“Run Away With Me”
Written by; Mhayie
"OPISINA"
CHAPTER 7
"ERRA!?" Agaw pansin ng babaeng tumabi sakin.
"Bakit Jhen?" Usal ko,pero ang babaita nginisihan lang ako ng may kahulugan kaya napataas ako ng kilay.
"Asus Girl sino yung poging naghatid sayo?" Usisa nito na kinalaki ngayon ng mata ko dahil nakita pa ito ni Jhen.
"A-ano si Kuya Zeikie!" Usal ko.
"Jowa mo?"
"H-indi ah! Kuya nga diba?" Pagtanggi ko pero kung alam lang niya talaga ang totoo mas malalim pa sa jowa! Kasi kung tutuusin papuntang asawa agad .
"Maniwala!" Sabi nito.
"Oo nga,saka wala naman ako manliligaw kaya pano ako magkakajowa!" Turan ko nalang ,magsasalita pa sana si Jhen ng unahan ito ni Marvin.
"Jowa? May shota kana Erra? Ouch naman, bakit naman sinagot mo agad? Samantalang ako taon na ako nagpaparamdam sayo !" Pagdadrama nito ng bigla nalang may malakas na sapok ito natanggap kay Jhen.
"Vin ang Corny mo ,tigilan mo na kasi ang pagnakaw ng Popcorn kila aling Tes kaya pati ang kacornyhan ay inaapply mo ,saka walang third eye yan si Erra kaya kahit anong paramdam mo walang epekto kasi nga multo ka lang ng nakaraan,sa empyerno ka nababagay sobrang babaero mo kasi!".usal ni Jhen at eto nga nagsimula na naman ang dalawa sa bangayan nila.
Maya maya pa ay napapailing na dumating si Raizen dahil sa nakikita na si Marvin at Jhen na dalawang nagbabangayan.
"Rai balita?" Usal ko .
"Everything is good !" Tipid na tugon nito na kinatango ko .
"Boy neird andiyan ka na pala?" Usal ni Jhen.
"Aba-aba Rai ? Para kang naluge ah?" Dagdag pa ni Marvin.
"Kesa naman sayo Vin na always luge ang pagmumukha!" Biro ni Jhen.
"Ang sama niyo talaga sakin!" Si Marvin.
"Drama mo o siya Rai ano successful ba?"ngayon ay nagtanong na ng seryoso ni Jhen.
"Yup,ako paba ? Basic lang yun Jhen,lahat ng pinagagawa ni Boss K ay nagawa ko naman !" Turan ni Raizen.
"Oh talaga? Eh bakit parang naluge ka?" Dagdag pa ni Jhen,napabuntong hininga naman si Raizen bago umimik.
"Ang tagal na natin dito pero ni isa sa atin walang nakakaalam kung sino ba si Boss K or kung ano kasarian niya?".
"So?" Si Marvin.
"So-pas Vin ,halatang puro pambabae lang inaatupag dito sa opisina!? Aba malamang kahit ako napapaisip din ,pero siguro may tamang panahon para diyan!".si Jhen na ngayon ay nag iisip narin,hanggang sa natuon ang atensyon nila sa akin.
"Ikaw Erra baka naman kilala mo na? Diba lagi ka ang pinapatawag?" Turan ni Jhen sakin .
"I don't know who is she/ he ,pero isa lang masasabi ko magaling siya kahit pa ayaw niya ireveal pagkatao niya, and i respect that,ang mahalaga maganda ang pamamalakad niya sa kumpanyang ito at para san pa kung usisain ko ang tungkol sa kanya?" Turan ko na kinasang ayunan naman ng dalawa pwera lang si Marvin na walang interest sa pinag uusapan namin nila Raizen at Jhen.
"Sabagay may tama ka !, hanggang maayos ang pagpapasahod sakin sino tayo para usisain pa siya?" Si Jhen,habang si Raizen ang tahimik parin at di mo mabasa ang nasa isip.
"Oh ano? Wala paba kayo balak kumain?" Singit ni Marvin .
"Akala mo naman kain ang gusto puntahan? Eh sisilay kalang kay Fatima nako Vin lahat nalang!" Si Jhen.
