As an usual morning, ako nanaman mag-isang kumakain sa hapag kahit pa nakauwi na sila. Hindi na bago sa akin ito.
" Mamayang alas nuebe ay may schedule ka sa shop ni Cindy, at sa hapon naman ay may appointment ka sa isang Thai salon para sa body massage." Saad ni Perla.
Nandito na si Mama pero madami pa rin itong schedule na inilalaan na gagawin ko.
" Cindy? Hindi ba nanggaling na siya dito kahapon?" Tanong ko habang nginunguya ang isang mansanas.
" May pagbabagong ginawa si Don Herman ginawa niyang masquerade party ang tema ng pagtitipon para sa inyo, bilang paggunita nito sa debut ng kanyang kaisa isang babaeng apo na kasabay ding uuwi ni Senyor Esteban." Napahinto ako sa pagkain at tumingin kay Perla upang makasiguro sa sinabi nito.
" Masquerade party? What do you mean magaattend ako doon?" Nakakunot noong tanong ko. " Akala ko ba ay isang pagtitipon para sa paguwi ng buong pamilya nila galing Espanya?"
" Oo, gaya ng sabi ko ang masquerade party ay para sa mga Señor at Señorita dito sa buong Valencia." Ibinaba ni Perla ang hawak nitong schedule at ibinigay ang buong atensyon sa akin. " Ang ibig sabihin noon, kabilang ka sa mga aattend. Lalo na at isa ka sa mga nakapangako sa isa sa kanyang mga apo."
Tuluyan ko ng ibinaba ang mansanas na kinakain ko. " At ang pagtitipon para sa buong Valencia ay wala pang pinal na anunsiyo." Dagdag pa nito.
Nagbuntong hininga ako at tumango tango.
" Okay." Tipid na sagot ko.
Naghanda na ako para sa pagpunta sa shop nila Cindy, isa itong kilalang fashion designer sa buong bayan. Malayo pa ang party, ngunit panigurado halos lahat ng tao ng Valencia ay sakanya magpapagawa ng gown.
Napahinto ako sa paglalakad ng makita si Rad na nakatayo sa tapat ng kotse, nakauwi na sina Mama kaya nandito na din si Efren. Kumunot ang noo ko ng naka uniporme pa ito.
" Si Rad ang inappoint ng Papa mo bilang personal driver mo Senyora."
Marahan akong tumango at hindi inalis ang tingin kay Rad ng marahan ito ngumisi bago binuksan ang pintuan ng kotse. Pagupo ko ay naalala ko iyong sinabi niya sa akin kagabi.
"See you tomorrow, Senyora Abella."
Pinisil ko ang kamay ko upang pigilan ang sarili ko. Tahimik ako ng pumasok na ito, inilipat ko ang tingin ko sa labas ng bintana at hindi siya kayang tignan. Buong biyahe akong tahimik at hindi nagtangkang magsalita. Gusto ko siyang tanungin kung bakit ako may numero sa kanya ngunit pinigilan ko ang sarili ko.
Noong pumasok ako sa shop ni Cindy ay nagulat ako ng pati siya ay sumama sa loob.
" Senyora Abella, I'm so sorry. They just informed me early this morning." Ani Cindy na sinalubong ako ng yakap. Si Cindy ay isang transgender, mahaba ang buhok nito at maganda din ang pangangatawan mukha na talaga siyang isang ganap na babae.
Ngumiti ako sa kanya na ngayon ay ang mga mata ay nasa likuran ko.
" Sino siya?" Tanong nito sa akin na kinagat pa ang ibabang labi nito.
" Si Rad, driver ko." Sagot ko at tipid na ngumiti at pumasok ng tuluyan sa malaking shop nito.
It was full of extravagant and expensive ball gowns that very popular nowadays. She never disappoint her client in her masterpiece tough.
" Kailangan ko din ng driver, baka naman pwedeng akin nalang siya." Bulong nito sa akin na sumunod sa pagpasok ko.
I chuckled on her craziness and glanced at Rad who was checking on the different gowns.
