CHAPTER 5 ; REALITY

1107 Words
“Run Away With Me” Written by; Mhayie "Reality" CHAPTER 5 Nakaupo lang ako at nakatuon ang mga tingin sa labas ng bintana ng sasakyan ,hindi ko alam na mas lala pa pala ang lahat, eto ako ngayon tinatahak ang pauwi samin asusual kasama ang isang to nagpumilit ba naman ihatid ako para ano? Isampal sa mukha ng pamilya ko na magkasama kame buong gabi sa Condo niya? Syempre pabor sa kanya yun lalo ipagpipilitan ng pamilya ko na ituloy ang kasal. "Kierra masama ba pakiramdam mo?" Usisa nito na kinairap ko lang,napabuntong hininga pa ito at muli tinuon sa harap ang tingin. Nanaig ang katahimikan sa buong byahe namin dalawa ,na pabor naman sakin dahil mas gugustuhin kopa mapanis ang laway ko kesa makipagplastikan sa kanya. Ilang sandali pa tumigil na ang sasakyan namin kaya wala ng lingon lingon na bumaba ako pero ilang saglit pa napakunot noo ko at lumingon,nakaupo parin ito hawak ang manubela at nakatuon lang ang tingin sakin. "Hindi kaba baba? O gusto mo pagbuksan pa kita pinto?" Turan ko umiling lang ito na lalo kinakunot ng noo ko. "Sige na pumasok kana!" Sabi nito. "Hindi kaba papasok?" Parang tanga usisa ko pero nagtunog malungkot ang put*. "Hindi na may kailangan pa ako puntahan!" Turan nito . "Ok, sige umalis kana nga baka nakakaabala pa ako sayo!" Galit na saad ko ,hindi kona siya nilingon pa ,hindi ko alam pero nakaramdam ako ng inis! Ah ewan koba sa sarili ko kung ano nangyayari sakin. Pagkapasok ko bumungad sakin ang boses ni Lolo na bakas ang galit, batid ko na galit ito dahil umalis ako mismo sa araw ng birthday niya na walang paalam, dahan dahan ako naglakad patungo sa hagdan dahil panigurado malalagot ako kay lolo nito,pero natigilan ako ng marinig ko ang pangalan ko. "Kierra ano aakyat ka papuntang silid mo ng di man lang nagpapaliwanag samin?" Usal ni papa Lo sa malamig na tono para akong binuhusan ng malamig na tubig. "Kierra Anak ,pumarito ka! " Napasinghap ako sa mataas na boses ni Dad na batid ko galit. "Kiefer! " Saway ni Mom. Napayuko nalang ako papunta sa kanila alam kong sasaluhin ko na naman ang galit ni Dad at ni Papa Lo , hindi ko kayang salubungin ang mga nanlilisik na mata ni Dad at Papa Lo . "Saan ka galing? Bakit umalis ka ng walang paalam sa mismong gabi ng kaarawan ng Lolo mo? " Sa malamig na tono ni Dad. "Sorry po Dad!" Usal ko na di parin makasalubong ng tingin sa mga mata ni Dad. "Tinatanong kita Kierra san ka galing!?" Bakas sa tono ni Dad ang pagtitimpi ,hindi lang nito magawang sigawan ako dahil inaalala din nito si papa Lo. "Lumabas po kame ni Mike kagabi Dad!".pag amin ko narinig ko ang malalim na pagbuntong hininga ni Dad. "Yun naman pala si Mike ang kasama ,ok na iyon Kiefer ,atleast alam natin kung sino kasama niyang lalaki!" Turan ni Papa Lo na ngayon ay kalmado na ang ekspresion ng mukha. "No Dad! Kahit si Mike pa iyan hindi tama na kung kani-kanino siyang lalaki sumasama,at ano doon siya nakitulog? Paano kung malamn ng pamilya ni Zeikie ? Ano nalang iisipin nila ? ". Si Dad. "Enough Kiefer ,malaki na anak natin!" Usal ni Mom. "Oo nga Erra malaki na pero hanggang ngayon hindi parin alam ang tama sa mali,lagi niyo kasi kinukunsinti!".si Dad na di na nakapagpigil ,nakaramdam ako ng kirot sa sinabi ni Dad ,ganito na ba kalayo ng loob ni Dad sakin. "So kini-question mo ang pagpapalaki ko sa anak natin?" Si Mom na tumaas narin ang boses. "Hindi sa ganon ang akin lang--!?"naputol ang sasabihin ni Dad ng galit na magsalita si Mom. "Na ano Kiefer? Sige ipaintindi mo sakin!?" Galit na turan ni Mom. "Tumigil na kayo! " Saway ni Papa Lo. "Sa tingin niyo masusulusyunan ba ito kung pare-pareho kayo magsusumbatan o mag aangilan!?, bakit hindi niyo bigyan ng pagkakataon magpaliwanag ang bata!, San ka natulog Kierra!?" Usal ni Papa Lo. Napatingin ako kay papa Lo,hindi ko alam kung dapat ko ba sabihin na sa Condo ni kuya Zeikie ako natulog ,dahil sa oras na sabihin ko panigurado na mapapaaga ang kasal namin, napabuntong hininga ako at akmang magsasalita ng pangunahan ako ng nagsalita. "Im Sorry Papa Lo. ,tita Erra and Tito Kiefer hindi kona nagawang ipaalam sa inyo na kasama ko buong gabi si Kierra sa Condo ko,alam kong mali na nagsama kame agad pero handa po ako akuhin ang responsibilidad na ito!". Napalingon ako sa nagsalita. "K-uya Z-eikie!" Mahinang usal ko. "So alam mona si Kiefer ,okay naba? Sapat naba iyon para sa ikatatahimik ng kalooban mo?" Tanong ni Papa Lo kay Dad.napaiwas naman ng tingin si Dad kay papa Lo. "Sorry po talaga sa nagawa kong gulo!" Dagdag pa ni Kiya Zeikie,bigla naman lumambot ang tono ni Dad . "Ok lang Zeikie atleast napanatag ang loob ko na ikaw ang kasama ni Kierra!" Sa malumanay na boses ni Dad na kinangiti ko ng may mapait. Bakit pagdating kay kuya Zeikie nagiging malumanay si Dad ,samantalang ako ang anak niya? Hindi ko alam bakit ganito na sakin si Dad pakiramdam ko ang layo layo niya sakin,sa kaisipang iyon parang dinudurog ang puso ko,kaya bago pa ako sumabog ay nagpaalam na ako sa kanila ayoko makita nila ako sa ganitong lagay na nasasaktan. "Dad,Mom,papa Lo mauna na po ako gusto ko po muna magpahingi sorry po talaga!" Turan ko ,hindi na naman umimik sila Dad sa halip ay tumango lang kaya naman naisipan ko magtungo na sa taas pahakbang palang ako ng magsalita ulit si kuya Zeikie. "Kung mararapatin niyo nais ko po samahan papuntang silid niya si Kierra !?" Paalam ni Kuya Zeikie na mabilis naman tinugunan ni Dad. "Ok lang Zeikie!" Tugon ni Dad. Lalo lang dinagdagan ni Dad yung sakit ,hindi na ako nagprotesta at hinayaan na lang si Kuya Zeikie sa nais niya,ilan sandali pa ay nasa tapat na kame ng pintuan ng silid ko ,nilingon ko ito para magpasalamat pero natigilan ako ng hapitin ako nito para yakapin. "Huwag mo nalang intindihin sinabi nila,sorry kung napagalitan ka ng dahil sakin!" Banaag na pag alo ni kuya Zeikie sa akin,hindi ako umimik dahil alam ko sa sarili ko na konti nalang ay bibigay na ako sa sakit,ako na ang kusang kumalas dahil di kona kaya manggap pa ,walang imik o tingin man lang na pumasok ako sa silid ko alam kong kabastusan ginawa ko pero ayoko makita niya ako na nasasaktan. Hindi kona napigilan pa,kusang lumandas ang mga luha sa pisngi ko,napadapa ako sa kama ko at doon ibunuhos ang sakit na nararamdaman ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD