I was busily preparing myself for another horse back riding near the shore. I wore my black sexy boots.
" Mangangabayo ka?" Tanong ni Rafaella sa akin pagbukas nito ng pintuan ko habang ako ay nasa sofa at seryosong tinatali ang bota.
" Oo.." tipid na sagot ko.
She opened my door wider and step on my room.
" Talagang nakakawiling gawin iyan?" Manghang tanong nito sa akin.
Ngumiti ako sa kanya.
" It was super cool Ella!" Sagot ko at tumayo sa tapat ng malaking salamin upang tignan ang sarili.
I wore my fitted long maroon long sleeve and my high waist leather jeans. Katya ponytail my long hair into a clean one.
" Really! I wanna try..." pabulong nitong sagot.
Ngumiti ako sa kanya. " Alam mong hindi pwede magagalit si Mama." I said.
" Wala naman sila e." Napahinto ako sa sagot nito at tumingin ng tuluyan sa kanya.
She sat on my sofa while pouting her red lips. I chuckled on her look and shook my head.
" We can't, Perla will not allow you." Sabi ko at humakbang na palabas ng kwarto ko.
" Edi sasabihin ko," huminto ito at mukhang nagisip. " Sasamahan lang kita." Saad nito.
" You really wanna try?" Tanong ko.
Tumango tango ito. " Please!" Anito at naglakad patungo sa akin upang hawakan ang kamay ko.
" How about your preparation for your baking contest this coming weekend?" She rolled her eyes and heaved a sigh.
" I already master what to do Bella, paulit ulit nalang. I'm kinda bored." She said hysterically.
Like what we planned, because of Ella's charm napapayag namin si Perla. Naglalakad kami sa dalampasigan habang hawak ko ang tali ni Cloud.
Huminto ako para mabilis na sumakay sa likod ni Cloud.
" Hindi ba yan nangangagat?" Natawa ako sa tanong ni Ella na nakaangat ang ulong nakatingin sa akin.
" Don't worry it won't bite you!" Halakhak ko at tinapik si Cloud upang maglakad.
Sumunod si Ella sa akin, pinasuot ko sa kanya ang isang boots at skinny jeans ko. Hindi kasi pwede ang mga long dresses niya.
Tinapik ko muli si Cloud upang huminto. Inabot ko ang kamay ko kay Ella.
" Grab my hand, kailangan mo munang maexperience kung papaano sumakay sa kabayo." Sabi ko.
Napangiwi ito at napaawang ang labi. Nagbago ang timpla ng mukha nito at tumango tango.
" Hindi nangangagat ha?" Humalakhak muli ako sa tanong niya.
" Depende!" Biro ko at nakita ko ang takot sa mukha nito. I leaned my body to held her hand. Marahang gumalaw si Cloud kaya tumili ito.
" He won't bite, but he can kick!" Tawa ko.
Mabilis kong hinawakan ang tali ni Cloud at mabuti nalang ay mabilis itong nakahawak sa likod ko.
" Bakit siya gumalaw?" Kinakabahang tanong ni Ella sa akin.
" Natural lang yun Ella, ang bigat mo kasi." Iiling iling kong sagot. " Kumapit ka ng mabuti."
" Kahit hindi mo sabihin!" Giit nito sa akin at natawa ako ng yumakap ito sa bewang ko.
Marahan na muling naglakad si Cloud, mabuti nalang maganda ang panahon ngayon. Nagtungo kami sa dulo nitong dalampasigan kung nasaaan ang mga malalaking tipak at magagandang hubog ng mga bato.
" Wow! Are you often going here?" Tanong ni Ella sa akin.
Tumango ako bilang sagot.
" In my twenty years of existence never pa ako nakapunta sa dulo ng dalampasigan. Mommy will get mad! Kaya kaba laging nangangabayo tuwing umaga?" Tanong muli nito sa akin.
Bago ko siya sinagot ay bumaba muna ako kay Cloud, iginiya ko siya sa kanyang pagbaba at lalong namangha sa rock formations na nabuo ng dahil sa walang humpay na hampas ng alon.
" Yeap! I came here often to watch the sunrise." Sagot ko. Inilibot ni Ella ang kanyang namamanghang mga mata.
" Really? I'm sorry because of me you didn't see it!" Anito sa akin.
Umiling ako ng mabilis at ngumiti. " It's okay Ella, madalas naman ako dito. I want to see the sunset too, kaso dahil sa curfew hindi ako makapunta dito."
" I bet mas maganda din ang sunset dito, why don't you ask Mama? Papayag naman iyon kapag nakiusap ka." Anito sa akin at umupo sa isang tipak ng bato.
Ngumisi ako sa kanya at umupo sa buhangin. Ella was so innocent, I didn't see her as my rival and she seems clueless in everything. She doesn't have any idea how our Mom hate me too much, she always compare me to her.
I looked at her innocent and sweet face, it was like I am looking at my own face. We're twins anyway, her long curly her and long eyelashes were really looked like mine. Our only difference is our eyes, her eyes was a hazel brown while I have a dark one. Hindi ito napapansin ng iba, kaya madalas silang nalilito sa aming dalawa. We were really close, I know everything about her and she knows how much I wanted to be free and pursue my dreams. She supported me.
" Abella!!!" Nabalik ako sa aking ulirat ng sumigaw si Perla. Nanlalaki ang matang kong tumingin sa kanya.
" Hindi ka ba nakikinig? Ang sabi ko ay maghanda ka dahil papunta na ang magtuturo sa iyo ng sayaw." Naiinis na saad nito habang kinakain ko ang aking tanghalian.
" Okay." Tipid na sagot ko habang kunot noong nakatingin sa hawak kong baso ng tubig.
I can't wait any longer, kanina ko pa dinadalangin sana ay maggagabi na. Maging sa lesson ay madalas akong tulala dahil iniisip ko na makakalabas ako mamayang gabi, kasama si Rad.
" Oh bat naman ngingiti ka dyan? Para kang timang Senyora." Nakakalokong tanong ni Katya sa akin habang ibinababa nito ang miryenda sa lamesa.
I rolled my eyes on her and pouted my lips.
" Ewan sayo." Sagot ko. Maging siya ay napapansin ang pagkadistract ko sa lahat ng bagay. Pinipilit kong maging casual pero hindi ko mapigilan ang sarili ko.
Kinuha ko ang notes ko ng may nahulog na papel dito, kinuha ko ito at nakita ang sketch na ibinigay sa akin ni Cindy na gown na susuotin ko sa debut masquerade party.
Muntik ko ng makalimutan ito. I'm thinking if I would send this to them, but I guess they have a better taste for the gown too. Mas okay na iyong alam nila ang kulay ng gown.
Ano kayang ibang pwedeng gawin? Surely, there would be a fashion show in the event. That's wasn't new anyway. Hindi na bago ang pabonggahan, it became a tradition.
We would be wearing a mask, at sigurado na malalaman ni Esteban kung ano ang suot kong mask. Napasapo ako sa aking noo, I knew Esteban for so long because of his fame and his parents. We've met in some parties and social gatherings.
At hindi lang iyon, mayaman sila. He can control whoever he wants, he was famous in playing with the girls when he was still studying. Hindi ko pwedeng sabihin na ayoko na, o may iba akong mahal? I know his family, gagawa sila ng paraan para masira ako. Sumasakit ang ulo ko iniisip ko palamang iyon.
Nakikita ko lamang siya kapag may pagtitipon sa Valencia, but I never talk to him. How can I act towards him? Hindi ko alam kung papaano nakitungo noon si Rafaella sa kanya.
I rolled my eyes, well I should not thinking about that. Getting rid of him is my priority.
" Matutulog ka na ba?" Tanong ni Katya sa akin.
Pinatuyo ko ang buhok ko at naghahanda na upang humiga.
" Why?" Litong tanong ko. Nagkibit balikat ito.
" Wala lang, nagtataka lang ako sa iyo." Tawa nito.
" I'm tired Katya, I wanna sleep." Pagdadahilan ko at kunwari'y tinabunan ng kumot ang aking katawan.
" Okay, panigurado ay marami nanamang papagawa sa iyo si Perla. Sleep tight, Señorita." Tukso nito sa akin bago tuluyang lumabas ng kwarto at patayin ang ilaw.