" Kung gusto niya..." pilya kong sagot at umupo sa mahaba at malambot nitong kulay abong sofa.
Pabiro niya akong sinimangutan at kinuha ang atensyon ni Rad.
" Hi, pwede kang umupo sa sofa habang naghihintay kay Senyora Abella." Saad nito.
Marahang tumango si Rad at naglakad na patungo sa sofang kinauupuan ko. Tumikhim ako para maiwala ang bara sa lalamunan ko at hindi inabala ang pagitan naming dalawa. Umupo si Cindy sa pagisahang sofa na may hawak na magazine.
" Actually I already talked to your mom, Senyora. Nasabi niya na din sa akin ang gusto niya, as usual Donya Angelita wants a unique design of your gown. Kakaloka!" Sabi nito na umiling iling pa habang nakataas ang kanyang mga kilay. " Pabonggahan talaga sila."
" So you don't need my opinion anymore?" Tanong ko sa kanya.
Tiim nito ang kanyang labi at tumango tango. " Parang ganoon na nga, dahil nga binago ng Mama mo ang diseniyo may kailangan lang akong isukat."
Hindi naman matagal ang pagsukat sa akin ni Cindy ng body measurement. May dinagdag lang ito na hindi niya naisukat kahapon,
" Oo nga pala, kulay lavender nga pala ang kulay ng gown mo. Hindi na kasi ako ang gagawa sa maskara na susuotin mo, but I already gave to your mom the sketch of the output of your gown."
" Lavender?" Kunot noong tanong ko.
" Iyon daw kasi ang hiling ni Senyor Esteban para match kayo." Sagot ni Cindy na sumulyap kay Rad na tahimik na nakikinig.
" Pwede ba akong humingi din ng copy ng sketch?" Tanong ko kay Cindy.
Tumango ito. " Sure, I have some copies here. Wait..." pumasok ito sa loob ng office niya at nagkatinginan kami ni Rad.
" Who is Esteban?" Halos maubo ako sa tanong nito. He asked without a hint of him.
Pinapayagan ko siyang tawagin akong Abella dahil hindi naman siya bago sa akin, pero ang pagtawag ng pangalan lamang kay Esteban ay hindi maganda.
" Magiingat ka nga sa mga sinasabi mo Rad, baka may makarinig sa iyo." Bulong ko sa kanya na sinulyapan ang iilang tao sa shop na tumitingin ng mga gown ni Cindy. Lalo na at nakauniporme pa ito ng pangdriver.
" Bakit?" Kunot noong tanong nito. Lumabas si Cindy sa kanyang opisina na may dalang isang papel.
" Mamaya ko nalang sasabihin."
Inabot ito sa akin, and like what I always said she was always met my mother's expectations with her gowns and I am fascinated with her masterpiece. I hate lavender because Ella love this color so much because of its feminine and elegant look, but her works gives justice on it, it has a touch of purple and white too.
It was a masquerade party and he wants me to match with him. I nodded at that thought.
Napangisi ako sa nasa isip ko. Of course we are wearing a half mask and there's a big possibility that he can't even recognize me easily.
I grabbed my phone at my Loui Vuitton shoulder bag.
To Maria Angelina, Nathalia and Katarina :
Hi, did you hear the masquerade party of the Hernandez? I heard it is a extravagant party for us. Esteban was so sweet, he chose a color for us so that he will find me easily. Ugh! Lavender was a good idea.
Napangiti ako habang hinihintay ang sagot nila. Sumulyap ako kay Rad na seryosong nagmamaneho.
" Are we going home?" Tanong ko. Naalala ko iyong pinaguusapan namin kanina bago lumabas si Cindy, kaya lumapit ako dito habang nakahawak sa upuan ng passengers seat.
" You asked me kanina why you should address people here with Señor and Señorita?" Sinulyapan nito ako sa salamin at ibinalik ang tingin sa daan. " Because it is a kind of respect to the people here in Valencia," I sighed.
" I find it inappropriate because they want to clarify the gap between the rich and the poor. You see? People in Valencia are filthy rich and powerful." I mumbled.
