MAKALIPAS ang dalawang araw na pamamalagi sa loob ng ospital ay mas umigi na ang kalagayan ni Cassandra. Hindi siya nagdalawang-isip na makiusap sa mga doktor at pinilit ang mga ito i-discharge na siya sa ospital kahit pa magsulat siya ng waiver. Pakiramdam kasi niya ay mas lalo siyang magkakasakit kung tatagal pa siya roon.
Kasalukuyan niyang inaayos ang mga gamit niya nang untagin siya ng isang pamilyar na boses.
“It’s been a long time since I saw you not wearing that dreadful black suit of yours,” anang baritong boses habang palapit sa kaniya.
Bahagya siyang napangiti sa sarili pagkarinig sa boses ng lalaki. Pagpihit niya paharap ay eksakatong tumigil ito sa paglalakad at tumigil sa mismong harapan niya ilang pulgada lamang ang layo sa kaniya.
“Clay!” nagagalak niyang anas bago mas maluwang na ngumiti sa binata.
Hindi niya inaasahan ang biglang pagyakap nito sa kaniya. “You have no idea kung gaano ako nag-alala sa iyo!” Nasa tono nito ang hindi niya mawaring emosyon. He’s never been like this ever before. He’s never been this showy like their friend Raffy. In fact, Clay has been the total opposite of Raffy who’s very vocal about his emotions.
“Ano’ng ginagawa mo rito?” kunot-noong tanong niya habang nakayakap pa rin ito sa kaniya.
“I asked permission para dalawin ka sana… pero—”
“Nagpa-discharge na ako,” putol niya sa sinasabi ng lalaki.
Lalong lumalim ang gitla sa noo nito saka siya pinakawalan sa pagkakayakap. “Okay ka na ba? How are you feeling now?” tanong nito pagdaka’y humawak sa magkabila niyang balikat bago siya pinagmasdang maigi.
“O-Okay na ako, Clay. Salamat,” naiilang na sagot niya. Pakiramdam niya kasi ay pati kaloob-looban ng utak niya ay kinikilatis nito. Nag-iwas siya ng tingin at saka niya sinubukang tumalikod para bumalik na sa ginagawang pag-aayos ng gamit niya ngunit hinawakan siya nito at iniharap.
“No, you’re not.” Matiim ang titig na sumalubong sa kaniya. Sa pagkakataong ito, ibang klase ng pagtitig ang ibinigay nito sa kaniya. Iyong tipong nanunuot sa bawat kalamnan niya at may tila ba gustong ipahiwatig. Ibinaba niya ang tingin niya sa leeg nito para umiwas sa titig nito ngunit hindi sinasadya ay napadako ang tingin niya sa Adam’s apple nito nang lumunok ito. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman dahil bigla siyang nakaramdam ng pag-iinit ng mukha.
Nag-alis siya ng bikig sa lalamunan saka tumungo bago nagsalita.
“Ahm… may mga gamot namang inireseta ang doktor kaya—”
“So what? You’re still not well and I can clearly see that.” Alam niyang kahit may halong inis ay banaag naman ang pag-aalala sa himig ng binata.
Nag-angat siya ng mukha at sinalubong ang mga mata nito. Dahil sa pagkakalapit nila ay ramdam na ramdam niya ang lakas ng t***k ng puso niya. It was eratic… and she must be crazy for feeling that way.
‘What’s wrong with you, Cassie?’ saway niya sa sarili habang nakatingin sa binata.
Hindi nakawala sa paningin niya ang pagtiim ng bagang nito. Marahan nitong inalis ang pagkakahawak sa balikat niya pagdaka’y humugot nang malalim na hininga bago kagyat na lumayo sa kaniya.
‘Did he just blush?’ anang isip niya nang ito naman ang umiwas ng tingin sa kaniya at napuna niya kaagad ang pamumula ng pisngi at tainga nito.
“Cass, I already —” naputol ang pagsasalita sana ni Alexander nang madatnan sila ni Clay sa loob ng silid sa ganoong ayos. Kunot-noo itong pumasok nang tuluyan sa silid at saka tumigil sa pagitan nila ni Clay. Naghalukipkip muna ito bago amused na nagpalipat-lipat ang tingin sa kanila ni Clay at saka sa wakas ay nagtanong. “What brought you here?” Sa halip na mang-asar ay seryoso itong bumaling kay Clay.
