CHAPTER 10; STAY WITH ME

1783 Words
“Run Away With Me” Written by; Mhayie "Stay With Me" CHAPTER 10 Tahimik lang si Kuya Zeikie mula pa kanina marahil galit parin ito sa akin, himig lang ng mga ibon ang maririnig mo dahil ni isa samin ay walang gustong kumibo. Pero maliban na ata ngayon sakin na di kaya ngayon pantayan ang galit niya lalo pa ng ako itong unang nagsalita,marahil nakukunsensya ako? Diba may ganon pa pala ako tinatago akala ko rin wala na eh. "K-uya Zeikie?" Pagbasag ko sa katahimikan naming dalawa,tumigil naman ito at tumingin sa akin. "S-orry!" Turan ko at umiwas ng tingin sa totoo lang never ko pa ginawa to ang humingi ng tawad kahit di ko naman alam ano ba nagawa kong mali at higit pa sa lahat di ko naranasan manuyo , ngayon lang talaga at bukod tangi sa kanya lang. Pero para lang ako nagsalita sa kawalan ,dahil nakatngin lang naman ito sa akin ng wala man lang ka'imik-imik kaya naman binawi ko nalang sinabi ko at pinandigan ang pagtataray. "Ok fine kung ayaw mo di huwag bahala k-----!" Di kona natuloy pa ang sasabihin ko ng bigla ako yakapin nito mula sa likuran ko. "At san ka naman pupunta?" Seryosong turan nito. "Aalis,diba nga ayaw mo tanggapin sorry ko? So ano pa dahilan para mag stay ako rito?" "May sinabi ba ako!?" "Exactly wala ka sinabi kaya automatic na hindi mo tanggap yung sorry ko kaya let me go!" Turan ko pero lalo lang nito hinigpitan ang pagkakayakap sakin at natigilan ako ng isik-sik nito ang mukha sa leeg ko. "K-uya Z-eikie?" "Please ngayon lang Stay with Me, yes nagtampo ako dahil hinayaan mo makita ka ni Pritz na ganon ang suot mo !" "Yun lang? Ang babaw naman ng----!?" "Im jealous ok!" Prangkang sagot nito na kinatigil ko ,pero parang may pagkukusa ang mga bibig ko. "W-hy?" "Ewan ko pero pagdating sayo gustong gusto ko ipagdamot ka,pero how? You're not mine? Anong karapatan ko para ipagdamot ka?".sa sinabi niyang iyon bigla nalang lumambot ang puso ko at ewan ko bakit yun ang lumabas sa bibig ko . "But im your soon to be Wife right?" Usal ko bigla naman ito umangat ng mukha. "K-ierra!?" "May karapatan ba ako tumanggi kung lahat ay nakaplano na?" Turan ko pa ,para ito natauhan at dahan-dahan bumitaw sa pagkakayakap sakin. Alam ko naoffend ko siya pero totoo naman eh,wala na ako kawala kung lahat ay nakasang-ayon na sa kasal naming dalawa . "I-m Sorry!" "You don't need to say Sorry it's not your fault!, ginusto nila Dad to kaya ano kawala ko diba?" "Pwede ka naman umurong kung ayaw mo talaga!" Seryosong turan nito pero parang may bahid ng lungkot ako nakita sa nga mata niya. "Para ano? Gawing miserable buhay ko? Alam mong wala ako kawala kila Dad lahat gagawin nila,siguro akala nila sa oras na ikasal ako sayo magiging Kontrolado mo na ako? Im a right!?" "It's not what you think!" "Then what? Tell me?". Bahagya na tahimik ito pero kalaunan ay muli nagsalita. "Marry Me,pinapangako ko na wala makikielam sa gusto mo,pakasalanan mo ako ng sa ganon malaya mo magawa ang gusto mo!". "Para magawa ko ang nga gusto ko?handa kang magpagamit sakin!?" Nakangising turan ko. "Yes, Use Me!" Turan nito pero ewan ko bakit may kirot akong nararamdaman. "Sa oras na ikasal ka sakin hindi mo na kailangan umalis sa trabaho mo dahil kaya ko naman patak-buhin ng solo ang kumpanya niyo!" Muling dadag nito. "P-ero-----!?" "Walang pero -pero mabuti pa huwag na muna natin pag usapan yan tutal narito tayo para mag enjoy diba?" Pag iiba nito na kinatango ko nalang. Narito kame sa