" And who is Esteban?" Naubo ako sa tanong nito, kakasabi ko lang sa kanya e.
" I told you! You should address him," I sighed and nodded slowly. " But it's fine, masyado lang kasing hypocrite ang mga tao dito. I just want to inform you, hindi ba iyon nasabi ni Mang Densyo?" Tumaas ang kilay ko sakanya.
" You didn't answer my question." Mariin na saad nito.
Napaawang ang labi ko at kumunot ang noo nang maalala kung ano ang tanong nito. I chuckled on that thought.
" Apo siya ng gobernador dito sa amin, naalala mo ba iyong malaking mansyon na pinuntahan natin sa barrio ng La Victoria? Noong nagdala ako ng cake? Iyon ang lolo niya."
" You love him?" Napahinto ako sa tanong niya at napakurap.
" Why did you asked that?" I stuttered and looking for some answers on his question.
" He is your fiancée." He groaned.
" Marriage without love is one of the high trends here in Valencia, Rad. It doesn't matter if you love that person or not." Inilipat ko ang tingin ko sa labas ng bintana. " and I have no choice, he choose me as his wife." malungkot na tugon ko.
" That's being unreasonable!"
" It doesn't matter anyway..." I answered.
" But you didn't love him!" Napaawang ang labi ko sa sinabi niya at inilipat ang tingin sa kanya na ngayon ay madilim ang mga mata at kunot na kunot ang kilay. His veins on his left arm was an evident that he gripped so hard, is he mad?
I heaved a sighed. " Matututo ko din siyang ma-mahalin, like what my dad felt for my mom." I stuttered, mariin kong hinawakan ang bag ko upang makakuha ng lakas.
But deep inside me, I can't. I know I cant, that is why I am secretly making a move to runaway from this s**t. Walang dapat makaalam noon, it should be private. If I cannot stop this marriage, I should make a move para magbago ang isip niya!
Tipid akong ngumiti ng sumulyap ito sa salamin at umiwas ako ng tingin. Nagbago ang pakiramdam ko sa pinaguusapan namin, talking about this nonsense marriage wants me to p**e.
Magandang ideya na din ang body massage para sa akin. I needed to rest, the whole week was too much to me physically and emotionally. I have to set my mind first, to have a better and clean plan.
Dinala muli nito ako sa lugar kung saan kami nanood ng sunset, at malapit na rin lumubog ang araw kaya sakto lamang ang dating namin.
" Do you have a plan tomorrow?" Tanong nito ng kakatapos lang namin manood ng papalubog na araw.
Nagkibit balikat ako habang malayo pa rin tingin. " I don't know, it depends to my mom." Saad ko.
" Tomorrow night then?" Napahinto ako sa sinabi nito at sumulyap ako sa kanya.
My heart was started to beat unconditionally, ano nanaman ang nararamdaman kong ito? He was just asking me to go out with him. My mind was aching in confusion.
" Hindi ako pwede lumabas ng gabi." Napapaos na sagot ko, but what is this feeling?
I am eagerly wanted to be with him.
Tumango ito ng marahan at sumulyap sa akin.
" Kailangan na nating bumalik." Saad nito.
Hindi ako mapakali sa pinagusapan namin kanina, panaka naka ko siyang sinusulyapan. Kung kaya sabihin ko sa kanya na tatakas ako at magkikita nalang kami sa labas?
Napasapo ko ang noo ko at marahang hinilot ang sentido. Baka akala niya ay interesado ako, ayokong isipin niya na gusto ko din siyang makita. Lalo na ay may security sa amin hindi nila ako papayagang lumabas.
Pagbaba ko ng kotse ay hinihintay ko siyang magsalita ngunit hindi siya kumibo.
Hindi nga ako nagkamali kinabukasan ay puno nanaman ang schedule ko sa loob ng mansyon dahil sa mga lesson. Sumasakit na ang ulo kakaisip sa kanya. Madalas ko ding tignan ang cellphone ko baka nagtext siya o tumawag, hindi ko ito inaalis sa tabi ko. Tumunog ang cellphone ko dahil may nagtext habang nasa hapag ako.