“Susunduin ko po kayo ni Cassie,” sagot ni Clay na sinalubong nang diretso ang tingin ng kababata niya.
“Wow! How did you even know na lalabas si Cass today? Kailan ka pa naging manghuhula? Tropa kayo ni Dr. X at Nostradamus?” sarkastikong sambit ni Alexander saka tatawa-tawang silang tiningnan pagkuwa’y tumalikod at muling nagsalita. “I already called a cab. You don’t have to—” naputol ang sinasabi nito nang siya naman ang nagsalita.
“I think we should just go with Clay,” pakli niya.
Marahas itong humarap at saka siya tinaasan ng kilay bago paasik na nagtanong. “And why is that?”
“It’s more economical and convenient,” walang gatol na sagot niya na ikinatawa nito nang mapakla.
Naiiling na tumingin sa kaniya ang kababata bago bumuntong-hininga at nagsalita. “I already paid your bills and bought your meds,” anito bago muling tumingin kay Clay at inutusan ang binata. “Kunin mo na ang mga gamit ni Cass. We’re leaving,” utos nito bago may tinawagan sa telepono nito at saka siya inalalayan.
“Okay lang ako, salamat,” alanganing sambit niya bago bumaling kay Clay. “Salamat, Clay. Kaya ko na ‘yan. Magaan lang naman ‘yan, eh,” aniya at akmang kukuhanin mula sa binata ang bag ngunit mabilis itong nakaiwas at pagkuwa’y ngumiti sa kaniya. The kind of smile he used to do when they were at the military school na minsan na lang niyang makita nang magsimula silang magtrabaho.
“Mauuna na po ako sa ibaba. Sa entrance ko na lang kayo hihintayin,” wika nito kay Alexander na noon ay nakabusangot na ang mukha, saka ito tuluyang lumabas ng silid.
“Cancel my appointment with the cab. Something came up,” anito sa kausap sa kabilang linya sabay pigil sa braso niya nang akma siyang susunod kay Clay palabas ng kuwarto. “Okay, I’ll pay for his trip coming down here... okay, Salamat,” patuloy nito bago pinatay ang telepono at isinilid iyon sa bulsa ng pantalon nito saka siya hinarap. “Are you kidding me, Cass?” Halatang asar na asar ito base sa pamumula ng mukha nito.
“I just thought that it’s better for all of us na sumabay na lang kay Clay para mas mabilis tayong makauwi,” katuwiran niya sa pag-aakalang ang suhestyon niyang kay Clay na lang sumabay ang dahilan ng pagputok ng butse ni Alexander.
His childhood friend chuckled then shook his head and looked at her in a disappointed way. “That’s not it, Cass,” paglilinaw nito saka nag-exhale. “I cannot believe na binasted mo si Congressman at ‘yong lalaking ‘yon ang pinili mo,” patuloy na komento nito.
Kumunot ang noo niya bago ito sinagot. “Ano’ng ibig mong sabihin?" Nang amused na ngumiti si Alexander ay nakuha na niya ang ibig nitong ipahiwatig. Kaagad siyang kumambyo at nilinaw ang estado ng relasyon nila ni Clay. "Magkaibigan lang kami ni Clay, Lex. Walang halong malisya,” paliwanag niya bago ito tinalikuran at nagpatuloy sa paglabas ng silid bago pa man nito makita ang pamumula ng mukha niya.
He laughed with sarcasm and then followed her on the hallway. “Oh, c’mon, Cass! Puwede ba, hindi ako ipinanganak kahapon, okay? The way he looked at you and the way you looked at him…” Tumigil ito sa paglalakad nang tumigil siya at humarap dito.
“Puyat lang ‘yan, Lex, kaya kung ano-ano ang nakikita mo,” nakasimangot na sabi niya sa kababata. Nagbuga siya ng hangin bago ito muling tinalikuran at saka siya nagpatuloy sa paglalakad.
He scoffed. “Yeah, right. Kaya pala daig n’yo pa ang teenager kung magtitigan kanina,” anas nito na hindi nakalampas sa pandinig niya. Mabilis itong naglakad para siya sabayan saka siya marahang inalalayan. Kung nakamamatay lang ang irap, siguradong nangingisay na si Alexander sa hallway ng ospital.
“Kaya kong maglakad mag-isa," piksi niya. Inalis niya ang pagkakahawak nito sa braso niya bago siya nagpatiuna nang maglakad pagkatapos nitong matigilan sa sinabi niya.