Ilang minuto pa akong nakahiga bago tuluyang bumangon, chineck ko kung nilock ni Katya ang pintuan ko at mabilis akong tumungo sa walk in closet ko upang magpalit ng damit. Nagsuot ako ng long sleeve dress na ang haba nito ay above the knee, at natatabunan ang maliit na short na suot ko. Hindi naman ito hapit sa katawan ko kaya hindi ako mahihirapang bumaba sa hagdan.
Hindi ko maialis ang excitement sa dibdib ko. Alas otso y media palang ng gabi pero nakaayos na ako. Binuksan ko ang pinto ng veranda at sumalubong sa akin ang lamig ng hangin at dinig ko ang hampas ng alon mula dito.
Napabalikwas ako ng may narinig na kaluskos sa baba kaya naman sinilip ko ito at nakita ko si Rad na paakyat sa hagdan.
Nanlalaki ang mata ko at kinabahan sa kanyang ginagawa, sumilip ako sa loob ng silid ko dahil pakiramdam ko any moment ay may kakatok at baka mahuli kami, muling ibinalik sa kanya ang tingin ko.
Napahinto ito sa pagakyat at tumingin sa akin na nakangiti. My heart melted in his sweet smile. Muli itong nagpatuloy sa pagakyat at huminto ng nasa tapat ko na.
" Hinihintay mo ba ako?" Mababang tanong nito at muling ngumiti.
Umiwas ako ng tingin, dahil tama siya sa kanyang tanong.
" Kaya mo bang bumaba?" Nagaalalang tanong nito. Ngumiti ako sa kanya.
" Oo naman." Mabilis na sagot ko.
Mariin ang hawak ko sa malaking kamay ni Rad dahil madilim ang paligid pagbaba ko ng handan.
Sa mga puno kami dumaan bago tuluyang naka apak sa malambot na buhangin.
" Wala bang makakakita sa atin dito Rad?" Kinakabahang tanong ko.
" Malayo na ito sa plantasyon niyo Bella, at pagod ang mga trabahador kaya malamang ay natutulog na sila."
Ngumiti ako sa sinabi niya at nalungkot ng bigla nitong binitiwan ang kamay ko na nakahawak sa kanya kanina.
Inilibot ko ang paningin ko sa dagat, tanging ang liwanag ng buwan ang nagbibigay ilaw sa amin. Maging ang mga bituin ay nagniningning sa kalangitan.
Napahinto ako ng huminto ito sa isang puno, napaawang ang labi ko ng makita si Cloud na nakatali dito.
" Naisip ko na mas mapapadali ang pagpunta natin sa dulo ng dalampasigan kung mangangabayo tayo." Saad nito na tila nakita ang pagkagulat ko.
Nahihiya kong inabot ang kamay ko sa kanya at umupo sa harapan nito, nakaharap ako sa dagat habang ang likod ko nama'y ay sa plantasyon.
Napapikit ako ng maamoy ang pamilyar na pabango nito. Hindi ako pwedeng magkamali, pamilyar ang amoy na ito na sikat na mamahaling brand ng pabango. Dahil sa lapit ng mukha ko sa kanya ay hindi ko magawang igalaw ng mabuti ang aking ulo. Sumulyap ako kay Rad na seryoso ang tingin sa harapan.
Kahit anong pilit kong alalahanin, hindi talaga siya pamilyar sa akin. Hindi ko pa siya nakita sa pagtitipon sa Valencia, maging sa kolehiyo na pinasukan ko noon. Alam kong hindi siya taga dito, pero gusto kong itanong kung bakit siya nandito. Hindi talaga siya nababagay sa trabaho niya.
He was acting so strange, bakit sobrang bait niya sa akin? Why he take risk para makaalis ako ng mansyon ng ganitong oras? Sa tagal niya dito, marahil ay kilala na nito ang kayang gawin ni Papa sa kanya.
Bumigat ang bawat paghinga ko at inilipat ang tingin sa dagat.
" Tell me, bakit ginagawa mo 'to?" Hindi mapigilang tanong ko.
Marahan lamang ang paglalakad ni Cloud, at tila ang bawat paghampas ng alon, ihip ng simoy ng hangin at ingay ng insekto ang tanging naririnig ko.
" I'm just giving you a favor." Tipid na sagot nito.