Bigla kong kinuha ito ng lumapit si Perla sa akin.
" Oras ng tanghalian Senyora, hindi ba estriktong pinagbabawal ang paggamit ng gadgets sa hapag kainan?"
Pinipigilan ko ang sarili kong sumagot at minadali nalang ang pagkain. Pero noong tignan ko kung sino ang nagtext ay si Katarina lang pala.
From Katarina :
Really? Lavender is one of my choices.
Siya palang ang sumagot sa text ko. I rolled my eyes and I'm not even interested. Padabog akong umupo sa sofa sa silid ko habang walang ganang nanonood sa tv. Akala ko ay si Rad na.
Hindi na ako magtataka kung pare pareho kami ng kulay sa darating na party, sigurado na ako doon. Then what's next? Ano ba dapat kong gawin?
Malilito lang si Esteban pero mahahanap niya din ako kapag nagkataon. Hinilot ko ang sentido ko, hindi ko muna dapat ito isipin dahil meron pa akong halos dalawang buwan para pagisipan iyon.
" You are doing good on your dance lessons Abella, that's great." Ani Papa habang kumakain kami ng hapunan.
Ngumiti ako kay Papa at tumango. " Salamat po, Papa."
" She must be, it was just simple step for the classic dance." Singit ni Mama.
I can't help myself but to roll my eyes in frustration. Pinandilatan ako ng mata ni Katya kaya tumahimik nalang ako.
" As long as Abella was doing her best Angelita." Giit ni Papa.
Nagkibit balikat si Mama at itinuon ang pansin sa pagkain.
" See Katya? Kahit wala si Ella dito pakiramdam ko ang bobo bobo ko!" Naaasar kong sabi pagpasok palang namin sa silid ko.
Tumuloy ako sa walk in closet ko para kumuha ng damit.
" Hindi ka pa ba nasasanay kay Donya Angelita?" Bulong nito.
Nagbuntong hininga ako upang ialis ang inis.
" Sanay na sanay na ako! Pero sana naman diba? Ako yung nandito. Hindi ba pwedeng iappreciate niya lahat ng effort ko? I am doing my best, believe me." Nawawalan ng pasensyang sabi ko at pumasok sa bathroom.
" Nakikita ko naman iyon e, siguro talagang hinahanap lang ng mama mo si Rafaella." Napahinto ako sa pagbukas ng shower at sinara ang glass door sa bathroom.
" Edi hanapin nilang mabuti!" Giit ko sabay bukas ng shower at siya naman pasok nito sa bathroom. " Hindi iyong ako yung naiipit sa problema nila!" Anas ko.
" Halos isang taon naman si Esteban sa Espanya, Bella. Wala kayong komunikasyon, text or tawag wala. Malay mo diba may babae na siyang nakilalang iba doon." Suwestiyon ni Katya sa akin.
I heaved a sighed, Katya was right. There's a big possibility that it will happen. Pretty and wild ang mga babae doon,
" You think so?" Tanong ko sa kanya habang nagsasabon ng katawan.
" Oo, edi kapag umuwi na siya dito wag kang magpakita ng kahit anong aksyon na namimiss mo siya." I almost p**e on what she said.
" Of course Katya! Duh..." nandidiring sinabi ko. " I'm not Ella, I can't stand pretending na gusto ko siya."
Marahan nitong pinapatuyo ang buhok ko habang nakaharap kami sa malaking salamin. Sumulyap ako sa akin cellphone at walang ni isang text nito. Gusto ko siyang tanungin kung saan kami pwedeng magkita, ngunit malabo akong makakaalis dahil mayroong bantay sa labas ng bahay.
Sinara ko ang pintuan ko paglabas ni Katya, panaka naka akong sumisilip sa cellphone ko ngunit wala naman itong text. Hindi na dapat ako umaasa dahil wala naman itong sinabi na tutuloy kami, at sinabi ko din na hindi naman din ako pwedeng lumabas.
Napabalikwas ako sa aking paghiga ng marinig ko ang kaluskos sa may veranda. Mabilis kong binuksan ang ilaw ng lampshade sa tabi ko upang tignan kung ano iyon. Dahan dahan akong tumayo para tignan ang ingay.
