“Run Away With Me”
Written by; Mhayie
"Damdamin"
CHAPTER 10
Maaga Ako na gising kung kaya na pag-pasyahan kong maglakad-lakad muna na saglit ,hindi ko na ginising pa si Kuya Zeikie para samahan ako.
Hindi pa ako lubusan nakakalayo ng may tumawag sakin.
"S-enyorita?" Agaw pansin ng lalaking tumawag sakin.
"Magandang umaga Senyorita!" Bati nito ng makalapit na sa akin.
"Kierra nalang Pritz,Magandang umaga din sayo!" Pabalik na bati ko.
"Mukhang nag iisa po kayo?" Usisa nito.
"Tulog pa kasi si Kuya Zeikie!" Turan ko.
"Ganon po ba gusto niyo po samahan ko na kayo sa pamamasyal baka po kasi mapaano pa kayo?" Pag alok nito,hindi na ako timanggi tutal hindi ko pa naman kabisado itong lugar na ito.
"Sige kung hindi nakakaabala sayo!?" Turan ko.
"Hindi naman po ,sa katuyan doon ang punta ko sa taniman!" Masayang turan nito.
"Ah kasama karin ba nila Mang Kanor sa pagtatanim?" Usisa ko.
"Hindi po ,pero ako po ang namamahala sa mga alagang kalabaw at ibang hayop pa ni Senyorito!"
"Ah ganon ba?"
"Opo gusto niyo po matry uminom ng Gatas ng kalabaw?" Alok nito na kinakunot ng noo ko.
"Masarap po iyon Senyorita,sa katunayan kilala dito sa Magdalena Laguna ang Gatas ng kalabaw,ginagawa itong chocomilk,ice candy at iba pa,malansa nga lang pag fresh pero masarap at mainam sa katawan ang gatas ng kalabaw!" Mahabang paliwanag nito.
"Talaga? Sige gusto ko matikman yun Pritz!?"
"Halika na po tuturuan din po kita pano kumuha ng gatas ng kalabaw!" Turan nito,tumango nalang ako bilang pagsang ayon at sumunod sa kanya,masaya kasama si Pritz hindi ito nauubusan ng kwento at nakikita ko sa kanya ang potential na makakaahon ito sa kahirapan,nabanggit niya rin na gusto niya magtrabaho sa manila,kaya naman inalok ko siya na sa kumpanya namin siya magtrabaho pagkatapos niya ng Kolehiyo, 4yr college na siya at tutuparin ko ang pangako ko sa kanya na tutulungan ko siya.
Wala kame nadatnan sa Taniman marahil umuwi na muna si Mang Kanor para mag agahan,kaya narito kame sa silong na ginawa nila upang kuhaan ng gatas ng kalabaw,sinubukan ko rin pisain ang d*d* ng kalabaw nung una pero hirap ako lalo na pag lumikot ang kalabaw na nakatali,iniingatan ko kasi na masipa ng inahing kalabaw ang gatas niya sayang kung matatapon ito, ang hirap sa una pero habang tumatagal natutunan kona ito at hindi narin ito malikot,marahil tama na ang ginagawa kong paghila ,bawat pisa ko ang daming gatas na lumalabas ,agad ko naman inalik kay Pritz dahil mamaya lang ay nariyan na ang kumukuha ng gatas .
Biruin mo sa isang kalabaw marami ang makukuha niyong gatas kada araw pero depende parin sa pag aalaga niyo sa mga kalabaw at binibili ito upang gawin kesong puti at iba pa, araw araw karin maggagatas ng kalabaw sipag at tiyaga lang talaga .
Nanood nalang ako kay Pritz sa paggatas ng kalabaw dahil kailangan na ito madaliin ,hanggang sa may narinig kame na nagtatawanan papalapit sa amin.
Kita ko ang saya sa mga mata ni Kuya Zeikie habang abala sa pakikipag kwentuhan kay Stella marahil matagal na sila magkakilala,nakaramdam ako ng kirot sa puso ko.
"Ganon na ba sila ka Close kung kaya bakit ang dali niya ngumiti rito samantalang sakin never ko pa siya nakita ganyan kasaya kahit noon pa man".kastigo ko sa aking isipan.
"Senyorito!" Tawag ni Pritz kay Kuya Zeikie,naagaw naman nito ang atensyon ng binata pero mabilis na bumaling ng tingin sa akin , Ewan ko pero nag iba talaga mood ko at Itinuon ko nalang ang atensyon ko kay Pritz.
"Pritz hindi ka paba tapos riyan?" Usisa ko.
"Malapit na po Senyorita,naiinip na po ba kayo?"
"Hindi naman nais ko lang magpasama sayo kung saan yung tinutukoy mong paliguan kanina?" Dahilan ko kahit ang totoo gusto ko na umalis talaga.
