“Run Away With Me”
Written by; Mhayie
"WALANG KAWALA"
CHAPTER 4.
Masakit ang ulo ko na nagmulat ako pati ang buong katawan ko especially pang ibaba ko napakasakit pero syempre kailangan ko tiisin at umalis sa kwartong ito,hindi ko naman masisisi sarili ko dahil ginusto korin naman pero sapat na ito sisiguraduhin kong di na muli magtatagpo ang landas namin dalawa tama na ang isang gabi na pinagsaluhan namin ibabaon ko nalang sa ala-ala ang lahat.
Hindi kona nagawa sulyapan pa siya ,kahit masakit pinilit ko gumalaw ng dahan dahan at may pag iingat na di makalikha ng ingay,pigil hininga na babangon sana ako ng dumantay ang braso nito sa tiyan ko at niyakap ako pero nanlaki mata ko ng magsalita to.
"At San mo naman balak pumunta?" Usal nito kaya napatingin ako rito at di nakaimik,hindi parin ito nagawa dumilat ,at halata na antok pa ito.
"Tatakas ka? Iiwan mo ako matapos ng lahat?" Turan nito na kinakunot ng noo ko dahil sa tono nito parang lagi ko siya iniiwan.
"Teka may dapat ba ako takasan? Diba pareho naman natin ginusto so ano?" Kunot noo na turan ko.
"Then why are you leaving?".nagmulat ito dahilan oara magtama ang mga mata namin.
"I-m L-eaving becau---- teka nga bakit need ko mag explaine ? Tabi nga !" Sikmat ko at tinanggal ang braso niya na nakadantay sakin pikit mata na bumangon ako habang nakapulupit ang kumot sa katawan ko.
Bukod sa mabigat itong nakabalot sakin makirot sa baba naman ,talagang masakit dahil nabigla ako ng tayo at ramdaman ko ang sakit sa pagitan ng hita ko at kagagawan ito ni Kuya Zeikie.
Iika-ika ako patungo banyo pero napasinghap ako ng binuhat ako ni kuya Zeikie.
"Ibaba mo ako ano ba!" Utos ko ,binaba nga ako pero inupo ako pabalik sa kama.
"Ano ba problema mo!?" Iritang turan ko,pero tinignan lang ako nito.
"Diyan ka lang ayusin ko lang pampaligo mo!" Sabi nito at nagtungo na sa banyo na hindi man lang nito hinintay ang pagprotesta ko ,nanahimik nalang ako at pinagmasdan siya.
Ilang saglit pa lumabas ito ng banyo at walang pagdadalawang isip na binuhat ako hindi nalang ako umimik tutal di rin naman ako makakilos ng maayos at isa pa kagagawan niya naman kaya deserve niya pagsilbihan ako.
"Maganda ang warm water para mabawasan ang sakit!" Turan nito na kinainis ko.
Dahil bakit lahat ba ng nakakachuk-chukan niya pinagsisilbihan niya at talagang alam na alam huh?.
"Kung ano man iniisip mo tigilan mona ,pano ka makakapagrelax niyan?" Turan nito na di ko nalang pinansin.
"Lumabas kana kaya kona salamat!" Turan ko na may bahid parin ng inis hindi na ito uminik at umalis nalang.
Dahan dahan ako umupo sa bathtub at talagang masarap sa pakiramdam naiibsan din nito yung sakit kahit papaano.
Nanatili ako ng mahigit siguro kalahating oras ng maramdaman ko na di na gaano kasakit ay nagsimula na ako magbanlaw ,wala ako choice kundi pakielaman ang mga gamit niya, uy teka ang bango bg sabon niya at talagang nakakaakit hindi naman siguro magagalit yun kung gamitin ko tutal wala naman gamit pang babae at bakit ba ako nag aalala kung magagalit siya o hindi?.
Matapos ko maligo paglabas ko may damit na nakahanda kunot noo ako dahil bakit balot na balot ang mga damit na binili niya pants at jacket? Nang iinis ba siya ? Kaya naman walang pagdadalawang isip na nagtungo ako sa closet niya at ang swerte ko dahil bumungad sakin ang loose v-shirt niya na puti at ginalaw ko narin ying short boxer niya na black .
Napatingin ako sa salamin at masasabi ko na di narin masama yung suot ko,maya maya pa nakaramdaman ako ng gutom kaya lumabas na ako ng silid walang blower kaya naman pinusod ko buhok ko ,mekus mekus lang iniput ko sa buhok ko matapos ipulupot na pa bun .
Sakto paglabas ko nakaamoy ako ng adobong manok kung di ako nagkakamali,dahilan lalo ako magutom dali dali ako nagtungo sa kusina ni Kuya Zeikie at naabutan ko ito na abala sa pagluluto.
Bahagya ako natigilan dahil sa itsura nito na naka boxer lang habang apron lang ang nakatakip sa katawan at talagang ang HOT ng chief na ito parang mas mauuna ko itong makakain ,mabilis na napailing ako ng matauhan sa mga pinasasabi ng utak ko.
"Are you done to taste me?" Nakangising turan nito.