Kumabog ang dibdib ko sa kaba mabuti nalang at nasara ko ang pintuan roon. Napatalon ako sa gulat ng may makitang anino sa labas. Mabilis akong naglakad sa pintuan para tumawag ng security.
" Bella..." napahinto ako sa pagbukas ng pintuan at nanlalaki ang mga matang naglakad muli pabalik sa veranda upang kumpirmahin kung tama nga ang aking narinig,
" You're still awake." Anito at kahit na madilim ay nakita ko ang pagngiti nito.
Nanginginig ang aking kamay na binuksan ang pinto ng veranda.
" Wha-What are you doing here?" Kinakabahang tanong ko at huminga ng malalim dahil sa kaba.
" You might want a midnight snack?" Anito na may itinaas na dalawang paper bag.
Naguguluhan ang isip ko, at naglakad palabas ng veranda.
" Papano ka nakaakyat?" Tanong ko dito na tumingin muli sa kanya.
" Gumamit ako ng hagdan?" Pilyong sagot nito. Sumilip ako sa baba at mayroon nga itong hagdan. Patay na ang ilaw sa baba at wala naman si Ella sa kabilang veranda kaya walang makakakita sa kanya.
Lumapit ako sa kanya habang ang dibdib ko ay naghuhumerantado sa bilis ng t***k nito.
" Ba-Bakit ka nandito? Dapat ay nagtext ka nalang sa akin para ako nalang ang bumaba. Baka mahuli kapa." Nagaalalang sabi ko. Lumunok ako upang mawala ang namumuong kaba sa dibdib ko.
Ngumisi lamang ito at tinalikuran ako at pumasok sa kwarto ko. Napaawang ang labi ko ng inilibot nito ang kanyang paningin sa aking buong silid. Hindi ganoon kaliwanag dahil ang tanging ilaw lamang na nakabukas ay ang nasa lampshade ko.
" Ang sabi mo hindi ka pwedeng lumabas." Mababang sagot nito at tumuloy sa sofa ko at ipinatong sa center table ang dala nito.
Tumikhim ako at sumunod sa kanya.
" Hindi ka pwedeng magtagal dito." Bulong ko at umupo sa tabi niya.
Tumango tango ito.
" Bababa ako kapag tapos kana kumain." Napahinto ako sa sinabi niya at naginit ang pisngi ko.
" Ba-Bakit mo ba ako pinagdalhan niyan, na-nagabala kapa." Nahihiyang saad ko.
" I thought , you lost your appetite because of the leaves !" He chuckled and grabbed my wrist to sit closer to him.
Inilabas nito ang mga nasa loob ng paper bag. Bigla akong nagutom ng maamoy ang lasagna, mozzarella pizza at chips na inilabas nito. Napakagat ako sa aking ibabang labi at tumingin sa kanya.
" Thank you!" Hindi ko napigilan ang sarili kong yakapin siya. Napapikit ako ng maamoy ang mint gel na gamit nito.
Naramdam ko na nanigas ito at hindi nakapagsalita sa aking ginawa. Mabilis kong inalis ang yakap ko sa kanya at kumuha ng pizza. Slice na ang mga ito at nakalagay sa container.
Nanigas ako sa kinauupuan ko ng inayos nito ang strand ng buhok sa aking mukha at inilagay nito ito sa likod ng tenga ko.
Tumikhim ako at nahiyang kinagat ang pizza na hawak ko. Nakakahiya hindi man lang ako nakaayos. Gusto ko siyang tanungin kung bakit niya ginagawa sa akin ito. Pero wala akong lakas ng loob.
Ito, itong mabilis ng tambol ng dibdib ko para saan ito? Bakit ako kinakabahan at nakakaramdam ng sobra sobrang kaligayahan ng sabay? Normal ba iyon?
He sexily licked his lower lip. Nagkatitigan kami bago ito umiwas ng tingin.
" Kumain ka ng marami, I know you're craving for those food." Anito.
Tumango ako ng mabilis.
" Hi-Hindi ka ba kakain?" Tanong ko sa kanya na mukhang walang balak kumain.
Umiling ito ng mabilis. Nakakahiya naman, gumastos pa ito sa akin para lang bilhan ako ng pagkain na gusto ko. My heart fluttered in his thoughtfulness. Hindi niya ba alam na nakakakilig ang ginagawa niya.
Paano kapag nahulog ako?
Kinagat ko ang ibabang labi sa isipang iyon sabay kinain ang masarap na lasagna. He was literally sitting at my side while waiting for me to finish my food. I scooped some lasagna at idinala ko ito sa kanya.
" Try this one, is so delicious!" Sabi ko na hinihintay itong ibuka ang bibig.
Hinawakan nito ang kamay ko at umiling ng mabilis. " I can eat that whenever I want."
I pouted my lips and looked at him.
" What?" Naguguluhang tanong nito.
" Just one bite!" Pagngungumbinsi ko. " Please?"
He heave a sighed as surrender. " Alright, just one bite."
Napangiti ako ng tumango tango siya habang kinakain niya ito. Hindi maalis ang ngiti ko habang kinakain ang chips.
" You should get some pizza too, hindi ko mauubos yan." Sabi ko at ngumuso ng tumingin ito sa akin.
Mas lalo akong napangiti ng kumuha ito at kumain. Kinapa ko ang remote sa aking sofa at binuksan ang tv.
" Do you want to see a movie?" Tanong ko sa kanya na itinaas pa ang kilay.
Kahit na may pinili akong movie ay hindi naman din kami nanood. Pinapakiramdaman ang bawat isa, masaya ako na nandito siya ngayong gabi. Sana hindi na magumaga.
Pero sabi nga nila kapag masaya ka doon mas bumibilis ang oras, doon mas pinagkakait sayo ang kaligayahan. Pero itong oras na kasama ko siya, ang napakasayang oras sa buhay ko.
Bakit ganoon?
May makikilala kang tao na kahit sa madaling panahon magiging dahilan ng sobra sobrang kaligayahan. Hindi mo na maiisip ang iba, na komplikado. Sapat na iyong masaya ka. Pwedeng hindi ko muna isipin ang susunod na mangyayare? I want to cherish the moment that I am with him.
" Uhm, maraming salamat uli." Sinabi ko sakanya ng nasa veranda na kami.
Hating gabi na pero ayoko pa na umalis siya.
" Uh..." pigil ko sa kanya na naglakad malapit sa railings. Huminto ito at tumingin sa akin.
Mapupungay ang mga mata nito.
" K-Kung pwede akong lumabas ngayong gabi, saan sana tayo pupunta?" Hindi mapigilang tanong ko.
" Sa dulo ng dalampasigan na ito, malayo sa mansyon." Napakagat ako sa aking ibabang labi, at umusbong ang kagustuhan na pumunta sa sinasabi niya.
" Anong meron don?" Kuryosong tanong ko.
" It was a nice place for star gazing." Kumislap ang mata ko sa sinabi niya.
" Gusto kong pumunta doon!" Impit na sigaw ko.
Humalakhak ito. " I know!" Saad nito.
" Can we go there now?" I asked excitedly.
" Gabing gabi na, baka hindi kita mahatid sa tamang oras, Señorita." He said on his husky voice.
Nanigas ako sa sinabi nito, at parang may kuryenteng dumaloy sa buong katawan ko sa nakakahilong boses nito.
I stopped myself from bursting out.
" Tomorrow night then?" I asked sexily. I bit my lips when I heard my voice.
I saw how his adams apple bobbled up sexily, his eyes was dark. He licked his lower lip and looked at me intently.
" Hindi ka pwedeng lumabas, Bella."
Umiling ako ng mabilis at tumingin sa kanya.
" Dito ako dadaan?" Bulong na sagot ko sa kanya. Kumislap ang mata nito at marahang tumango.
" Alas nuebe ng gabi, susunduin kita dito." Napangiti ako sa sinabi niya at marahang tumango.
" Maghihintay ako." Sagot ko.