"Ah sige po sandali nalang po ito!".turan nito
Maya-maya pa ay natapos na ito sa paggagatas na sakto naman dating ng nangongolekta, pero may isang lalaki pa ito kasama na binati ni Pritz.
"Magandang Umaga Senyorito Calix at Mang Tim !?" Bati ni Pritz sa lalaking nangongolekta ng gatas at sa kasama nito.
"Aba Pritz sino yang maganda'ng kasama mo?" Turan nito sabay baling ng tingin sakin.
"Siya si Senyorita Kierra!" Pagpapakilala ni Pritz sa akin bumaba na si Calix para magpakilala sakin.
"Hi Miss beautiful,im Calix!?" Sabay lahad ng kamay akmang tatanggapin kona ngmabilis na unahan ako ni Kuya Zeikie na ngayon ay narito na pala sa tabi ko.
"Oh Mr.possessive? ".biro ni Calix kay Kuya Zeikie.
"Bakit ka narito?" Seryosong turan ni Kuya Zeikie.
"Aba kung di ko pa naisipan sumama kay Mang Tim,di ko malalaman narito ka?" May pagtatampo na turan nito.
"At bakit naman?"
"Wala lang gusto ko lang makilala yung magandang kasama mo raw?"
"Kahit kailan talaga napakachismoso mo!" Turan ni Kuya Zeikie.
"Ok lang sulit naman punta ko!" Dagdag pa nito na kinalamig ng tingin ni Kuya Zeikie
"Couz, nagbibiro lang ako!" Si Calix na may pasign Piece pa.
"Mukha ba ako nagbibiro Calix?" Malamig na turan ni Kuya Zeikie,akmang magsasalita pa si Calix ng magsalita si Pritz.
"Senyorita tara na po?" Yaya nito na kinatingin ng dalawa.
"San kayo pupunta?" Seryosong tanong ni Kuya Zeikie.
"Senyorito sasamahan ko po si Senyorita sa may Sapa!" Masayang turan ni Pritz.
"Pero may gagawin kapa Pritz!" Si Kuya Zeikie.
"S-ige po Senyorito---!?"
"Ipagbukas mo nalang ang iuutos mo !" Sabat ko, na kinakunot ng noo ni Kuya Zeikie.
"Hindi niya pwede ipagbukas iyon dahil kailangan na----!?"
"Then gawin mo,tutal narito ka naman bakit hindi ka nalang magpatulong kay Stella?" Turan ko pero batid ko na may bahid ng selos sa kanilang pandinig iyon.
"Mahalaga ang araw nila rito Kierra kaya hindi mo sila pwede diktahan!" Turan nito .
"Edi babayaran ko! So ok naba pwede na kame umalis?" Usal ko na kinatigil ni kuya Zeikie marahil nagulat ito sa tinuran ko pero wala na akong pake doon, Hindi ko na hinintay magsalita pa si Kuya Zeikie inaya kona si Pritz.
"Tara na Pritz!?" Aya ko pero hindi ito pumayag marahil sobra ito matapat sa boss niya.
"S-orry Senyorita ,marahil sa susunod na araw nalang po!?" Turan ni Pritz,hindi na ako umimik pa at tumango nalang ,nais ko nalang sana umuwi pero ng nagsalita si Calix.
"Gusto mo samahan kita?" Alok nito kaya napatingin ako kay Calix at walang pagdadalawang isip na tumango, hinawakan ni Calix ang pala-pulsuan ko at hinatak ako papunta na sana sa Sapa ng may isa pang kamay ang humawak sa kabilang kamay ko .
"Sasama ako!" Usal nito hindi na ako umimik at hinayaan nalang sila sa gusto nila.
Yung kaninang inis ko ay napalitan ng pagkamangha ,ang ganda kasi ng sapa at napaka linaw pa ng tubig sadyang kasama lang talaga ang nagpapangit ,kasi talagang sinama pa niya si Stella? Ibang klase rin talaga itong lalaking ito.
Hindi ko alam kung nanadya ba siya o hindi, ewan ko bakit naiinis ako kay Stella sa tuwing dikit ito ng dikit kay Kuya Zeikie,di ko naman maipagkakaila maganda ito,marahil kaedad ko si Stella kaya hindi malabo pwede ito patulan ni Kuya Z-eikie ,pero syempre di naman papakabog itong eabab niyo ako pa ba eh nasa akin ang titulo ng pagiging Legal?tssk teka nga bakit ba kailangan ko magkaroon ng pake sa kanilang dalawa?.
"Kuya Zeikie tara maliligo?" Rinig kong aya ni Stella ,hindi ako lumingon sa dalawa at binalewala ko nalng lahat ng narinig ko.
"Ikaw Kierra? Ayaw mo ba maligo?" Tanong ni Calix sakin, sa tansya ko kaedad ko lang si Calix at may hawig silang dalawa dahil nga magpinsan sila pero di ko maipagkakaila na may aking ka-gwapuhan siya .