" But you know how risky it is Rad," kabadong tanong ko sa kanya na muling sumulyap sa kanya at nahuli nito ang tingin ko.
Madilim ang mukha nito at seryoso ang mga mata niya. Napakurap ako at bumilis ang t***k ng dibdib ko ng marahan itong lumapit sa tenga ko.
" Gusto mo bang bumalik tayo?" Bulong nito sa aking tenga at naramdaman ang marahang pagdampi ng malambot nitong labi sa akin dahil sa paggalaw ni Cloud. May boltahe ng kuryenteng mabilis na dumaloy sa aking buong katawan ng dahil sa nangyare at bigla akong nanlambot dahilan upang mapasandal ako sa matigas nitong katawan.
Malalim ang paghinga ko at umiwas ako sa kanyang mukha dahil sa lapit nito,
" N-No.." tipid na sagot ko sa kanya, napakagat ako sa aking ibabang labi sa sobrang lambing ng pagkasabi ko.
I felt his heavy breathing, the atmosphere became more akward because of what happened.
Kahit gabi na, because of the light coming from the moon I can still see the rock formation.
" Wala pa rin pala itong pinagbago," saad ko pagbaba nito sa akin kay Cloud. " Mas maganda pala ito tuwing gabi, sigurado mas magugustuhan ito ni Rafa-", napahinto ako sa pagsambit ng pangalan ng kakambal ko ng mapagtanto na galit nga pala ako sa kanya.
Napansin ito ni Rad kaya binigay nito ang buong atensiyon sa akin.
" Who is Rafa?" Takang tanong nito. Inilatag nito ang dala niyang kumot sa buhangin.
Napangiti ako ng humiga ito doon kaya ginaya ko din siya. Mas lalo akong namangha sa maraming bituin sa langit, ang ganda palang magstar gazing dito.
" Rafaella, she's my twin." Sagot ko sa kanya na nakatingin pa rin sa langit.
Naramdaman ko ang pagsulyap nito.
" Where is she?"
Nagkibit balikat ako. " Honestly, I have no idea, she's been away for almost a year."
" Bakit hindi mo alam?" Kuryosong tanong nito. Sumulyap ako kay Rad na hinihintay ang sagot ko.
Kahit naman sabihin ko sa kanya ay wala naman din siyang magagawa. Wala naman din siguro masama kung malaman niya.
" She runaway, siya ang dahilan kung bakit ako naiipit sa sitwasyon na ito." Sagot ko.
Ibinigay niya ang buong atensiyon sa akin.
" What do you mean?" Nalilitong tanong niya.
" I don't know the whole story, pero my mom wants her to be close to Esteban. You know, his family was famous and powerful. I was in Cebu back then, planning not to come back here anymore. Nalaman ko nalang na umalis si Ella isang buwan matapos umalis si Esteban patungong Spain. The whole days that they've been together, ang alam ni Esteban ako ang kasama niya." Napahinto ako sa pagkwekwento at tumingin kay Rad, ang dalawang kamay niya ay nasa likod ng kanyang ulo upang gawin unan. Seryoso ang mga mata nito habang nakatingin sa kalangitan.
" I don't know what her intention, we are okay. Everytime na naguusap kami through calls and videocalls we're okay, I guess at least that's what I've known." Nabasag ang boses ko sa huling salita at huminga ng malalim.
" She never told me about this, I am so clueless. Now I'm stock here." Naiinis na pahayag ko. Naghihintay ako ng sagot nito ngunit wala akong narinig.
Marahil ay nagulat ito sa sinabi ko, marahil ay hindi niya pa alam ang tunay na dahilan kung bakit ako ikakasal kay Esteban. Even our workers have no idea what just happened, ang pinapalabas kasi nila Mama ay nagaaral si Ella sa malayong lugar. Ayaw nila ng eskandalo, and what my twin sister did can ruin their reputation here.
Alam na alam ni Ella na maraming nalilito sa aming dalawa, dahil nagagawa naming magpalit everytime na wala sina mama upang makalabas siya ng bahay sa tuwing hindi siya pinapayagan ni Perla, Katya knew it too. Now, she took advantage of it.
" I'm sorry, I didn't know." Malamig nitong pahayag.
" It's okay, hindi naman talaga nila pinaalam. Kahit naman malaman mo, wala din naman magbabago." Halos pabulong na sagot ko.
" May maitutulong ba-"
" Wala Rad!" Agap ko sa kanyang sinabi at mabilis na umupo at tumingin sa kanya na nagulat sa naging sagot ko. Huminga ako ng malalim at umiwas ng tingin sa kanya.
" He is a grandson of our governor, what they wants they get by hook or by crook. They are dangerous." Habang sinasabi ko iyon ay nanginginig na ako sa takot. Malamang ay yun din ang naisipan ni Ella kaya nagawa niya sa akin ito.
Hindi na siya makakawala, at kilala ko siya hindi niya ipaglalaban ang gusto niya. Susunod lang siya sa gusto nila mama. Kaya mas pinili niyang umalis ng walang paalam.
Marami na din balita sa amin ang mga pinatay ng lolo ni Esteban dahil sa mga bagay na hindi nito nagustuhan. May isang pamilya noon dito ang ipinaalis dahil ibinili ng anak niya ang lupa nila ng sapilitan.
Bata pa ako kilala ko na sila, at bata pa kami ay alam ko na si Mama ay gumagawa na ng paraan upang mapalapit kami sa mga apo ni Don Herman. Lahat naman yata. Napalunok ako sa takot at tumingin kay Rad na walang takot sa mga mata nito na kinainis ko.
" Ano ba!" Hinampas ko ang braso nito.
" What?" Takang tanong nito na umupo na rin.
" Ano ba, I'm serious here. They are dangerous. Kaya ikaw magiingat ka, lalo na sa pagtawag kay Esteban!" Naaasar kong pahayag,
" Okay, okay I get it." Napipilitang sabi nito.
" I'm serious!" Seryoso kong pahayag at tumingin ng seryoso sa mga mata niya.
Walang laban si Rad sa mga Hernandez, at wala siyang magagawa kahit pa humingi ako ng tulong. Even my friends in Cebu ask me if they can help, but I don't want them to get involve.
Alam ko pansamantala lang ito, itong patagong pagalis namin na ganito hindi ko alam kung hanggang kailan ko pwedeng gawin ito. Pero habang may pagkakataon at hindi pa ako natatali kay Esteban gusto kong gawin ang mga bagay na alam kong hindi ko na magagawa pagdating ng araw.
Ang tanging makapagpapabago lamang ng tadhana ay si Esteban, hindi ko alam kung gaano kalalim ang pinagsamahan nila at kung pano ito napamahal kay Rafaella, all I can do is to let him unlove me. Malihis ang pagmamahal nito at mapunta sa iba.
Nakaramdam ako ng antok habang nakatingin sa tea na nasa harapan ko. Perla woke me up early, dahil tumawag daw si Nathalia at sinabing dadalaw ito ngayong umaga.
Hinilot ko ang sentido ko at alas syete y media palamang, ala una ng madaling araw na ako nakaakyat kagabe kaya antok na antok pa ako ngayon. Hindi maalis sa isipan ko ang itsura ni Rad, sumasakit tuloy lalo ang ulo ko.
" You should at least told her na kahit hapon ay nasa bahay ako." Suwestiyon ko habang iniinom ang tea.
" May lesson ka mamayang hapon senyora." Pagpapaalala ni Perla sa akin.
Tumango tango ako at umakyat na sa taas upang makapagayos. Alas nuebe daw ang dating nito, alas otso y media palamang ay natapos na ako makaligo.
Inaayos na ni Katya ang buhok ko sa malaking salamin, naghikab ako ng makaramdam muli ang antok. Swear, pagalis niya iidlip muna ako.
" Mukhang puyat ka ah, diba maaga kang natulog kagabe?" Nabalik ako sa aking ulirat at umayos ng upo.
" Uh, yeah. Kaso lang hindi ako masyado nakatulog." Pagdadahilan ko at pasimpleng sumulyap sa kanya.
Tumango tango ito sa akin.
" Ano kaya ang gusto ni Senyora Thalia sa iyo, at bigla nalang itong nagpasyang mamasyal dito?" Humalukipkip ako at napaisip sa tanong ni Katya. " Ang tagal mo ng nandito, ngunit ngayon niya lang naisipan na personal na dumalaw."
Nagkibit balikat ako. " I don't know, she might ask me about Esteban." Wala sa sariling sagot.