Nagpakawala siya ng hangin sa dibdib. Hindi pa rin nagbabago ang kaibigan niya. Wala pa ring preno ang bibig nito at walang pakialam sa binibitiwang salita. Kalalaking tao, daig pa si Kris Aquino sa pagka-tactless!
Pagdating nila sa lobby ng ospital ay agad niyang natanaw si Clay na nasa driver’s seat ng sasakyang nakaparada sa tapat mismo ng entrada ng ospital. Agad na lumabas ng kotse ang binata pagkakitang-pagkakita pa lang sa kanila at saka nagmamadaling sumalubong sa kanila ni Alexander.
“Look, Superman, I’m Cass’ friend, okay?” pigil kaagad ni Alexander kay Clay nang akmang aalalayan siya nito. “Mukha ba akong disable sa tingin mo? Hindi naman 'di ba? So, please lang, kapag nandito ako, huwag mong ipamukha sa akin na you’re better than me… ‘cause you’re not. Kaya kong alalayan si Cass as long as walang barilang nagaganap, okay?” Hindi na maitatatwa sa tono ng pananalita ng kababata niya ang pagkainis sa kasamahan niya.
She just heaved a sigh and tried to calm herself. Marahil ay pakiramdam kasi ni Alexander ay natatapakan na ni Clay ang pride niya.
“I’m sorry, kung iyon po ang dating ng ginagawa ko sa inyo, but it's my job to ensure that you're safe," magalang pa rin na sagot ni Clay, but Cassandra knows na konting-konti na lang, dadama na talaga si Alexander dito. Clay has a bad temper just like her and she witnessed it how he exploded several times already.
“Wow! You’re unbelievable!” palatak ni Alexander. "As if maniniwala ako sa palusot mo," sarkastikong dugtong nito. Umiling-iling pa ito saka isinuot ang Rayban bago humakbang palabas ng ospital na mistulang modelo, dahilan para lingunin ito ng mga taong paparoo’t parito sa lobby ng ospital.
Natatawang umiling si Clay saka kumindat sa kaniya.
“Alam mo na kasing pikon iyon, lalo mo pang inasar.” Bagamat napangiti rin siya sa ginawi ng kasamahan ay bahagya niya itong sinuntok sa braso bilang pagsaway. “Tara na nga,” sa wakas ay yaya niya rito.
Naabutan nilang prenteng nakasandal sa back seat si Alexander, sa likod ng driver’s seat. Kaya naman, as usual, binuksan niya ang pinto sa may passenger seat para doon sana sumakay ngunit napatigil siya sa pagpasok nang magsalita ang kababata niya.
“Dito ka sa likuran umupo, Cass. You need to take a rest while we’re on the road,” awtoritadong utos nito.
She knew that tone and she’s too tired to argue. She rolled her eyes then looked at Clay who just shook his head while smiling bitterly. Tumingin ito sa kaniya saka siya tinanguan bago ito sumakay ng kotse at umupo sa harap ng manibela pagkasakay niya sa likod katabi ni Alexander.
Namayani ang katahimikan sa loob ng sasakyan habang binabagtas nila ang highway. Mabuti na lang at may dumaan na anghel sa loob ng sasakyan nila at tila nasaniban yata si Alexander, sa isip-isip niya.
Makalipas ang mahigit kalahating oras ay tumikhim ang kababata niya.
“Let’s have lunch ‘pag may nadaanan kang restaurant, Superman. I’m starving,” utos ni Alexander kay Clay, pagkuwa’y lumingon sa kaniya. “How are you feeling now?” tanong nito sa mas malumanay na paraan. Well, he looked sincere, just like how he used to during the past two days na binantayan siya nito sa ospital.
“Okay lang,” mahinang sagot niya bago nagkibit-balikat.
Tumango-tango lang ito saka nagpakawala nang malalim na hininga pagdaka'y bumaling sa labas ng sasakyan.
Kumain muna sila sa isang fastfood chain bago sila nagpatuloy sa biyahe. Buen Amor is four hours drive from Manila kaya matagal-tagal pa ang ibabiyahe nila.
“Take a rest na muna, Cass,” bulong ni Alexander sa kaniya.
Tumango lang siya saka maayos na umupo. Palibhasa’y busog at dahil na rin sa gamot, ilang minuto pa lang siyang nakasandal sa upuan ay hinila na siya ng antok.