"Huy? Natulala kana riyan? Alam ko gwapo ako pero wala tayo panahon diyan tara maligo na tayo?" Usisa nito ,pero tumanggi lang ako ,hindi na naman ito nag pumilit pa at nakijoin na kila Kuya Zeikie at Stella.
Habang pinapanood ko sila lalo lang nadadgdagan ang inis ko dahil sa kung gano lumapit si Stella kay Kuya Zeikie na kulang nalang yakapin ito at hindi naman lumalayo u***g lalaki na ito .
"Kierra let's go?" Muling yaya ni Calix napatingin naman ako kay Kuya Zeikie na mukhang hinihintay ang sagot ko pero nang tumingin ako kay Stella na may pang uuyan ang tingin ay napabuntong hininga ako at tumayo,tutal nag swimsuit si Stella siguro pwede rin ako maghubad dito,kung tutuusin may ipagmamalaki naman ako kaya walang pag aalinlangan na hinubad ko ang pang itaas ko nakita ko ang pagkamangha sa mga mata ng dalawang magpinsan ,nahihiya man ay lakas loob ako lumusong sa tubig at lumapit sakanila hindi pa man ako lubusang nakakalapit ng bigla nalang nagsalita si Stella.
"Tara lalangoy doon?" Turan nito pero si Calix lang ang pumansin dito habang si Kuya Zeikie ay saakin lang nakatuon ang Atensyon,ng makalapit ako ay wala roon yung dalawa kaya nailang ako kay Kuya Zeikie, napasinghap ako ng walang imik na kinabig ako nito.
"What the Hell are you doing?" Seryoso na tanong nito.
"H-uh? N-othing!?"
"Seriously? Ano gusto mo isipin ko? "
"W-ala!".
"D*mn Kierra! Bumalik ka roon at suotin mo ang damit mo!" Utos nito na kinakunot ng noo ko? Bakit si Stella pinayagan niya maghubad pagdating sakin bawal?, ano may favouritism lang?.
"Ayoko!" Turan ko, na lalo ako nito hinapit at bumulong sakin.
"Magpapalit kaba o gusto mo tuluyan kita hubaran dito?" Seryosong pagbabanta nito,iimik pa lang ako ng marinig namin ang sigaw ni Stella na humihingi ng tulong.
Mabilis naman ito nilangoy ni Kuya Zeikie,dahil si Calix ay tuloy parin sa paglangoy at sa tansya ko ay nagpapaligsaan itong dalawa at ng makaahon si Calix nakita niya ang pangyayari kaya muli ito bumalik,kinabahan din naman ako sa nangyari .
"S**t Couz i mouth to mouth mo!" Suhesyon ni Calix lalo naman nadagdagan ang kaba ko kung gagawin ba ito ni Kuya Zeikie,alam kong wala ako sa lugar para magselos ngayon dahil may isang buhay ang nasa peligro pero eto ako naghihintay sa gagawin niya.
Sa huli ay nananaig ang kagustuhan ni Kuya Zeikie na makatulong kaya naman ginawa niya ito kay Stella,ewan ko pero may kirot ako naramdaman na di naman dapat ,pero sa pangatlong try ni Kuya Zeikie doon ako nanlumo ng bigla nalang pumulupot ang braso ni Stella sa leeg ni Kuya Zeikie at walang babala na hinalikan nito si Kuya Zeikie.
Parang may punyal na sumaksak sa likuran ko habang pinapanood ko silang dalawa ,hindi ko namamalayan na may butil na luha na pumatak sa mata ko, kasunod non para na ako nawala sa sarili dala ng emosyon ay bigla nalang ako nagpatangay sa emosyon na halos takbuhin ko ang lugar papalayo sa kanila.
Narinig ko pa ang pagtawag ni Calix sakin pero binalewala ko yun ang gusto ko lang ay makalayo sa kanila,hindi kona ininda yung sakit sa talampakan ko sa tuwing matatapakan ko ang mga matitilos na putol na sanga at matatalas na damo sa lupa ,marahil manhid na ang pakiramdam ko sa nakita ko ,alam kong hindi dapat ganito ang naging emosyon o nararamdaman ko mali ito,ilang araw palang kame narito bakit napaka unfair na ng damdamin ko? Bakit ang bilis mawala ng galit sa puso ko pagdating sa kanya?.
Natigilan lang ako sa pagtakbo ng may umawat sakin at ang buong pag aakala na si Kuya Zeikie ang sumunod sakin ay isang maling pag aakala lang pala.
"Let me go!" Pagpupumiglas ko,sa halip na bitawan ako nito ay kinabig ako upang yakapin at aluhin.
"Enough Kierra,wala lang yun huwag mo isipin iyon!" Pagpapakalma ni Calix .
Gusto ko man itatak sa isip ko na wala lang yun pero taliwas ang damdamin ko sa isipan ko.