laguna magaganda ang mga tanawin dito sariwang hangin at tahimik na kapaligiran talagang marerelax ka kapag narito ka,bukod doon sure na fresh na mga gulay ang makakain mo dito. Dinala ako ni kuya Zeikie sa kanyang taniman nakakatuwa lang dahil ang lulusog at ang gaganda ng mga tubong gulay niya. "Senyorito napasyal ka po!?" Bungad bati ng isang lalaki na sa hinuha ko ito ang naatasan mag alaga dito sa gulayan. "Opo mang Kanor,kamusta po kayo!? Baka naman Po pinababayaan niyo na sarili niyo!?" "Naku Senyorito hindi naman! Sa katunayan mas malakas pa ako sa kalabaw!" Biro nito,sabay baling ng tingin sa akin. "Mang Kanor siya nga pala si Kierra !" Pagpapakilala ni Kuya Zeikie sakin. "Magandang Hapon po Senyorita Kierra!" Bati ni Mang Kanor. "Kierra nalang po Mang Kanor!" Turan ko. "Tay ! Tatay!?" Sigaw ng babae'ng papalapit samin. "Ano ba yun Stella?" Si Mang kanor. "Tay pinatatawag na po kayo ni---S-enyorito?" Gulat na turan nito ng makita si Kuya Zeikie. "Kamusta Stella!?" Si Kuya Zeikie. "S-enyorito kayo po pala bakit ngayon lang kayo ulit nakabalik?" Turan nito na kinataas ng isang kilay ko . "So Matagal na pala nagpupunta rito ang lalaking to? At mukhang may Something sa dalawang to?" Kastigo ko sa aking isipan. "Oo nga eh, Kamusta kana Stella?" Nakangiting tanong ni Kuya Zeikie. "Aba at nagawa pang ngumiti ng napakalaki? Hanep sa landi nitong lalaking ito!?" Sigaw ng isipan ko . Nawala naman ang ngiti sa mga labi ng babae'ng si Stella ng mapansin ako. "Oo nga pala Anak si Senyorita Kierra kasama ni Senyorito !".pagpapakilala ni Mang Kanor sa akin. "H-ello po , Senyorita !?" Mahinhin na bati nito,nginitian ko lang to bilang paggalang. Dahil ano ba dapat ko gawin ? , Alangan naman sabihin ko na, Hi Stella ako nga pala yung soon to be Wifey ni Zeikie? Ganon ba ,diba para namang takot maagawan ang datingan ko nun kaya no! Wala ako sasabihin bahala itong lalaki na ito ipakilala ako. Inanyayahan kame ng Asawa ni Mang Kanor na si Manang Lilia na sumabay sa kanila maghapunan ,tutal malapit lang naman ang bahay nila dito sa halamanan kaya sumama kame kay Mang Kanor ,pero para lang ata ako maiinis nito ,abala lang naman si Kuya Zeikie sa pakikipagkwentuhan kay Stella habang ako narito kasama ni Manang Lilia sa kusina. "Manang tulungan na po kita !" Pag-boluntaryo ko upang mawala sa paningin ko ang dalawang ito ,pero di ko talaga maiwasan hindi mapatingin sa kanila lalo pa pagnaririnig kong tumawa si Kuya Zeikie. "Naku Senyorita salamat, Ang Swerte naman po sa inyo ni Senyorito!" Si Manang Lilia. "Po?" "Alam mo bang ikaw lang ang babaeng dinala niya rito? Madalas kasi solo lang siya nagpupunta rito! saka bago siya unalis noon ang sabi niya sa pagkakatanda ko, sa muling pagpunta niya ay kasama niya na yung babaeng pakakasalan niya kaya batid ko ikaw na yung tinutukoy ni Senyorito Noon pa man." Dagdag pa ni Manang Lilia,nakatingin lang ako sa kanya habang nakikinig. "T-alaga po?" "Oo Senyorita sa edad kong ito magagawa ko pa bang gumawa nang kwento sa iyo ? ,hindi sa dahil sa Amo ko siya pero totoo bagay kayong dalawa kaya sana Senyorita alagaan mo mabuti si Senyorito!" Patulo'y na turan ni Manang Lilia,tanging pag tango nalang ang nagawa ko. "Mahal na Lilia ikaw ba'y matatapos na? At ilang oras nalang ay maghahapunan na,nakakahiya naman kila Senyorita at Senyorito!" Usal ni Mang Kanor pagkapasok nito . "Malapit na Mahal!" Sagot ni Manang Lilia. Nakakatuwa naman pakinggan ang dalawang mag-asawa