"Y-es --- I Mean! No asa ka naman! Magdamit ka nga!" Nauutal na usal ko,na kinangisi lang nito.
"Huwag ka nga pangisi ngisi nagmumukha kang Aso!" Dagdag ko pa.
"Eto? Mukha aso? Tssk eto lang naman mukhang to ang nag Doog Style sayo kag----!" Dikona pinatapis ang kahalayan ng bunganga nito.
"Oh ayan isubo mo yang hotdog ng mabilaukan ka esta ng mabusog ka!" Turan ko na kinatawa nito.
"Kumain ka na nga baka ikaw pa makain ko!" Dadag pa nito na kinaubo ko ,dali dali naman ako inalo nito at inabot ang tubig sakin.
"Hey be careful!"
"Ikaw kasi kung ano ano kahalayan lumalanas sa bibig mo!"
"Sorry na! Lets eat na nagluto ako ng paborito mong Adobong manok saka Hotdog!" Sabi nito.
"Tssk pasalamat ka gutom ako!" Turan ko..
Tahimik lang kame nag agahan dawala, ng matapos kame kumain ay nagkusa na ako magligpit ng kinainan namin habang siya ay nagpunas naman ng mesa ,naghuhugas ako ng maramdaman ko parang may nakamasid sakin kaya napalingon ako pero mali ata dahil nagtama ang mga mata namin ,natigilan ako lalo pa ng lumapit ito sakin dahan dahan para ako kakapusin ng hininga hanggang sa makalapit siya sa akin.
"Alam mo bang ang hot mo sa suot mo! Hindi ko naimagine na makikita kita suot ang damit ko!" Bulong ,pero may nakakaakit na tinig.
Napabuntong hininga si Kuya Zeikie alam kong nagpipigil ito pero eto ako parang t*ng* na naman para bang nay kung anong nilalang ang nag udyok sakin para tumingkayad upang halikan si kua Zeikie,wala naman pagdadalawang isip na tinugunan ito ni Kuya Zeikie,pumulupot ang mga braso nito sa bewang ko at hinapit ako at doon muli naghinang ang mga labi namin.
Pareho kame natigilan ng tumunog ang telepono ni Kuya Zeikie kaya pareho kame napatigil at dahil sa kahihiyan ay napaiwas ako bg tingin habang si Kuya Zeikie naman nagtungo sa sala para sagutin ang tawag.
Napahawak ako sa dibdib ko na hanggang ngayon ang bilis ng t***k, napapikit ako at napabuntong hininga bago ng napakalma kona ang sarili ko ay napagpsyahan ko tapysin na ang ginagawa ko ng makaalis na sa lugar na ito.
Pagjatapos ko maghugas ng pinagkainan namin nagtungo ako sa kwartobpara kunin ang damit na binili ni kuya Zeikie kahit ayaw ko ng kasuitan na ito sinuot ko parin dahil bukod sa wala akong choice hindi naman pwede na itong damit niya ang isuit ko paglabas at baka mamaya may makakita sakin at pagmulan ng issue.
Sakto naman naliligo ito kaya pagkakataon kona para umalis pero sadyang malakas pakiramdam nito,papihit palang ako ng may magsalita.
"You'll run away while I'm taking a shower, right?".
"Yes,and I won't bother you while you're taking a bath".
"Oh,Really?".sabi nito na kinapintig ng tenga ko.
"Ok fine!".inis na hinarap ko ito.
"Tama na yung isang gabi,siguro naman sapat na yun para di ka pumayag sa kasal ,pareho naman natin hindi gusto right? Sapat na siguro pabuya yun sa pag atras mo!" Walang prenong turan ko pero tinitigan lang ako nito ng walang emosyon,hindi narin naman ito umimik pa kaya naman pumihit ako paharap muli sa pinto at akmang bubuksan na ito ng mapasinghap ako ng may mabibilis na bisig na hinapit ang bewang ko at napaawang ang bibig ko sa katagang binitiwan ni kuya Zeikie.
"At sa tingin mo sasang ayon ako?matapos ng may nangyari satin ?" Bulong nito sa likuran ko nagsitaasan ang balahibo ko ng dumampi ang mainit na hininga nito sa balat ko ,lalo pa ang kamay nito na nasa tiyan ko .
Pero di ako nagpatinag at nagpahalata kahit pa nagmumukha na ako tuod,dahil sobrang lapit niya sakin na halos nakasandig na ako sa mga dibdib niya.
"It's not a Big deal kuya Zeikie,wala kang dapat panagutan it's just a one nig----!?".nagitan ako ng lalo pa ako hapitin nito papalapit sa kanya.
"May pananagutan man o wala ,hindi parin kita papakawalan lalo pa ako ang nakauna sayo,na Markahan na kita kaya wala kanang kawala Kierra !" Nang uuyan na turan nito.
Napikon ako sa sinabi nito na para bang nabili na niya ako ano akala niya sakin laruan ?,malakas na hinawi ko ang kamay nito at padabog na naupo sa sofa,pero tinignan lang ako nito ng walang emosyon.