Magpahinga ka muna malayo-layo na byahe pa tayo!" Turan ni Kuya Zeikie ,tumango lang ako bilang tugon.
Ang daming nangyari sa mga nag-daang araw nais ko muna ipikit ang mga mata ko at ipahinga ang isipan ko Kahit sag'lit lang.
Naramdaman ko nalang ang paglapat ng malambot na bagay sa likuran ko, pero dala ng pagod at antok hindi kona kinaya pa at tuluyan na ako nagpadala sa antok.