"Friendly ako jhen huwag kang malisyosa diyan!" Usal ni Marvin.
"Friendly nganii!?" Si Jhen
"Tama na nga kayong dalawa wala ba kayo sawa magbangayan?" Si Raizen,tumigil naman ang dalawa kaya napagpasyahan na namin pumunta sa may Canteen.
Silang tatlo ang naging kasundo ko dito sa opisina bawat isa sa kanila ay may mga kakayahan at alam ko yun nababasa ko sa kanila kaya swerte ako dahil sa kanila ako napabilang dahil si Jhen magaling siya makipag usap sa mga tao habang si Marvin ay mabilis sa mga gawain sigurado polido kahit na babaero, habang si Raizen magaling siya pagdating sa Computer, maganda ang tandem nilang tatlo kahit pa madalas magulo pero pag oras ng trabaho seryoso at easy lang sa mga to, kaya tama lang na bigyan sila ng karagdagan sahod ni Boss K.
matapos ang break time Hour nagbalik na kame sa kanya kanya naming table at muli nagtrabaho ,seryoso ako na tinatapos ang gawain ko ng bigla nalang nagpop up ang email namin sabay-sabay at ng buksan ko ito ay doon nalang napakunot ang noo ko.
"Gosh,ano ang trip ni Mr.Kieffer Medina bakit tayo ang napili niyang kalabanin?" Usal ni Jhen.
"Baka may gustong patunayan!?" Makahulugang turan ni Raizen kaya napatingin ako sa pwesto niya pero ito ay nakatuon lang sa computer niya at abala parin sa ginagawa.
Hindi na ako umimik na pasandal nalang ako sa upuan ko at hinilot ang sintido ko ,hindi ko alam kung ano trip ng Daddy ko pero isa lang ang sinisugurado ko,nais niya pabagasakin ang kumpanyang ito ng sa ganun ay sa kanila na ako magtrabaho ,at talaga namang nagbigay sakin iyon ng sobrang pag iisip.
Tumayo ako at napagpasyahan magtungo sa banyo,nilock ko ang pinto at saka ako napatingin sa salamin tinititigan ko ang sarili ko sa salamin habang iniisip kung bakit ganito nalang ang pakikitungo sakin ni Dad? Matapos ang insidente noon? May dapat ba ako malaman ? O sadyang napuno nalang sakin si Dad kaya siya biglang nanlamig? Pero hindi sapat na pati ang mga nagtatrabaho dito ay idamay niya pa? Ganon na ba siya katigas? Pati ang walang malay idadamay niya?.
Pilit ko nilalabanan ang mga luha na nagbabanta sa mga mata ko dahil ayaw ko paghinaan ng loob pero kung eto ang nais ni Dad ang kalabanin ako ok ,lalaban ako para lang may patunayan sa kanya na hindi na ako yung Kierra na dating pasaway, kaya ko bumangon sa sarili kong mga paa kung nais niya ng laban ay lalabanan ko siya hindi dahil sa pansarili dahil nais ko lang kundi para ipaglaban ang karapatan ng mga employees dito.
Humugot ako ng malalim na hininga at napagpasyahan lumabas na at harapin ang lahat pero paglabas ko ng banyo nadatnan ko si Raizen na nakasandal sa pader habang ang kamay ay nakapanloob sa magkabilabg bulsa ,umangat ang tingin nito sakin at hindi ko mabasa ang nasa mga mata niya.
"Kung ano man ang binabalak mo mas mabuti pang huwag mo na ituloy!" Payo nito.
"Sorry pero hindi ako pwede manahimik nalang!" Turan ko.
"At sa tingin mo kakayanin mo mag isa? Hindi mo alam ang kinakalaban mo!?" Makahulugan na turan nito.
"Alam ko Raizen kung sino ang babanggain ko pero desidido na ang pasya ko ,hindi ko ito gagawin para sa sarili ko kundi para sa lahat ng narito!" Turan ko ,hindi na ito umimik pa kaya naman napagpsyahan ko umalis na bago pa ako makalagpas kay Raizen muli ito nagsalita.
"Sana lang tama ang gagawin mo,kung kailangan mo ng tulong narito lang kame!" Turan nito na kinatango ko lang at muli napagpasyahan lumisan.