Napahinto si Katya at umupo sa tabi ko. " Anong ibig mong sabihin?" Kunot na kunot ang noo nito.
I flipped my hair and looked at Katya. " Parang hindi mo sila kilala Katya, and Thalia was obviously head over heels to Esteban noon pa." Tumango tango ito habang nakanguso.
" Tapos?" I rolled my eyes and stood up.
" Duhh... Can't you see? They want Esteban too bad that they can do everything. Anong bang meron don?" Naiinis na tanong ko.
" Yaman?" Kibit balikat na tanong ni Katya. " Pero may punto ka doon Bella, lalo na si Katarina. Diba noon pa man ay gumagawa na iyon ng paraan para mapansin ni Esteban?"
" Exactly!" Sabi ko sabay turo pa kay Katya na sabay naming pagtawa.
" Señorita, nandito na po si Senyora Nathalia." Napahinto ako sa pagtawa ng pumasok ang isa naming kasambahay.
" Susunod na ako." Sagot ko at nagpaalam kay Katya.
Napatayo si Thalia ng makita ako, she's glowing on her long peach dresses. She's feminine and witty too. Sobrang mahinhin ito.
" Hi," bati ko sa kanya at humalik sa pisngi nito at pinaupo ko siyang muli.
Sa veranda ko napili kaming magusap dahil presko dito.
" Naabala ba kita? Pasensya na, Perla told me about your preparation sa paguwi niya." Ngumiti ako ng pilit.
" Yeah, a lil bit. But I don't mind. Ano nga bang ipinunta mo?" Nagtatakang tanong ko.
Inilibot nito ang tingin niya sa malawak naming hardin.
" I just want to privately talk to you Bella, kaya hindi ko ito nasabi noong isang araw na lumabas tayo." Seryosong pahayag nito.
" Ano ba iyon?" Kuryosong tanong ko.
" It's about Esteban." I stopped myself from rolling my eyes, I knew it!
" Then?" Walang ganang tanong ko, I sipped on my juice.
" I got mad at Ella before kaya hindi ako madalas na pumasyal dito. I was shocked when they announced that you were the one who promised to Esteban. I thought it was really Ella." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.
Mas close silang dalawa ni Ella kaysa sa akin. Sobrang hinhin kasi ni Thalia kaya hindi kami pareho ng personality.
" Ah, yeah. It turns out like that. I never expect it too." Walang ganang sagot ko.
" But I guess Ella never told you between me and Esteban, though it wasn't important. " Muntik na akong masamid sa sinabi niya at ibinaba ang baso ko.
" Wait, what?" Takang tanong ko.
" Hindi ko ito sinabi sa inyo, maging kina Angeline. Before you both started dating, high school palang tayo, we uhm-well secretly dating." Pabulong nitong pahayag na nagaalangan pa.
Nanlalaki ang mata ko at hindi makapaniwala sa sinabi niya. I know may naikwento si Ella noon sa akin about doon pero akala ko hindi naman talaga iyon magiging seryoso.
" I got mad at Ella when she told me that she was dating Esteban because of what your Mom's want. Nanguna ang galit ko kaya umiwas ako." Nahihiyang saad niya. " Kahit na alam kong hindi din iyon ginusto ni Ella."
" What?! You know he's a playboy!" Anas ko.
Tumango tango ito. " I know, I know. That's the reason why I love him more. But he is a good man, I begged for his attention Bella, and you know that. Kaya noong nagbigay siya ng konting oras sa akin sobrang saya ko. Pero ng dahil sa nangyare, nawala lahat ng iyon." Napaawang ang labi ko sa sinabi niya. Habang may nagbabadyang luha sa mga mata niya.
" I'm sorry..." I felt guilty about it kahit hindi ko alam at hindi ako iyon.
Maliban kina Katarina at Angeline, she was the first one who was sincere about her feelings towards him. I thought it was just because we're still young, but hearing it from her how she still into it. Marahil ay seryoso ito, she was a soft type woman na hindi mo aakalain na maghahabol sa isang lalaking katulad ni Esteban. Hindi sila bagay, maraming lalaki ang nababagay sa kanya.
" I still love him Bella, even he doesn't love me." Malungkot nitong pahayag.