marahil lubos silang nag iibigan ng tunay kaya kahit simpleng bahay lang ay bakas ang saya ng pagsasama nila. Maliit man ang bahay nila napakagaan sa pakiramdam lalo na kapag ganito ang iyong makikita isang masaya at buong pamilya at masasabi ko na kuntento sila sa ganitong buhay. Hangad ko rin ang ganitong pamilya simple at alam kong nagmamahalan ,kaya kahit anong hirap nalulutasan nila basta sama-sama ,talagang respeto at pagmamahal ang magpapatibay ng pundasyon na binuo nilang dalawa. "Are you Ok?" Natigilan ako ng may humawak sa bewang ko at bulong sa tenga ko. "Yes!" Nakangiting sagot ko. "Gusto mo na unuwi? Baka naboboring kana?" Usisa pa nito. "Nope! Ok lang ako !" Pagkumbinsi ko,bumuntong hininga naman ito bago magsalita. "Ok !" Sagot nito . "Zei ,ok naba to!?" Sigaw Tanong ni Stella,at si Kuya Zeikie naman ay muling lumabas para tignan yung tinutukoy ni Stella. "Zei talaga? Wow ah?? ,,kunwari pang concern? Baka kamo gusto niya na ako pauwiin ng sa ganon walang hadlang?" Kastigo ko sa aking sarili ng muli itong lumapit kay Stella. 6:00 pm kame nagsimula maghapunan ,ewan ko pero nawalan ako ng gana kumain ,at hindi ko alam bakit naiirita ako sa dalawa. "Kuya Zeikie tikman mo to!" Si Stella ,sabay lagay sa plato ni Kuya Zeikie. "Salamat Stella!" Turan ni Kuya Zeikie. "Pabebe!" Usal ko sa aking sarili. "May sinasabi ka Kierra?" Narinig ata ni Kuya Zeikie ang pagbulong ko. "Wala sabi ko enjoy Your meal Kuya Zeikie!" Nakangisi kong sagot,tumango naman ito at muling pinagpatuloy ang pagkain. Tuluyan na talaga ako nawalan ng gana kumain ,pero pinilit ko parin unusin ang pagkain ko , ayoko naman isipin ni Manang Lilia na hindi ko nagustuhan ang luto niya,masarap naman talaga sadyang pangit lang ang ihip ng hagin ngayon para sa akin. Nagpaalam na kame sa mag asawa pati narin kay Stella na balak pa kame ihatid buti nalang ay tumanggi si Kuya Zeikie, kung hindi baka dito kona patulugin ito at ako na lamang ang uuwi magsolo. Hanggang sa makarating kame sa bahay hindi ko siya kinibuan kahit pa minsan ay nagtatangka ito magbukas ng topic,basta wala ako balak kausapin siya o pansinin man lang. Akmang aakyat na ako sa tas ng hawakan nito ang pala-pulsuan ko at nag aalala ang mga mata na tumingin sakin. "May masakit ba sayo?" Usisa nito . "Wala naman!" Tipid na sagot ko . "May problema?" Muling tanong nito na talaga naman di kona napigilan pa magsalita. "Wala naman baka ikaw may problema o baka naman na bitin ka sa pakikipag-usap kay Stella pwede ka naman bumalik pa don!" Turan ko na kinangisi naman nito . "At anong ngisi yan ah!?" Sikmat ko. "Nagseselos kaba?" Walang prenong tanong nito na kinatawa ko ng peke. "Ako magseselos at bakit?" "Are you sure?" Pang iinis pa nito ,akmang babawiin ko ang kamay ko na hawak niya ng unahan niya ako ,hinatak niya ako palapit sa kanya kaya naman sa gulat ko ay napayakap ako sa kanya. "Parang kapatid lang ang tingin ko kay Stella ,like a little Sister!" Pag amin nito natigilan ako pero mabilis din natauhan kaya naman itinulak ko ito . "Hindi mo kailangan magpaliwanag!" "Pero gusto ko!" "For what!?" "Because im your soon to be husband Right!?" Seryosong turan nito ,at ramdam ko ang pag iinit ng mukha ko kaya mabilis ako pumihit patalikod upang hindi nito mapuna ang panganga-matis ng mukha ko. "A-sa ka!" Turan ko nalang at mabilis na nagtungo paakyat ,dahil hindi kona talaga mapigilan ang pag iinit ng mukha ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD