CHAPTER 6 KAPALARAN

1100 Words
“Run Away With Me” Written by; Mhayie "KAPALARAN" CHAPTER 6 Buo na ang pasya ko ,handa na ako sumuko at tanggapin nalang ang kapalaran ko kung kinakailangan ,ayoko na ng gulo gusto ko na ng katahimikan. Hindi na ako nag aksaya pa ng oras pagkatapos ko maligo at mag ayos ay nagtungo na ako sa baba ,wala na naman ako balak pa sumabay mag agahan kila Dad at Mom,dahil may kailangan pa ako gawin sa trabaho ko, pero iba ang nadatnan ko sa hapagkainan ,Narito si Papa Lo at ang lalaking kasama ko kahapon. "Kierra tamang tama ang baba mo halika na at maupo!" Anyaya ni Papa Lo. Hindi na ako umimik pa at naupo nalang dahil ayoko muli masira ang araw na ito kahit pa nagmamadali ako, naupo ako sa tabi ni Papa Lo kaya naman nagkatapat kame ni Kuya Zeikie at di ako makakilos ng maayos dahil batid ko nasa akin ang Atensyon niya. "Buti maaga ka nagising ,Nais ng Papa Lo mo na mamili ka ng Gown mo para sa araw ng Kasal niyo".si Dad "Pero Dad may kailangan po ako gawin sa trabaho ko!" "Hindi ba pwede ipagliban mo muna?" "Dad matatanggal ako sa trabaho!" Sabi ko pero di ata nagustuhan ni Dad ang pamamaraan ng pagsabi ko. "Sinabi ko naman kasi sayo na sa kumpanya natin ikaw magtrabaho pero ano ginagawa mo? Nagtatrabaho ka sa misteryosong kumpanya na iyan na kahit ikaw hindi mo kilala ang Boss mo!?" Si Dad na mahina ang boses pero batid mo ang matinding pagtitimpi,hindi ako umimik pa dahil alam ko naman wala ako panalo sa kanila. "Ok lang po Tito ,kahit sa isang araw nalang!" Singit Ni ni Kuya Zeikie. "Ngayon ang Schedule niyo kaya nakakahiya naman kung naabala ka tas hindi kayo matutuloy!" Dagdag pa ni Dad, ayoko na sana umimik pa pero eto narin ang oras para makipag usap ako sa kanila. "Mom,Dad,at Papa Lo".tawag ko at nakuha ko agad ang atensyon nila. "Pumapayag na po ako sa gusto niyo!" Panimula ko at di nakaiwas sa mata ko ang kislap ng mga mata nila sa binalita ko pero na bubukod tangi lang kay Kuya Zeikie na di ko mabasa ang reaksyon ng mga mata. "Buti naman kung ganon!" Komento ni Dad. "Pero nais ko po hilingin na,simpleng kasal lang at kung maari ay walang media !".sabi ko,matagal bago nakasagot sila Papa Lo. "Kung yun ang nais mo sige pero ang kasal ay di ko masasabi na simple,pero ang media ay aasahan mo walang makakalabas tungkol sa kasal niyo!" Si Papa Lo.pero hindi sumang ayon si Dad. "Bakit ayaw mo ng Media? May tinatago kaba?" Makahulugan na tanong ni Dad. " Wala naman po Dad ayoko ko lang malaman sa trabaho ko,alam po kasi nila na simpleng tao lang ako! At ayoko po na pati personal na buhay ko ang malaman nila" Usal ko. Na totoo naman,gusto ko mamuhay ng simple ayoko umiwas sila sakin at mag iba ang pakikitungo nila,iimik pa sana si Dad ng pangunahan ni Kuya Zeikie. "Ok lang naman po sakin kung ano ang gusto ni Kierra!" Si kuya Zeikie, wala ni isa ang umimik kaya naman ,nilamon ng katahimikan ang pagsasalo-salo namin. Matapos ang agahan nagpaalam na ako sa kanila ayoko mag aksaya ng oras lalo pa na kailangan ko matapos ang gawain ko,paglabas dali dali ako pumasok sa sasakyan ko pero sinuswerte ka nga naman ngayon pa ito nagloko,ayaw niya talaga umandar kaya sa inis ko napahampas ako sa manubela. "Ay uten-Ten,ten!" Bulalas ko ng bigla nalang lumitaw ang ulo ni Kuya Zeikie sa gilid ko. "Ut*n??" Naguguluhang tanong nito na kinahiya ko talaga,kung ano ano kasi natutunan ko sa mga katrabaho ko kaya minsan nasasabi ko narin. "Nothing,i men Ten,oo mag te-ten na at malalate na ako ng todo!" Palusot ko. "O-kay!? mukhang may problema ka gusto mo hatid na kita?" Alok nito . "Hindi na papahatid nalang ako sa driver namin!" Turan ko. "Wala si Manong Nestor inutusan ni Papa Lo !" Turan nito na kinakunot ng noo ko. "Sasakay nalang ako ng Taxi!" Dagdag ko pa. "Mas matatagalan kapa at lalo ka malalate!" Usal nito, may point naman siya kung madami pa akong sat-sat malamang mahuhuli na ako,kaya naman umipon ako ng maraming kapal ng mukha tutal siya naman nag alok huwag tanggihan ang grasya go na. "Ok kung di nakakaabala sayo sige sasabay nalang ako sayo!" Turan ko pero di nakaiwas sa paningin ko ang bahagyang pagliwanag ng mukha nito, totoo ba? O guni guni ko lang ? Siguro ay guni guni ko lang ang lahat ng iyon,winaksi ko ang kung ano man na gumulo sa isipan ko at pumasok na sa sasakyan nito,umikot naman si Kuya Zeikie sa harapan papunta sa driver seat ,pinililit ko talaga na hindi matapunan ito ng tingin at ano pa ang isipin nito pero natigilan ako ng bigla nalang lumapit ang mukha nito as in konting pagkakamali na kilos ko lang panigurado magtatama ang mga labi namin,grabe ang kabog ng dibdib ko,hindi ako makaprotesta at sa halip para akong tanga na napapikit at hinihintay nalang sa susunod na mangyayari pero natauhan ako ng marinig ko ang paglock at kung hindi ako nagkakamali ay lock ng seatbelt yun pero ang pinaka nakakahiya ng magsalita ito. "Ikinabit ko lang yung seatbelt dont worry hindi kita hahalikan,or else kung sasabihin mo sakin na gusto mo!?" Malumanay pero alam mong may tunog na mapang akit ,kaya naman nagising ako sa katangahan ko. "Ang kapal huh? Malay ko ba namiss mo nga labi ko? S-aka a-no-----!" "What if sabihin kong Yes? Pahihintulutan mo ba ako!?" Muling usal nito na talaga kinapula ng pisngi ko kaya sa sobrang taranta ko na itulak ko ito bahagya at parang tanga na aligaga. "P-lease enough Kuya Zeikie! W-ala akong p-anahon makipagl-andian sayo l-ate na ako!" Turan ko na batid ko napansin nito ang pagka ilang ko,ngumisi lang ito at umayos ng ipo ,binuhay na nito ang makina at nagsimula na magmaneho. Para ako sinisilaban sa inuupuan ko hindi ko alam bakit ganito ang epekto niya sakin,parang gusto kong maligo sa malamig na tubig yung punong puno ng yelo o di kaya tumalon nalang habang umaandar dahil sa kahihiyan na nangyari ngayon. "Gusto mo todo ko yung aircon?" Suhesyon nito na batid ko naman na may nilalaman. "Tssk,sadyang mainit lang talaga dito sa sasakyan mo mabuti pa ipaayos mo!" Turan ko na kina ngisi lang nito . Napairap naman ako sa inis kasi alam kong naiilang talaga ako sa kanya ,tahimik na tinuon ko nalang ang sarili sa may labas ng bintana at kinimkim nalang ang pagkainis ko sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD